Kabanata 2

349 13 2
                                    

Kabanata 2

Way


"Kelan exam niyo sa West Point bunso?" tanong sakin ni kuya Frank.

Tatlo lang kaming magkakapatid. Si kuya Sean na 24 years old panganay namin. Nandun siya sa ibang bansa ngayon nagtatrabaho. Pangalawa, si kuya Frank na dalawang taon lang ang tanda sakin pero magkasunod lang kami ng year pagdating sa school. Graduating ako tapos siya first year college palang imbes na second year. Nagloko kasi siya kaya huminto ng isang taon. At ako yung bunso.

Nandito kami ngayon ni kuya Frank sa sala at nanonood ng tv.

"Next week na kuya, by Monday."

"Sana pumasa ka sa school namin para sabay na tayo sa pagpasok." Ngumisi siya. Alam ko yang ngising yan. -_-

"Sana nga hindi para hindi na ako pilitin nila mama na mag-aral dun." sabi ko.

"Atsaka bantay-sarado lang ako sayo. Kilala kita kuya. Tsk." Dugtong ko pa. Lalong lumaki yung ngisi niya. Naku talaga.

"Hindi no. Ipagtatanggol lang naman kita sa mga umaapi sayo.Hahaha." Hawak niya yung baba niya habang nakangisi ng nakakaloko.

Nakakaasar talaga yang mga ngiting yan. Paano ba naman kasi nung highschool kami, 2nd year ako tapos siya 3rd year nun tapos  yung crush na crush ko noon sa room kinausap niya pala. Sinabihan niyang lumayo-layo daw yung guy sakin dahil may nakakahawa daw akong sakit at naniwala naman. Kaya pala kapag lumalapit ako sa kanya para magpacute, bigla-bigla siyang umaalis. Nung nalaman ko yun pagkauwi ko ng bahay ay pinagalitan ko si kuya. Aba! Tinawanan lang ako. Sinabihan niya pang tanga daw yung crush ko kasi naniwala agad kahit wala naman siyang binanggit na sakit ko. Ang sasabihin niya lang daw sana eh may sakit ako sa utak at baka mahawa yung lalaki sa kabaliwan ko kaso bigla daw tumakbo. Pinaghahampas ko nga siya ng bag kong may lamang tatlong libro.

"See you sa West Point bunso. Dun parin ang bagsak mo. Hahaha." Inirapan ko lang siya at nanahimik nalang baka maibato ko pa yung remote na hawak ko sa kanya.

"Jean bilhin mo muna tong mga to sa Puregold." biglang sumulpot si mama sa harapan namin at may hawak-hawak na papel na pinaglistahan niya ng mga bilihin.

Aysh. Tinatamad pa naman ako lumabas. Wait. Puregold daw. Meaning sa labas ng subdivision namin? Sinipag ako bigla.

"Okay ma."

Tumayo na ako at kinuha yung listahan at yung perang pambili.

"Sama!" kuya Frank

"Huwag na kuya. Manood ka nalang diyan." Pigil ko sa kanya. Mamaya malaman niya pa yung dahilan kung bakit ako kaagad pumayag. Kapag kasi inuutusan akong bumili sa malayo, itinuturo ko si kuya. Ang palagi kong dahilan may motor naman si kuya kaya siya nalang ang utusan. Pero kasi iba ang sitwasyon ngayon.

Makikita ko ulit yung crush kong hindi ko pa alam ang pangalan! Yung pinagpabaryahan ko kanina sa may malaking tindahan sa labas ng subdivision! Omayghad talaga! Hihihi.

Pumara na ako agad sa dumaang tricycle. Lalalala. Sana talaga nandun siya.

Nandito na kami sa may labas. Bumaba na ako at nagbayad. Tapos pumunta muna ako dun sa may tindahan nila crush ko bago ako papara ng jeep papuntang puregold. Hahaha.

Ang swerte ko talaga.

Siya yung nagbabantay!

Lumapit na ako dun. May mga babae dun sa gilid ng tindahan nila at pinagpipiyestahan siya ng tingin yung tipong gusto na nilang tunawin. Hmp.

"Pabili." sabi ko habang ngiting-ngiti.

"Ano yun?"

Ang gwapo niya talaga! Ang hot pa. Nakasando kasi siya ngayon. May abs kaya siya? Bigla akong namula sa iniisip ko.

"Tsk. Bibili ka ba talaga?" Ayan na naman yung boses niyang naiinip. Wait lang naman kasi diba. Hindi makahintay eh. Tinititigan ko pa nga siya.

"Dalawang pisong snowbear." Ibinigay ko sa kanya yung sukli ko kanina sa tricycle. Tres lahat yung sukli pero sinadya kong dos lang yung ibili.

Ibinigay niya na sakin yung candy. At tatalikod na sana siya ng tawagin ko ulit.

"Wait lang! May natitira pa palang piso sa bulsa ko. Isang snowbear pa ulit." See? Ang talino ko no. Hahaha.

"Okay." Kumuha na siya at ibinigay sakin. Tatalikod na naman sana siya ng tawagin ko ulit.

"Wait. May bibilhin pa ako." Nakarehistro sa mukha niya ang pagkainis. Ang gwapo niya parin kahit naiinis. Crush ko na talaga siya! Hihihi. :>

"Sabihin mo na nga lahat ng bibilhin mo at ng hindi na ako pabalik-balik." Asar na asar na siya pero mukhang nagpipigil lang.

"Isang hi-ro." Buti nalang may limang piso pa ako. Kinuha niya na agad yung bayad ko at ibinigay na sakin yung hi-ro.

"Thanks."

"Baka may bibilhin ka pa?" Gusto ko sanang sagutin kung isa rin ba siya sa paninda kaso mahahalata na akong may gusto ako sa kanya. Pero hindi pa nga ba ako halata? XD

"Wala na." Hindi na siya sumagot at tumalikod na agad. Ang gwapo kahit yung likod niya. Sinusundan ko padin siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang makapasok sa kanila.

Umalis ako doon ng may ngiting tagumpay.

_______

Author's note:

Anong masasabi niyo sa chapter na to? Hmm. Comment na! Hahaha. :D

EIGHT-INCH GAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon