Kabanata 16

248 10 0
                                    

Kabanata 16

Lying

[JEAN'S POV]

Maaga akong nagising ngayong araw. Magbebake kasi ako ng cookies para kay Kevin at para na rin dun sa napakacute niyang kapatid.

Yeah. You heard it right. I mean you read it right.

Gagawan ko siya ng cookies.

Oo na sobrang tanga ko na. Mas tanga pa ako sa sardinas.

Ano bang magagawa ko? Mahal ko siya eh. At tsaka uso naman ngayon ang one-sided, friendzone, seenzone at kung anu-ano pa. Nakikiuso lang ako. Haha. Chos.

Malay niyo once na matikman niya ang cookies na gawa ko, mainlove na siya sa akin. Diba nga may kasabihang, "A way to a man's heart is through his stomach."? Baka gumana kay Kevin. Ang galing-galing ko kayang magbake tsaka magluto.

Niligpit ko na yung pinaghigaan ko at bumaba na. Alas sais palang pala ng umaga. Mamayang 9 pa ako pupunta sa kanila. Tamang-tama.

Habang naghahanda ako ng mga ingredients at mga gagamitin, biglang sumulpot sa tabi ko si kuya at ginulo ang buhok ko.

"Mahal na mahal mo talaga ang kuya mo bunso. Ipinagbebake mo pa talaga ako ah." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi to para sayo no." Agad naman siyang napanguso. Minsan talaga nagdududa akong mas matanda siya sakin. Parang bata umakto eh.

"Para kanino pala?"

"Kay Keesha."

At kay Kevin. dugtong ko sa isip ko.

Ayan ready na lahat ng kakailanganin ko. Mag-aagahan muna ako.

"Keesha? Yung kapatid ni Kevin?" Tumango ko.

"Dun ka pala nagtatrabaho sa kanila. Nabanggit ni Tyler kahapon sakin."

"Sinong Tyler?" tanong ko habang nagtitimpla ng gatas para sa almusal ko.

"Yung bumili sayo kahapon na nakakalaro ko sa basketball. Yung mukhang babaero pero babaero talaga." Natawa naman ako sa pagkakadescribe ni kuya sa kaibigan niya.

Umupo ako sa may upuan.

"Ah. Gusto mo kuya?" alok ko ng gatas ko sa kanya.

"Yup."

"Edi magtimpla ka. Hahaha." Napasimangot naman siya agad at kumuha nalang ng tasa niya.

"Para kay Keesha nga ba talaga yan?" Biglang sabi ni kuya at muntikan ko ng maibuga yung gatas na iniinom ko.

Umupo siya sa may upuan na kaharap ko.

"O kay Kevin?" sabi niya ulit habang tinitingnan ako ng seryoso sa mga mata ko.

"Hi-hindi ah." Umiwas ako ng tingin sa kanya.

Wrong move. Paniguradong alam ni kuyang nagsisinungaling ako ngayon sa kanya.

"Hindi ako nagkakamali. Right?" sabi niya. Tiningnan ko siya.

Tumango nalang ako. Kilala naman kasi ako ni kuya. Alam niya kung kailan ako nagsasabi ng totoo at kailan hindi.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga.

"I knew it since the day you saw him in the WPU. There's something in your eyes whenever he's around. Pero Jean kailangan mo ng pigilan ang nararamdaman mo. Masasaktan ka lang sa kanya." malungkot na sabi niya.

EIGHT-INCH GAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon