Kabanata 3
Unexpected
Give me more lovin' than I've ever had
Make it all better when I'm feelin' sad
Tell me that I'm special even when I know I'm notAysh. Istorbo naman ng tulog to. Kaasar. Hindi ko pa din maidilat yung mata ko. Kinapa-kapa ko yung cellphone ko sa may uluhan. Ay. San na ba yun?
Make it feel good when I hurt so bad
Barely gettin' mad
I'm so glad I've found you
I love bein' around you
You make it easy,
it's easy as 1,2- 1,2,3,4Mukhang nasa lapag ata. Nalaglag siguro yun kanina. Idinilat ko yung mata ko. Tumayo na ako tapos kinuha yung cellphone ko sa baba. Si Elsa pala yung tumatawag. Kaklase ko. Sinagot ko na.
There's only 1 thing 2 do 3 words 4 you
(I love you) I love you
There's only 1 way 2 say those 3 word ang that's ---"Oh?" sabi ko na may tono pang pagkaantok. Pupungas-pungas pa ako sa mga mata ko.
(Asan ka na ba? Kanina pa kami nagtetext at tumatawag sayo!)
"Huh? Anong meron?" Naman inaantok pa ako.
(Last practice natin sa play ngayon na ipeperform natin sa Monday. Huwag mong sabihing nakalimutan mo?)
Nagpaprocess pa sa utak ko. Last practice. Play. Ngayon.
Hala. Sabado nga pala ngayon at may last practice kami para sa play. Wag niyo ng tanungin kung bakit Saturday na ngayon samantalang Monday palang sa last chapter. Malamang finast forward ni otor.
(Oy Jean ano na? 1 hour mahigit ka ng late!)
Tiningnan ko naman yung wall clock sa kwarto ko. Oo nga no. Ang usapan kasi 7:00am. tapos ngayon ay 8:15am na.
"Sorry naman nakalimutan ko eh. Kakagising ko lang."
(Sabi na nga ba eh. O siya sige bilisan mo na! Toot Toot) Binabaan na din ako.
Tumayo na ako at naghilamos nalang. Mamaya na ako maliligo pagkauwi. Nagbihis na ako at bumaba na.
Pagkababa ko, naabutan kong nagbabasa si papa ng diyaryo at si mama ata nasa kusina. Day off kasi ni papa ngayon. Si kuya Frank malamang tulog pa.
"Good morning pa!" Tumingin siya sakin.
"Saan punta mo?"
"Last practice po namin ng play sa English."
"Mag-almusal ka muna."
"Hindi na pa. Kanina pa ako late eh." Inabutan niya ako ng bente. Kinuha ko naman.
"Para saan to?"
"Pangcornetto mo." Natawa naman ako bigla si papa talaga.
"Ipangbili mo ng biscuit. Hindi pwedeng walang laman ang tiyan mo." Ang sweet talaga ni papa.
"Okay pa. Pasabi nalang kay mama."
"Sige. Mag-iingat ka."
So yun nga lumabas na ako.
Naghanap ako ng tricycle. Good thing meron agad.
"Kuya sa may park po."
Yung park nasa loob lang ng subdivision namin. Yun yung pinuntahan namin last time ni Ericka at Ernesto. Yung nagrerate kami ng mga lalaki. Doon kami magpapractice ng mga kagrupo ko. May court kasi dun, katabi lang. Malapit lang sa bahay nila Ericka at Ernesto yun. Magkaisang subdivision lang kaming tatlo pero tuwing uwian lang kami nagsasabay. Hay. Buti pa yung dalawang yun tapos na daw sila magperform sa section nila. Panglast group kasi ako sa section namin eh.
Nakarating na ako sa wakas. Malayo palang ay nakikita ko na yung mga kagrupo ko. Nakapamewang at nakasimangot na sakin si Elsa. Siya kasi leader namin. Mabuti nalang talaga dahil kung iba pa yung naging leader ko ay paniguradong tatanggalin na ako sa play. Close din kasi kami niyan ni Elsa.
Nakalapit na ako sa kanila.
"Dalawang oras ka ng late." Elsa.
Tumingin ako sa relo ko tapos tumingin ulit sa kanya.
"Anong dalawang oras? Kaka-8:59 pa nga lang eh." Nasapo niya yung noo niya.
"Hahahaha." Nagtawanan yung mga kaklase ko.
"Ay ewan. Tara practice na."
"Teka lang. Bibili muna ako nung taho. Ayun oh. Di pa kasi ako nag-aalmusal eh." Wala na kasi akong makitang pagbibilhan ng makakain eh. Sakto namang napatingin ako kay kuyang magtataho.
"O siya sige. Libre mo ko. Hahaha." Natawa naman din ako bigla. Ang bilis kasi magbago ng mood niya.
Pumunta na ako kay kuyang magtataho.
"Pabili nga po. Dalawang tigsampu." Sabi ko at binigay yung 20.
"Ako din po. Isang tigsampu." sabi nung lalaking nasa likod ko lang. May kaboses siya. Unti-unti ko siyang nilingon. Sabi na eh!
"Ineng yung taho mo." Hindi ko pinansin si manong. Si crush nasa harapan ko ngayon! Nakajersey siya ngayon na kulay gray. Ang gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo niya talaga!
Kumunot yung noo niya habang nakatingin sakin.
"Yung taho mo daw. Mukhang nangangalay na si Manong." sabi niya. Natauhan naman ako bigla. Oo nga pala! Eh kese nemen eh.
Kinuha ko na yung taho ko at umalis na dun. Aysh. Bili pa kaya ako? Hahaha. Wala na nga pala akong pera.
Nilingon ko siya ulit. Ang gwapo talaga. Naglakad na siya palayo dun matapos siyang bigyan ni kuyang magtataho.
Inalis ko na yung tingin ko sa kanya at nagsimula na sa paglakad kaso bigla naman akong natisod. Buti nalang hindi natapon yung dalawang tahong dala ko.
"Elsa! Eto na!" tawag ko sa kanya. Binigay ko na sa kanya yung taho.
Nagtataka siya habang tinititigan ako. Bat kaya?
"Bakit?" tanong ko. Hindi pa din maalis yung lawak ng ngiti ko.
"Wala. Ang lawak lang kasi ng ngiti mo." Nginitian ko lang ulit siya.
Inubos namin agad iyon at nakipagpractice na ako.
_______
Author's note:
Anong masasabi niyo sa chapter na to? Hmm. Comment na! Hahaha. :D

BINABASA MO ANG
EIGHT-INCH GAP
Fiksi RemajaIsa sa ayaw ni Jeanette na katangian ng isang lalaki ay iyong lalaking malaki ang height gap sa kanya. The reason is she only stands five flat. Pero nang makilala niya si Kevin, isang gwapong lalaki na walong pulgada ang tangkad sa kanya ay nakalim...