Kabanata 9
Wound
"Ay pusanggalaaaaaa!" Sa kakaiwas ko na hindi masagasaan yung pusa ay nasemplang ako sa bike na sinasakyan ko.
"Ouch! Ang sakit ng pwet ko. Kung kailan malapit na tsaka pa nagkaganito. Asar!" Pinapagpagan ko yung narumihan kong short nang may biglang magsalita.
"You okay?" Mga tao nga naman, obvious na nga tinatanong pa. Nababadtrip talaga ako. Nagasgasan kasi yung tuhod ko.
"Okay na okay! Nasemplang ako at nasugatan, tingin mo---" Napahinto ako sa sasabihin ko at napatakip ng bibig. "Oh my!"
Kung kanina galit yung mukha ko, ngayon biglang nawala lahat ng galit at pagkainis ko.
Kung kanina mataas yung boses ko, ngayon parang biglang umurong ang dila ko at hindi makahanap ng sasabihin.
Here am I again, naeestatwa sa tuwing nagkakaharap kami.
"Hey!" Iwinave niya pa yung kamay niya sa harapan ko.
"Ah...eh...ikaw pala. Hehe." Para na akong ewan dito.
Lumapit siya sa bike ko at itinayo iyon. Nagulat ako ng sumakay siya doon.
"Quit staring. Sakay na." sabi niya sabay tapik sa uupuan ko.
"Ha? Ahm..Ano eh..maglalakad nalang ako. Kaya ko pa naman eh tsaka ang lapit nalang oh." Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Ang totoo niyan ay napapangiwi na talaga ako sa sobrang sakit.
"Tara na kasi."
"Hindi nga masakit." Napangiwi na naman ako. Aysh. Kasalanan talaga to ng pusa eh.
"Hindi masakit pero napapangiwi ka. Tara na." Nakalapit na pala siya sakin habang sakay sa bike ko. Hinila niya yung kamay ko at pinilit akong iupo sa harapan niya.
Ngayon naman, parang gusto ko ng magthank you sa pusa na humarang siya sa dinadaanan ko kaya ako nasemplang. Hahaha.
Nagsimula na siyang magpedal. Ang lapit namin sa isa't-isa. Stairway to Heaven ang peg namin. Ang bango niya kahit galing siya sa basketball. Hindi siya nangangamoy pawis.
Ang bango niya talaga. Hindi ko namalayang napapikit na pala ako dahil sa ginagawa kong pag-amoy sa kanya.
"Kanina pa tayo sa harap ng bahay niyo. Pwede bang ibukas mo na yang mga mata mo at bumaba ka na." Bigla naman akong natauhan dun at nagdilat ng mga mata.
"O-Oo nga no? Haha. Si-sige. Thank you." At tumakbo na ako papasok sa loob ng bahay namin at nagpipigil ng kilig.
"Napano yan bunso?" Kuya habang nakatingin sa sugat ko."Nasugat, obvious na obvious naman kuya." Hindi ko mapigilang mapangiti habang naaalala ko yung moment na magkalapit kami.
"Nasugatan ka na lahat-lahat pero ang lawak parin ng ngiti mo. Di kaya gutom ka?" Nginitian ko siya.
"Masama bang ngumiti?" Ngiti ulit. Wag na kayong magulat kung mapunit man tong bibig ko sa kakangiti ko.
"Hindi naman. Ang malas mo naman bunso, hindi ka kasi nag-iingat eh."
"Blessing kaya to." Pabulong kong sabi.
"Ano yang binubulong-bulong mo diyan?"
"Wala kuya. Ang sabi ko ang gwapo mo. Akyat nako sa kwarto ko. Byeeeee."
Tumakbo na ako papunta sa kwarto ko at doon ibinuhos ang lahat ng kilig ko.
Haaaaaaaay. Kevin ko.
Maya-maya din ay nakatulog na ako.
_______
Author's note:
Anong masasabi niyo sa chapter na to? Hmm. Comment na! Hahaha. :D

BINABASA MO ANG
EIGHT-INCH GAP
Teen FictionIsa sa ayaw ni Jeanette na katangian ng isang lalaki ay iyong lalaking malaki ang height gap sa kanya. The reason is she only stands five flat. Pero nang makilala niya si Kevin, isang gwapong lalaki na walong pulgada ang tangkad sa kanya ay nakalim...