Kabanata 7

247 9 1
                                    

Kabanata 7

Stalk


"May napansin ako sayo kaninang fishy Jean." Tiningnan ko si Ericka. Ngumiti siya at alam kong may kahulugan yun.

Nandito na kami sa may subdivision namin at naisipan nilang maglakad para exercise daw kaya wala na akong magawa at maglalakad nalang rin. Sabagay hindi mo na naman mararamdamang malayo kapag may mga kasama kang maglalakad. At tsaka hindi naman mainit ngayon kasi 4:30pm. na.

"Ano yun?" tanong ko.

"Sulyap ka ng sulyap kay Kevin. Type mo?" Ang bilis talaga nitong makahalata. 

"Ang papable pa naman nun! Mukhang amerikano! Aaaaaah!" Tili ni Ernesto na may kasama pang talon. Hyper.

Tumango ako. Nanlaki pareho yung mga mata nila.

"Seryoso ka? Hindi ka ba nilalagnat?" Ericka

"For real?!" Ernesto

Tingnan mo tong mga to. Sasagutin mo ng maayos pero hindi maniniwala.

"Oo nga. Bat naman bigla ata kayong nagulat? Kayo yung nagtatanong diyan eh." sabi ko.

"Tony, ipakita mo nga kung bakit tayo nagulat." Tiningnan ko si Ernesto.

"Ahem. Yan? Ahm. 7 lang yan. Ang tangkad kasi masyado. Ah yang nakagreen ba? 9 yan, medyo matangkad lang kasi ng kunti sakin tsaka ang gwapo pa!" Natawa naman ako dun. Ginagaya niya kasi yung mga sinasabi ko tuwing may nirerate kaming mga boys.

"So?"

"Anong so? Hindi mo ba nakikita ang tangkad nun. Siguro mga 7 or 8 inch lamang nun sayo." Ericka. Nakapamewang pa. Natatawa nalang ako. Malapit na kaming makarating sa bahay. Mas nauuna kasing madadaanan yung bahay namin kesa sa mga bahay nila.

"Korak! At tsaka knowing you sis, ayaw mo ng matatangkad na lalaki kasi." Hindi niya maituloy yung sasabihin niya kasi sinamaan ko na agad ng tingin.

"Yung climate nga nagchechange, ako pa kaya? Syempre kapag pinagtripan ka ni Kupido, kahit ano pa yan mamahalin mo. Kahit malayo ang agwat niyo, aabutin--" Pinutol ni Ericka yung dapat sasabihin ko. Ano ba yan ang dami ko pang sasabihin eh. Panira ng moment.

"Hep! Masyado ka ng humuhugot. So inlove ka na sa kanya?" Ericka.

"Inlove agad? Hindi no, incrush pa lang." Napailing nalang silang dalawa. "May bago na kaya akong motto sa love." sabi ko pa.

"Ano?" sabay nilang sabi.

"Height doesn't matter pagdating sa love." Nagtawanan naman sila. Ang sarap pagbabatukan eh. Ang ganda nga ng sinabi ko.

"Hahaha. Inlove nga! Confirmed!" Ernesto.

"Incrush nga sabi, ang kulit niyo!"

"Whatever. Ayan na bahay niyo malalampasan mo na." Ericka.

"Yan ang nagagawa ng inlove!" Ernesto.

"Incrush nga! Ge bye ingat sila sa inyo! Hahaha." At pumasok na nga ako sa loob ng bahay namin. Alangan namang sa bahay ng kapitbahay namin.

"Ma! Nandito na ako!" tawag ko kay mama. Nasa kusina yata. Dumiretso na ako doon kaso wala pala. Kaya umakyat nalang ako sa kwarto ko.

Grabe ang kalat na ng kwarto ko. Naglinis muna ako. Ang sipag ko talagang bata. Bilib na kayo sakin no? Hahaha.

Pagkatapos kong maglinis, nagbihis na ako ng pambahay. Then kinuha ko yung cellphone ko at nag-open ng facebook. Nagpost ako dun ng "Height doesn't matter." Tapos pumunta ako sa may timeline ni kuya sabay tingin sa mga friends niya. Iaadd ko kasi si Sychie kaya doon ko nalang isesearch sa friend lists ni kuya.

Author:
Ows?

Oo na otor hindi na yun yung dahilan, minor lang yun. Ang major major na dahilan talaga kasi ay isesearch ko si Kevin sa mga friends ni kuya, hindi ko kasi alam kung anong apelyido niya eh.

Inadd ko muna si Sychie. Wala pang 1 minute ay inaccept niya na ako. Ang bilis. May nagmessage sakin, tiningnan ko agad. Si Sychie pala.

Sychie Arielle Martin

Thank you sa pag-add sakin magandang kapatid ni Frankie! ^_^

Ang hyper nito masyado. Dinaig pa ako. Nireplayan ko agad.

Jeanette Elysee Villacarlos

Your welcome! ^_^

Sychie Arielle Martin

Itatag na kita sa picture kanina ha. :)

Jeanette Elysee Villacarlos

Sige lang. ;)

Sychie Arielle Martin

Bye na! Si Brylle myloves nagchat na eh. Thanks ulit. :*

Jeanette Elysee Villacarlos

Ge. :)

Sinearch ko na si Kevin. Pagkatype ko may tatlong Kevin na lumabas dun.

Kevin Tiongson

Kevin Dale Ortiz

Kevin Blake Mayer

Kinlick ko yung Kevin Blake Mayer, siya kasi yung nasa dp. Tinitigan ko yung Add Friend button kasi nagdadalawang isip pa akong iadd siya o hindi muna. Alam niyo na shy type ako. Hahaha.

Napagpasyahan kong wag na muna, saka na lang. Tiningnan ko yung mga photos niya. Oy! Hindi ako stalker ah, tinitingnan ko lang mga picture niya.

Ang daming likers. Bongga. Ang gwapo niya talaga! Para na akong baliw na ngiti ng ngiti habang nakatingin sa screen ng cp ko. Balak ko sanang idownload sa cp ko yung profile picture niya ngayon kaso baka makita ni kuya kaya wag nalang.

Ang gwapo talaga! Shocks! Kung magiging boyfriend ko to paniguradong di ko na papakawalan. Grabe ang gwapo talaga.

Akin ka na lang please! sigaw ng utak ko habang patuloy na iniscroll yung mga pictures niya.

_______

Author's note:

Anong masasabi niyo sa chapter na to? Hmm. Comment na! Hahaha. :D

EIGHT-INCH GAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon