Kabanata 1

399 17 5
                                    

Kabanata 1

Daydreaming

[JEAN'S POV]

"Jessiena Valentin."

"Present ma'am!" sabi nung katabi ko.

"Jeanette Elysee Villacarlos"

"Present!" sabi ko sabay taas ng right hand ko.

Ang haba ng pangalan ko no? Nakakatamad isulat. Tapos pangdulo pa ako nakaupo kapag alphabetical yung sitting arrangement katulad nalang ngayon. Dapat kasi by height para paniguradong sa unahan na ako.

Naglesson lang si ma'am pero yung utak ko lutang. Naalala ko parin kasi yung lalaki kanina.

Yung mga mata niya.

Yung pilik mata niya.

Yung ilong niya.

Yung labi niya.

"Ms. Villacarlos?" Huh? Apelyido ko yun diba?

"Po?" Tumayo ako bigla.

"Read the second paragraph." Ay tofu. Kinuha ko agad yung libro kong nakasarado. Ano ngang page? Hala. Yari na.

"A-ahm. A-ano pong page ma'am?" nauutal na tanong ko.

Naku naman nagde-day dreaming ka pa kasi Jean!

Pinapagalitan ko na yung sarili ko sa utak ko.

"So all this time, you're not listening Ms. Villacarlos?" Umarko na yung kilay niya. Patay.

"I'm sorry ma'am."

Hiyang-hiya ako sa mga kaklase ko. Parang gusto ko ng lamunin nalang ako bigla ng lupa.

"Take your seat." Umupo na ako.

Nagpatuloy lang ang klase hanggang sa mag-uwian na.

"Jean mani ka ba?" si Mark kaklase kong nanliligaw sakin. Araw-araw akong pinapaulanan ng korning pick-up lines. Tsk.

Nagliligpit na ako ng gamit ko ngayon.

"Tao ako." Bored kong sagot.

"Sabihin mo dapat, bakit." Ang kulit talaga nito.

"Alam ko na yang pick-up line na yan Mark. Gasgas na masyado."

Kinuha ko yung suklay at pulbo ko sa bag at sinuklay ang buhok ko. Tuwing papasok at pauwi lang ako nagsusuklay at nagpupulbo unlike my other classmates na minu-minuto ata nagsusuklay at nagpupulbo.

"Sige nga ano dapat yung isasagot ko sa bakit?"

"Kasi PEANUTibok mo ang puso ko. Diba tama ako?"

"Ano ba yan. Alam mo na pala yan. Teka may isa----" pinutol ko na siya sa sasabihin niya.

"Bukas na lang nagugutom na ako." sabi ko sabay isinukbit na yung bag ko at tumalikod na. Bago pa ako makalabas ng pinto ay nagsalita pa siya.

"Bye Jean! Ingat ka, mamahalin mo pa ako!" Natatawa nalang ako.

"Asa!" sabi ko at tuluyan ng lumabas.

Umakyat ako sa 2nd floor. Nandun kasi ang section ng dalawa kong kaibigan. Magkakahiwalay kami ng section. Halo-halo kasi bawat section eh. Hindi siya ibinase sa grades. Si Ernesto ay sec. 8, si Ericka ay sec. 12 at ako naman ay sec. 4 kaya sa 1st floor yung room ko.

Inuna kong puntahan si Ernesto para sabay na kaming puntahan si Ericka sa room nila. Pagdating ko sa room nila Ernesto ay nandun na din pala si Ericka na naghihintay. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nakatalikod kasi siya.

1

2

3

"Boom!" Napaigtad siya sa gulat. Hahahahahaha.

"Ano ba naman yan Jean! Papatayin mo ba ako sa nerbyos?" sabi niya habang hawak-hawak niya parin ang dibdib niya.

"Hihihi." Humagikhik lang ako at nagpeace sign.

"Ang aga ata kayo ngayong pinalabas Jean?" Yeah. Tama siya. Ang section namin kasi lagi ang huling umuuwi dahil sobra-sobra ang kinoconsume na time ng last subject namin.

"May date ata yun. Nagmamadali eh. Oh ayan na pala si Ernesto!" sabi ko. Napalingon naman si Ericka sa direksyon ni Ernesto.

"Ay mga girlalu! It's so hot in the Philippines talaga!" maarte niyang sabi habang pinapaypayan ang sarili gamit ang mga kamay niya.

"Grabe tagaktak na pawis mo Ernesto." Sinamaan niya ako ng tingin.

"Tony pala. Hehe."

"Tara kwek-kwek muna tayo bago umuwi." si Ericka.

"Tara."

Ayun nga pumunta na

EIGHT-INCH GAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon