Kabanata 4

324 12 3
                                    

Kabanata 4

Stunned

Nakarating na kami ni kuya sa bahay. Tinanggal ko na yung helmet ko at bumaba na sa motor. Hinintay kong makababa at maipark ni kuya ang motor para sabay na kaming pumasok sa loob.

"Kuya wala kang pasok ngayon?" tanong ko sa kaniya. Naglalakad na kami papasok sa kabahayan.

"Wala kaming 1st at 2nd subject ngayon kaya mamyang 3pm. pa ang pasok ko. Pinasundo ka nalang sakin ni mama para daw sabay na tayong pumunta sa West Point mamaya." paliwanag niya.

"Ah okay."

Nandito na kami sa loob. Sinalubong kami ni mama. Siya lang ang naiwan dito sa bahay. Si papa kasi nasa trabaho.

"Kumain na kayo." sabi niya samin.

"Okay ma." kuya Frank.

Nilingon ako ni mama. "Ikaw Jean?"

"Magbibihis na muna ako ma at maghihilamos. Ay maliligo nalang pala ako. Ang init kasi." Tumango lang siya bilang pagsang-ayon.

Umakyat na agad ako sa taas. Nagpahinga muna ako saglit. Makalipas ang ilang minuto, tumayo na ako at nagsimulang maligo. After 20 minutes, natapos na akong maligo. Kinuha ko na sa kama yung iniready kong damit kanina at isinuot ko na.

Bumaba na ako. Tapos na sila kuya at mama kumain kaya ako nalang ang naiwang mag-isa. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na agad yung pinagkainan ko. Naglakad na ako papuntang sala.

"Ma, si kuya?" tanong ko kay mama na abala sa panonood ng tv.

"Nasa taas, magbibihis daw muna siya. Maupo ka na muna."

Umupo ako sa tabi ni mama.

"Sa WPU ka na mag-aral anak para hindi na kami mag-alala ng papa mo. Bukod sa malapit lang, mababantayan ka pa ng kuya mo." Nge. Eto na naman tayo.

"Ma, ayoko nga sa West Point."

"Mag-exam ka pa din." Hindi naman talaga ako dapat magtetest sa WPU. Mapilit lang kasi sila mama kaya pinagbigyan ko na.

Maya-maya bumaba na rin si kuya.

"Tara na bunso. Bye ma."

"Bye ma." paalam ko din kay mama.

"Sige. Jean, galingan mo." Ang kulit talaga ni mama. Galingan ko daw samantalang alam niyang ayaw ko dun.

"Dala mo na ba yung ID mo bunso?" tanong ni kuya pagkalabas namin.

"Ay oo nga pala. Pati rin pala yung test permit nakalimutan ko." Binalikan ko agad yung mga yun.

"Tara na kuya."

Yun nga umalis na kami gamit pa din yung motor niya.

(West Point University)

Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa school nila kuya. Ang laki pala talaga at ang lawak pa.

"Change your mind?" ngisi ni kuya. Inirapan ko lang siya.

Pumasok na kami sa loob.

"Tara muna sa study area maupo habang hinihintay mo pa yung dalawa mong kaibigan." Tumango lang ako. Hinila ako ni kuya papunta sa mga upuan. Nasaan na ba sina Ernesto at Ericka? Tinext ko na yung dalawa. Nagreply naman kaagad sa akin si Ericka.

Ericka:

Nasa bahay pa ako. Wait niyo ko.

Nireplayan ko lang ng "okay". Maaga pa naman kasi, 1:10pm. pa lang.

"Girlfriend kaya ni Frankbabes yung hila-hila niya?" girl 1

"Ewan. May hawig nga sila ng girl. Di kaya kapatid niya?" girl 2

Isa lang yan sa mga naririnig ko. Siniko ko si kuya.

Bumulong siya sakin, "Ganun talaga kapag gwapo. Hahaha."

"Whatever kuya." bulong ko pabalik.

Biglang nagvibrate yung phone ko. Kinuha ko naman iyon sa bulsa ko. Huminto na sa paghila si kuya. Dito na ata kami uupo.

"Girlfriend mo tol? Ang ganda ah." Narinig kong tanong ng isang lalaki. Nasa cellphone ko kasi ang atensyon ko. May tig-iisang text galing kina Ernesto at Ericka. Pareho lang sila ng sinabi. Papunta na daw sila. Nireplayan ko ng "pakibilisan na lang".

"Kapatid ko, bunso namin." kuya sabay pat sa ulo ko.

"Hindi mo naman sinabing may maganda ka palang kapatid bro." sabi ng isa pang lalaki.

Inangat ko na yung ulo ko.

"Hindi mo naman sinabing may mga kaibigan ka palang bolero kuya." Nagtawanan yung dalawang lalaki pati na din si kuya.

"Mana sayo Frank. Hahaha." sabi nung lalaking nagtanong kay kuya kung sino ako.

"Kapatid ko nga pala si Jeanette. Bunso, yang dalawang bolero na yan kaklase ko." Block section kasi yan sila kuya. "Yan *point sa lalaking may hawak na gitara* si Red. Yan naman *point sa lalaking nagsusulat* si Steve."

"Nice meeting you mga kuya." Nginitian ko sila.

"Awts kuya daw." Steve.

"Parang tumanda ako bigla." Red.

"Ayaw niyo? Edi lolo nalang. Hahaha." sabi ko. Nagtawanan ulit sila.

"Si Brylle at Kevin nga pala?" tanong ni kuya sa kanila.

"Si Brylle, nandun sa Sychie myloves niya. Magugulat nalang siguro tayo na kamukha niya na si Sychie. Hahaha." Red.

Author's note:

Sina Sychie at Brylle, nasa isa ko siyang story. Ang title ay "The Facebook Flirt". Basahin niyo din po sana. Makakarelate dun yung mga facebook at wattpad addict pati na din mga selfie queens. ;)

"Ganun talaga kapag inlove. Si Kevin bumili ng tubig. Ay ayun na pala oh!" Steve sabay turo sa may likod namin. Nagsitinginan naman kami sa direksiyon na yun.

Napaawang yung bibig ko. Agad kong sinara mamaya mapasukan ng langaw.

Guess who?

_______

Author's note:

Anong masasabi niyo sa chapter na to? Hmm. Comment na! Hahaha. :D

EIGHT-INCH GAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon