Chapter 15

2 2 0
                                    

I tiptoed down the hall of our chamber. I teleported here a while ago and I went straight to my room to change my clothes. I kept the dress in the safest place in my room.

Nakaramdam ako ng gutom dahil hindi 'man lang ako nakakain ng pagkain sa Ball kagabi. Gagong prinsipe kasi yun, napagod ako sa pakikipaglaban sa kaniya. Pero napangiti ako nang maalala ang ginawa niya bago ako mawalan ng malay.

He greeted me. Akala ko nakalimutan na niya ang kaarawan ko pero hindi. That is enough for me. At least, there's still a part of Alex left in him.

Nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan at nanlaki naman ang nga mata ko.

Unti-unti kong liningon ang likod ko kung saan nanggaling ang paglangitngit at pagsara bigla ng pintuan.

Nakita kong nakanganga roon si Quinn habang unti-unti niyang iniaangat ang isang kamay sa bibig habang ang isa ay nakaturo sa akin.

May kasama pa iyong pagsinghap.

"W-who are you? Anong ginagawa mo rito?" Akma na siyang sisigaw nang tumakbo ako sa kaniya at tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko.

"Shush! Hindi mo ako nakikilala? I'm Yarra... I just got in this form." Sabi ko habang siya ay nanlalaki parin ang mga mata na parang hindi parin makapaniwala.

Ibinaba ko ang kamay ko nang medyo kumalma na siya.

"Breath deeply. One... two... three..." aniya at kinakalma ang sarili.

Nagulat ako nang bigla niyabg ibinuka ang bibig niya at akma na namang sisigaw pero walang lumabas. 

Taena! He got me there! Napapikit pa ako dahil akala ko ay sisigaw talaga siya.

Humagalpak naman ito sa tawa at halos gumulong na sa sahig. Overreacting award goes to him. Mark the sarcasm in there.

"Ha-ha, funny." I spat at him.

"You haha... you should've seen your face! Parang takot na palaka!" He said between his laughters.

Nakahalukipkip naman ako sa harapan niya habang hinihintay kong magsawa siya sa kakatawa. Sana nga hindi siya kabagin mamaya. I rolled my eyes at him but he kept laughing for straight one minute.

Hindi maka-move on ang punyeta.

When his laughter died down. He still has the grin on his face then he stared at me. He patted my head and ruffled it.

"Ang laki mo na nga! Pero hindi ka naman gumanda." Aniya at sasapakin ko na sana siya pero nakailag.

"Ikaw nga 'po' ang tanda mo na... mukha ka ng gurang." Sumbat ko.

"Huh?! Ako? Gurang?! I am the epitome of handsomeness in our village, for your information!" He defensively said looking offended by my words.

"Congrats. Pero hindi ko na kailangan iyang information mo... okay na ako sa gurang na tawag ko sayo."

I smirked. Aasarin ko pa sana itong ugok na ito pero bumukas ang pintuan ulit sa likod namin at narinig ko ang boses ni Mama Alicia.

"Quinn ano bang nangyayari at sumisigaw ka riyan?"

Lumingon ako roon at nakangiting lumapit ako kay Mama. Nagulat naman siya pero mababakas ang saya sa kaniya.

"Yarra! Is this you?" Tumango ako sa tanong niya.

Niyakap niya lang ako at narinig ko ang marahang pagsinghot niya. Umiiyak ba siya?

"Ma, why are you crying?" Untag ko.

"Nothing. I'm just happy for you." Kumalas siya sa pagkakayakap at hinawakan ako sa magkabilang balikat bago tumingin sa mga mata ko.

I smiled at her. I am happy too, knowing that everyone is happy for me.

Real Dynasty (On Going)Where stories live. Discover now