Chapter 14

5 3 0
                                    

I am hearing murmurs around me. Then next is the voice of the king boomed. I don't know what kind of dream is this. It felt like it's real.

Para akong dinuduyan. Nararamdaman ko ang paggalaw ng kung sino habang buhat ako. Tapos ay narinig ko ang boses ng nilalang na siyang nagbubuhat sa akin.

Hindi ko masiyadong narinig dahil sa pagod at hina. My senses are dropping low. Maybe because of the too much consuming of my mana earlier.

Malalakas na boses ang huling narinig ko. Parang may nagsasagutan pero hindi ko marinig ng malinaw. There's this ringing in my head that prevents from hearing better.

Inaantok na talaga ako.

I closed my eyes and ignored what is happening around me. I don't want anything for now... I just want to sleep.

I felt that this someone who is carrying me, dissolved into the air. He teleported.

After a few seconds, I lay on a soft material... probably a bed. He tucked me in carefully. And I drifted into a deep sleep.



Waking up for me is a bit difficult. My head's still throbbing from a pain I cannot tell.

I am still dizzy but I tried to get up. Pushing my upper body using my arms.

Tumaas muna ako ng kaunti at isinandal ang ulo ko sa itaas na dulo ng kama. Gulat akong nagmulat ng aking mga mata bigla.

Headboard? Kailan pa nagkaroon ng sandalan ang itaas na bahagi ng kama ko?

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng silid. Pamilyar ito.

It's the third prince's room!

"You're awake now." He stated.

I searched for him until my eyes finally landed on his familiar built.

His black neat hair, broad shoulders, marvelous back view and long legs. He is facing the large window of his room so I can't get to see his face.

Mukhang nabuhusan ako ng malamig na tubig habang pumapasok sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Ang tanga ko talaga kahit kailan!

Napasabunot ako ng buhok ko sa inis. A groan came out from me.

Narinig niya ata ang daing ko kaya lumingon siya sa aking puwesto.

May naglalarong ngiti sa kaniyang labi at naglakad siya palapit sa akin.

"You have many sins to pay for... Yarra."

Nang makalapit siya ay tumayo lang siya sa paanan ng kama niya. Mabilis naman akong umalis doon pero nagulat ako nang agad tumapak ang paa ko sa sahig. Nakakapagtaka lang dahil hindi man lang ako nahirapan dahil mas mataas ang kama niya kumpara sa akin.

Tumingin ako sa baba at nakita ko ang paa ko. Ang mga daliri nito ay hindi na kasing-liit ng dati!

Napatingin ako sa mga kamay ko at marahang inangat. Humaba na ang mga ito!

Bumaling ako sa prinsipe. Ang tangkad ko ay umabot hanggang sa baba niya.

"Oh my freaking berries..." naiusal ko ng mahina.

I transformed in my adult form!

I am almost, almost jumping with glee to hug the prince because of the happiness. Pero naalala ko na galit pa nga ako sa kaniya. Ang grabe ng inasta niya kagabi. Muntik na akong patayin ng prinsipeng ito!

Nababaliw na talaga siya. Pabago-bago siya ng ugali. Nagiging mabait o masungit o... Ewan ko! Basta moody siya. Period.

He lifted his one brow when he noticed my moves. Mas lumapit siya sa akin. Sinusuri ang bagong anyo ng katawan ko. Nag-iwas naman ako ng tingin nang makita ko ang ngisi niyang nakakaloko.

Real Dynasty (On Going)Where stories live. Discover now