Kabanata 8
Thirsty
"Three weeks nalang pala, graduate na tayo sa highschool. Aattend ba kayong graduation ball?" Ericka.
Vacant namin ngayon pare-pareho kaya naisipan naming libutin yung buong campus kasi three weeks nalang at gagraduate na kami sa school na to.
Paniguradong iyakan na sa last day. Syempre magkakahiwa-hiwalay na ng school. Pero kaming tatlo, iisang school parin. Pasado kasi kaming tatlo sa WPU. Talon nga ako ng talon ng malaman ko yun eh. Syempre makakasama ko na sa iisang school yung crush ko at magkakasama parin kaming tatlo nitong mga kaibigan ko.
"Ilang beses mo na yang tinanung Ericka, syempre naman." sagot ko.
"Aba'y oo naman yes! Daming boylet dun na malulungkot kapag wala ang maladiyosa kong beauty! Isasayaw pa nila ako! Aaaaaah! I'm so excited na talaga!" Ernesto.
"Ang ingay mo! Hindi mo ba nakikita na may nagkaklase pa sa ibang room?" sabi ko sabay turo dun sa room na malapit sa amin.
"Syempers nasight ko te! Hindi naman ako bulag no!" Patuloy lang kami sa paglalakad.
"May susuotin na ba kayo?" tanong ko sa kanila. Ako kasi wala pa samantalang next week na magaganap yun.
"Meron na." Ericka.
"Anong kulay?"
"Secret walang clue!" sabi niya sabay tawa.
"Hmp. Ang daya nito. Ikaw Tony?" baling ko kay Ernesto.
"Waley pa! Nakakaimbyerna much nga kasi hindi ako pwedeng maggown! Mga kj yung mga teachers. Alam kasi nilang makakabog ko sila kapag naggown ako." maktol ni Ernesto. Kasama kasi sa rules yung kapag babae ka, pangbabae dapat yung isusuot mo. At kung lalaki ka, panlalaki din dapat yung outfit mo kaya no choice ang bruhang baklang to kundi magsuot ng panlalaki.
"Eh ikaw girlalu meron na?" tanong sakin ni Ernesto.
"Wala pa din eh. Naghahanap palang." sagot ko
"Parang gusto kong magsummer job." Biglang singit ni Ericka. Napatingin kami sa kaniya.
"Ako din nga eh. Nakakabored sa bahay." sabi ko.
"Ako ayoko. Magbabakasyon kami sa Tagaytay eh." Ernesto.
"Naks edi ikaw na!" Ericka.
"Upo muna tayo. Ang sakit na ng paa ko." sabi ko pagkarating namin sa may hagdan. May takong kasi yung black shoes ko, alam niyo na dagdag height.
"Mabuti pa nga. Pagod na din ako kakalakad eh." Ericka.
"Ay girlalu! May chikaness pala akey!" sabi ni Ernesto sabay hampas sa braso ko.
"Ano yun?" Nagsiupuan na kami dun sa hagdan.
"Alam ko na kung where ang houselalu ni papa Kevin mo!" Yun lang pala yung sasabihin niya.
"Alam ko na din yun eh. Hahaha." sabi ko.
"Wag mong sabihing iniistalk mo siya Jean?" Ericka.
"Hindi no. Doon ko nga siya unang nakita. Magpapabarya kasi ako nun tapos siya yung bantay." Paliwanag ko.
"Buti ka pa marami ka ng alam sa crush mo. Ako nga mukha lang niya ang kilala ko." Ericka.
"Pamysterious effect ang peg ng boylet mo Ericka! Basta akey kay papa Frank lang! Type ko sana yung papa Brylle na nakilala natin kaso may jowaers na pala." Ernesto.
BINABASA MO ANG
EIGHT-INCH GAP
Teen FictionIsa sa ayaw ni Jeanette na katangian ng isang lalaki ay iyong lalaking malaki ang height gap sa kanya. The reason is she only stands five flat. Pero nang makilala niya si Kevin, isang gwapong lalaki na walong pulgada ang tangkad sa kanya ay nakalim...
