Kabanata 12
Scent
[JEAN'S POV]
Kung ganito ba naman kabango ang yayakapin mo, kahit wala ng babaan ayos lang!
Libre tsansing ako ngayon sa kanya. Inggit kayo? :P
Napapikit ako.
Ang bango niya talaga.
Ano kayang pabango ang gamit niya?
"Nandito na tayo. Pwede ka ng bumaba." Pagkasabi niya nun ay bigla akong napadilat at kinalas ang pagkakayakap ko sa bewang niya.
Ano ba yan. Bitin naman.
Pwede paextend author na ubod ng cute? Pleaseeeeee.
Author:
Hindi ako nadadala sa papuri. Ilang minuto ba? :DForever author! Forever!
Author:
Walang forever. Ge. :/Pagpasensiyahan niyo nalang po yung author. Moody kasi brokenhearted.
Author:
:3Tuluyan na nga akong bumaba sa motor niya.
"Thank you." sambit ko.
Tumango lang siya.
Dire-diretso siyang naglakad sa mga kalaro niya at nakabuntot lang ako sa kanya.
"Jean koooooooooo!" Nagulat ako nang may tumakbong lalaki papalapit sakin, si Mark pala.
Agad niyang pinisil ang magkabilang pisngi ko.
"Awww." Tinigil niya na iyon. Good thing. Grabe makapisil to.
Nang tingnan ko si Kevin, nakalapit na siya sa mga kalaro niya at nakisali na siya sa usapan.
"Bakit bigla-bigla kang namimisil?" Sinamaan ko ng tingin ang lalaking nasa harapan ko. Nagpeace sign ang loko para tuloy siyang bakla.
Natawa ako bigla sa kanya.
"Namiss kasi kita." sabi niya at akmang mamimisil na naman pero agad akong nakaiwas.
"Namiss? Kakakita lang natin kagabi sa prom ah." Bumabanat na naman to panigurado.
"Minu-minuto kasi kitang namimiss." sabi niya sabay kindat. Napailing nalang ako.
"Nananghalian ka na ba? Ikain mo muna yan. Tsk. Tsk." sabi ko na may kasama pang tapik-tapik sa balikat niya.
"Kahit hindi naman na ako kumain. Solve na ako kapag nakikita kita." Kung nagkataong may gusto ako dito, siguro tumambling na ako sa kakesohan ng lalaking to. Idagdag mo pang gwapo rin siya. Kaso wa epek.
"Ay nako tigil-tigilan mo ako Mark. Kinikilabutan ako sayo."
"Mamimiss talaga kita Jean. Sa ibang bansa na ako pag-aaralin eh. Suportado ni lola." sabi niya ng nakangiti pero makikita mo sa mga mata niyang nalulungkot talaga siya.
Niyakap ko siya. Nabigla siya sa ginawa ko pero yumakap din siya pabalik.
"Mamimiss din kita Mark. Yang kakornihan at kakulitan mo? Nakuuu! Mag-iingat ka doon. Sana mahanap mo na doon ang babaeng para sayo." Kinalas ko na ang pagkakayakap ko sa kanya. At nakangiting humarap sa kanya.
"Bakit hindi mo nalang kasi ako sagutin ngayon Jean para hindi na ako aaalis at hindi mo na ako mami---Aray!" Kinurot ko siya sa braso. Babanat na naman kasi eh.
"Puro ka kalokohan eh!"
"At least ikaw lang ang kinalolokohan." Kinurot ko na naman siya.
"Baliw."
"Sayo."
"Maiwan ka na nga diyan!" sabi ko at naglakad na patungo sa upuan habang hinhintay na magsimula ang laro nila.
Hindi parin kasi sila nagsisimula dahil wala pa si kuya.
"Jean para sayo pala. Remembrance." Mark sabay abot sakin ng isang kwintas.
Ang ganda. Silver siya at heart-shaped ang pendant na may nakaukit na pangalan ko.
"Thank you dito Mark. Ang ganda. Wala man lang akong maibibigay sayo. Ngayon mo lang kasi sinabing aalis ka na pala."
"Swak na ako sa yakap mo. Thank you din sayo Jean sa pagbuo ng araw ko palagi. Hay. Pwede bang ipasok na din kita sa maleta ko? Hahaha."
Nagtawanan kaming dalawa.
"Kelan pala ang alis mo?"
"Sa Monday na." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ang bilis naman ata.
"So...hindi ka na aattend ng graduation?"
"Yup. Pero papasok ako sa Monday para magpaalam sa mga kaklase natin tsaka kunin yung iba ko pang records sa school."
"Ah."
"Akin na yung kwintas. Ako na ang magsusuot sayo." Inabot ko sa kanya at agad niya namang isinuot sa akin.
"Patuli ka muna Mark! Hahaha." sabi ng isa sa mga kalaro nila. Yung kalaro nila kuyang nakasalamin nung nakaraang nanood ako.
"Lumalovelife. Naks naman." sabi pa ng isa.
"Ikaw na bro! Lakas pre!" sabi naman nung isa pa.
Namula tuloy ako bigla. Napansin na pala nila kami. Pinagtutukso kami ng mga kalaro niya. Wala pala ngayon ang mga kaibigan ni kuya na kakampi niya nung nakaraan. Tanging si Kevin lang ang kasama niya. Pagkadako ng paningin ko kay Kevin ay nakatalikod siya at naglalakad palabas ng court.
Saan naman papunta iyon?
[KEVIN'S POV]
"What's going on between them?! Arg!" Nasipa ko ng wala sa oras ang nakakaawang bato.
"O bro? Anong problema?" biglang sabat ng kakarating lang na si Frank.
Yung kapatid mo.
I'm going crazy. This is not right.
"Wala. Tara na sa loob."
"O--kay?"
At pumasok na nga kami sa loob.
_______
Author's note:
Anong masasabi niyo sa chapter na to? Hmm. Comment na! Hahaha. :D
![](https://img.wattpad.com/cover/30490776-288-k395953.jpg)
BINABASA MO ANG
EIGHT-INCH GAP
Teen FictionIsa sa ayaw ni Jeanette na katangian ng isang lalaki ay iyong lalaking malaki ang height gap sa kanya. The reason is she only stands five flat. Pero nang makilala niya si Kevin, isang gwapong lalaki na walong pulgada ang tangkad sa kanya ay nakalim...