Kabanata 6
Embarassed
"Nakakagutom talaga yung exam no?" - Ericka."Yeah. Super duper over hirap pa! Lalo na yung sa may part na vocabularies! Ang sakit sa bangs!" - Ernesto
"Sana talaga pumasa tayong tatlo no? Para naman magkakasama parin tayo." Ako Pero syempre para rin makita ko araw-araw yung crush ko. Hahaha.
Nandito kami ngayon sa may canteen ng school nila kuya. Nasa may mahabang mesa kaming tatlo kasi dito nalang yung bakante.
"Oo nga! Tsaka ang dami talagang papa ditey! Nakakabuhay ng ovaries!" Ernesto sabay subo ng malaki sa burger na hawak niya.
"Para namang may ovaries ka! Hahaha." Ericka. Inirapan naman siya ni Ernesto.
"Knock! Knock!" sabat ko.
"Wag na Jean. Paniguradong waley na naman yan. Hahaha." Ericka.
"Oo nga. Dagdag sakit sa bangs ko na naman yan Jean!" Ernesto.
"Dami niyong sinabi. Who's there lang sasabihin niyo eh." sabi ko sabay kuha ng fries.
"Sige na nga pagbigyan. Who's there?" Ericka.
"Ovary." Ang sarap talaga ng fries. Gusto niyo? Bili kayo! Hahaha.
"Ovary who?" sabay na sabi nilang dalawa.
"And now we're starting OVARYgain. It's not the easiest thing to do. I'm feeling inside again, 'cause everytime I looked at you." Tinignan ko sila. Ganito yung expression nilang dalawa. >>> 0____________0
Teka. Bat ganyan?
Diba dapat ganito kasi ito lagi ang reaksyon nila kapag nagjojoke ako. -__________-
"Bakit?" Nakakapagtaka naman kasi talaga yung expression nila. May tinuro si Ernesto sa likod. Nilingon ko naman.
"Malala talaga kakornihan mo bunso. Hahaha." Kuya habang nakatayo sa likod ko kasama yung mga kaibigan niyang sina Red, Steve, Kevin, at may nadagdag pa na isang lalaki at babae. Siguro yan sina Brylle at Sychie.
Hala. Gulay. Wag niyong sabihing kanina pa sila diyan at narinig yung knock knock at pagkanta ko? Shemay! Parang gusto kong lamunin ng lupa! Take note kasama nila si KEVIN KO! Wag na kayong magreact diyan, gusto ko siyang angkinin eh. XD
"Ah eh. Hehe." Huhuhu. Hindi pa naman kagandahan boses ko. Shemay talaga!
"Pwede ba kaming makiupo?" Kuya. Tiningnan ko sina Ernesto at Ericka.
"Yes na yes papa Frank! Ditey ka na sa tabi ko!" kinikilig na sabi ni Ernesto. Mukhang nakabawi na siya sa pagkabigla.
"Oo nga. Malawak naman tong mesa kaya kasya tayong lahat." Ericka.
Kung sila nakabawi na, ako hindi pa. Para akong naestatwa. Nagsiupuan na sila. Sa right side, Ericka, Ernesto, Ako, Kuya Frank, Red. Sa left side, Brylle, Sychie, Kevin ko, Steve. Gets niyo ba? Basta ganun.
"Ang ganda ng kapatid mo Frankie." sabi nung Sychie. Kelan pa naging Frankie ang pangalan ni kuya?
"Syempre, gwapo kuya eh." sabi ni kuya habang nakapogi sign pa. "Sychie, Brylle, kapatid ko nga pala si Jeanette. Tapos sila *point kina Ernesto at Ericka* mga kaibigan niya. Ito si Ericka then Ernesto." pagpapakilala niya samin.
"Don't call me Ernesto nga Papa Frank! Duh! It's so ew kaya. How about those papable? Who are they?" Ang tinutukoy niya sina Red, Steve, at Kevin.
Nagiging masama na ako, natututo na akong magnakaw. Magnakaw ng tingin. Hahaha. Whooo! Ednal ko na naman. Di ko kasi maiwasan. Heler kaharap ko lang siya. Ang gwapo talaga. Kinikilig ako!
"Yan sina Red, Kevin tsaka si Steve. Si Jean palang pala nakakakilala sa kanila." pakilala niya sa tatlo. "Hahaha. Ano ba dapat itawag sayo?" tanong ni kuya.
"It's Tony! T-o-n-y! Nakakahiya naman sa mga apat na papable ditey pati na din sayo." Kahit kailan talaga tong si Ernesto.
"Teka parang ang layo naman ng Ernesto sa Tony?" Nagtatakang tanong ni Steve. Nagtawanan kami ni Ericka. Lahat tuloy ng atensyon nasa amin. Inirapan kami ni Ernesto. Tumigil kami sa pagtawa.
"Tony nalang itawag niyo, wag na kayo magtanong." sabi niya. Hinahampas ako ni Ericka sa ilalim ng upuan. Nagpipigil kasi siya sa pagtawa.
"At dahil diyan, magpicture tayo!" Sychie sabay labas ng phone niya. Napailing nalang yung boyfriend niya at nagtawanan sina kuya.
"Ikaw na maghawak myloves." utos niya pa kay Brylle. Nakocutean ako kay Sychie. Ang sarap pisilin ng pisngi. Sinunod naman agad ni Brylle.
"1 2 3! *Click*!" Brylle.
"Isa pa myloves." utos ulit ni Sychie. Sumulyap ako kay Kevin. Shoot. Nahuli niya ako. Agad kong iniwas yung tingin ko.
"1 2 3! Click! Oh ayan na. Tama na myloves. Pinagtitinginan na tayo oh." sabi ni Brylle sabay pisil sa ilong ni Sychie. Namula naman agad si Sychie. Cute couple! Ganyan din kaya kami ni Kevin ko sa future? Hahaha.
"Mauna na ako guys. Pinapauwi na kasi ako ng lola ko." Ericka.
"Uuwi na din pala akey. Babush paap Frank, mga papable at Sychie! Ikaw Jean sasabay ka na din ba?" Ernesto.
"Kuya mauna na din pala ako. May klase ka pa ata eh. Bye sa inyo!" Tumayo na ako. Sayang gusto ko pa sana magpaiwan kaso wala naman akong kasabay pag-uwi. Bye na muna sa Kevin ko.
"Oo nga may next class pa ako. Ingat kayo bunso." Kuya.
"Ingat kayo!" Red at Steve.
"Add niyo ko sa facebook para matag ko kayo. Sychie Arielle Martin nga pala." Ang kulit talaga nitong si Sychie. Si Kevin at Brylle lang ang hindi nagpaalam sa amin.
"Sige." Ericka.
Yun nga umalis na kaming tatlo.
_______
Author's note:
Anong masasabi niyo sa chapter na to? Hmm. Comment na! Hahaha. :D
![](https://img.wattpad.com/cover/30490776-288-k395953.jpg)
BINABASA MO ANG
EIGHT-INCH GAP
Teen FictionIsa sa ayaw ni Jeanette na katangian ng isang lalaki ay iyong lalaking malaki ang height gap sa kanya. The reason is she only stands five flat. Pero nang makilala niya si Kevin, isang gwapong lalaki na walong pulgada ang tangkad sa kanya ay nakalim...