Kabanata 5
Heaven
Author's note:
Pasukan na naman. Huhuhu. Hindi na ako makakapag-update ng daily pero sisikapin kong mga-update 4 times a week. Salamat sa mga sumusubaybay. :* <3
[JEAN'S POV]
Habang papalapit siya sa puwesto namin, yung puso ko naman palakas nang palakas ang tibok. Feeling ko nga maririnig na nila kuya eh.
Nakatitig lang talaga ako sa kaniya hanggang sa maupo na siya sa harap ko. Ang sitting arrangement kasi namin ngayon ay, ako at si kuya magkatabi then kaharap namin si Kevin, Steve, Red. Basta intindihin niyo nalang yung pagkakadescribe ko. Hahaha.
Ang gwapo niya talaga kahit yung suot niya ay yung uniform lang nila.
"Kevin, ito nga pala yung bunso kong kapatid na si Jeanette." Nakatingin parin ako sa kanya. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako, ilalahad ko ba yung kamay ko, o mananatili pa ring tahimik.
Pangalan palang, gwapo na.
Kevin, karhyme ng
.
.
.
heaven.
Basta talaga kalandian, ang bilis gumana ng utak ko. Hahaha.
"So ... Jeanette pala ang pangalan mo." Seryoso siyang nakatingin sakin. Parang kinakabahan ako sa paraan ng pagtitig niya.
"Nagkita na kayo?" Steve. Palipat-lipat siya ng tingin sa amin. Hindi ako makasagot.
"Oo naman. Siya yung babaeng nagpapacute sakin last week sa tindahan namin eh." Anak ng-- Nanlaki na talaga yung mga mata ko. Tiningnan ko sila kuya, bakas din sa mukha nila ang pagkagulat.
"Te-teka a-anong--" Nauutal-utal na ako. Pinutol niya yung sasabihin ko.
"Biro lang. Nice to meet you." Ngumiti siya ng makahulugan.
"Nice to meet you din. Hehe." Ngumiti na din ako, yung pilit na ngiti.
"Akala ko naman bunso totoo na. Kung nagkataon, paniguradong kabilang ka na sa mga napaluha niyang si Kevin. Hahaha." kuya
"Paano ba naman kasi, mukhang nabura na sa dictionary ni Kevin ang salitang "lovelife" at "girlfriend"." Red
Pwes. Ibabalik ko yang mga yan sa dictionary niya. Hihihi. , sabi ng malandi kong isip.
"Tch." Kevin.
"Buti pa ako." Steve.
"Babaero." Red.
"Nagsalita ang hindi." Steve.
"Magsitigil na nga kayo." saway ni kuya sa kanila.
Nakikinig nalang ako sa kanila at hindi na umiimik. Paano ba naman kasi kaharap ko lang naman yung crush na crush ko tapos inakusahan pa akong nagpapacute sa kanya. Sabagay tama naman siya pero paano niya napansin yun? Wala naman akong natandaang ginawa ko para mahalata niya. Wala nga ba? XD
Biglang nagvibrate yung cellphone ko. Tiningnan ko naman agad yun. Si Ericka pala, tinatanong kung nasaan daw ako. Kasama niya na ngayon si Ernesto at nandun sila sa may malapit sa gate.
"Ah kuya. Mauna na ako. Nandiyan na kasi sina Ericka, mag-eexam na kami." Paalam ko kay kuya.
"West Point parin bagsak mo Jean! Di mo ako matatakasan. Hahaha." Kuya. Hindi ko naman na talaga siya tatakasan dahil dito ko na gustong mag-aral. Alam niyo na kung bakit. Panigurado magugulat yun sina mama at papa sa pagbabago ko ng isip.
"Bye sa inyo." Paalam ko naman dun sa tatlo pero kay Kevin talaga ako nakatingin.
Nakarating na ako sa may gate. Nandun na nga yung dalawa.
"Tara na." yaya ko na sa kanila.
"Ang bonggacious naman pala ditey tsaka ang daming papable, diba Ericka?" Ernesto. Nilingon ko si Ericka na biglang namula tapos ang lawak ng ngiti. Para na siyang baliw.
"Anong nangyari Ericka?" Hindi ko na mapigilang hindi magtanong sa kanya.
Paakyat na nga pala kami sa room kung saan kami mag-eexam.
"Naalala mo yung lalaking nakasakayan ko sa jeep tapos yung nirate natin sa park? Dito siya nag-aaraaaal! Grabe talaga! Sisiguraduhin kong papasa ako." Sabi niya habang nagingislap yung mga mata. Napatawa na
lang kami ni Ernesto at umiling.
Nandito na agad kami sa room.
This is it! Sana pumasa ako. Sana. Sana. Sana. , paulit-ulit kong dasal sa isip ko.
_______
Author's note:
Anong masasabi niyo sa chapter na to? Hmm. Comment na! Hahaha. :D
BINABASA MO ANG
EIGHT-INCH GAP
Fiksi RemajaIsa sa ayaw ni Jeanette na katangian ng isang lalaki ay iyong lalaking malaki ang height gap sa kanya. The reason is she only stands five flat. Pero nang makilala niya si Kevin, isang gwapong lalaki na walong pulgada ang tangkad sa kanya ay nakalim...