Kabanata 15

220 9 4
                                    

Kabanata 15

Rejection

Author's note:

Woooooooh! Natapos din hell week namin. Namiss ko talaga mag-update. So heto na. Enjoy. :*

[JEAN'S POV]

Nagising ako sa ingay ng alarm ko. Panira ng tulog.

Nag-inat ako ng kunti at unti-unting binuksan ang mga mata ko. 

Tiningnan ko yung oras.

OMG 6:30am na. Late na koooooooooooo!

Nagmadali akong bumaba para kumain saglit kahit kunting subo lang.

"Oh anak may lakad ka ba? Bat parang nagmamadali ka yata?"

bungad sakin ni mama na naglilinis ng bahay kahit napakalinis naman na. Sadyang wala lang siyang mapagtripang gawin. Ayaw kasi siyang pagtrabahuin ni papa eh.

"Ma late na ko! Bakit di niyo man lang ako ginising? Alam niyo namang may araw na tulog mantika ako." Kumunot ang noo ni mama.

"Huh? Kakagraduate mo lang kahapon ah. Bakit may summer class ka ba?" Nasapo ko yung noo ko.

"Wala ma. Jinojoke lang kita. Hehehe. Sige ma, kain nako ah." Tiningnan niya lang ako nang may pagtataka. Tumalikod na ako pero lumingon ulit.

"Ay wait. Sila lolo at lola ma? Umuwi na ba?"

"Oo. Kaninang madaling araw. Hindi ka na nila ipinagising dahil ang sarap ng tulog mo."

"Ah. Hindi man lang sila nagstay kahit isang linggo." Nakakalungkot naman umuwi agad sila.

"Alam mo namang hindi pwede ang lolo at lola mo sa Manila. Hindi nila kaya ang ingay dito at tsaka walang sariwang hangin."

"Sabi ko nga po. Kain na ako ma ah."

Dumiretso na ako sa kusina. Tutal gising na rin naman ako kaya hindi na ako matutulog ulit.

Panira talaga tong alarm clock ko. Hahaha. Talagang sa alarm clock ko pa isinisi. Kumain na ako saka umakyat ulit para magbihis.

Ngayon na nga pala yung start ko dun sa tindahan nila Kevin. Pumili lang ako ng plain white shirt tsaka short na hanggang tuhod ang haba. Sa bahay lang naman kasi ako nagsusuot ng maiksi kasi naiilang akong magsuot ng maiksi sa labas.

Sabi ni Aling Fely 9am daw ako pumunta dun imbes na 6am dapat. Nandun pa naman daw siya kaya okay lang kahit mga 9am nako pumunta. Ang aga ko nga kasi mag-8am pa lang eh.

Hindi halatang excited ako no? Well, wala naman si Kevin sa bahay nila ngayon kasi nga 7am pasok nila.

Bakit ko alam? Malamang pinicturan ko yung schedule nila kuya na nakasulat sa binder niya. Di ba nga magkaklase sila. Talino ko no? Hahaha.

"Ma, alis na ako. Magbabantay nako dun sa grocery store na pinasukan ko."

"O sige. Itext mo ako kapag uuwi ka na para ipasundo na kita sa kuya mo."

"Ma, sa may labas ng subdivision lang naman yun eh. Yung may malaking grocery dun na kulay puti."

"Ay doon lang pala? O sige."

***

Kakababa ko lang ng tricycle. Nagbayad na ako. Natatanaw ko na si Ate Fely. Napadako ang tingin niya sakin at kinawayan ako. Lumapit na ako.

"Good morning ate Fely!"

"Good morning iha. Hindi ka naman excited niyan? Sayang wala dito si Kevin." sabi niya at binigyan ako ng makahulugang ngiti. Intrigera talaga to si ate Fely.

EIGHT-INCH GAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon