Chapter 5

4 4 4
                                    

I just watched him as he catches his breath. It's like it was difficult for him to breathe.

Takot akong lumapit dahil baka masigawan at ipagtabuyan lang ako.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong kuwarto. Magulo ang mga gamit, may mga nabasag na mga plorera at mga babasaging mga dekorasyon.

"Your Highness..." mahina ang boses ko dahil sa aking nasasaksihan ngayon. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito.

Napatingin ako sa baba at saka ko lang napansin ang nakita ang pamilyar na itim na bulaklak nakita ko ang kulay gintong bagay na kumikinang mula sa loob nun.

"Leave..." nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakita ko siyang nahihirapang tumayo gamit ang isang tuhod niya habang nakakapit sa may lamesa na nasa tabi ng kaniyang kama.

Ngunit sa halip na sundin siya ay dahan-dahan akong lumapit papunta sa kaniya.

"Stop. Leave... Now!" Pilit niyang pinapatatag ang boses niya pero alam ko na hinang-hina na siya dahil ang mabilis niyang paghinga ay nagiging madalas na.

"No." I said that firmly.

"Leave now, Yarra..." he called my nickname again after years. I should be happy about it but I can't while watching him suffer like this.

I ignored his words and walked towards him. I kneeled on my knees and picked up his medicine that is on the floor.

I placed it in his half-opened mouth and he swallowed it. I can see the glow of the golden thing passed way down his throat until it vanished.

Tumitig ako sa kaniya at pagkatapos ay gumamit na naman ako ng mana ko upang magpalitaw ng basong puno ng tubig. Pinainom ko siya gamit ito at hinayaan siyang ibalik ang kaniyang lakas.

Pagkatapos ng ilang sandali ay tumingin siya sa akin.

"You're still stubborn as always..." he said then he smiled a little.

Hindi ko siya sinagot bagkos ay pinatunog ko ang maliit na kampana upang tawagin ang mga ibang tagalinis ng kuwarto niya.

Aalis na sana ako dahil nagawa ko na ang pinapagawa niya kanina na paliguan ang kaniyang aso. Hindi ko na rin mahanap sa kuwarto si Alice. Baka nagtago na rin kanina dahil natakot sa pagsigaw ng amo niya.

Bago ako makalabas ng silid niya ay narinig ko siyang magsalita ulit.

"Thank you, Yarra."

I just smiled and left him in his chamber.

***

Three days passed and I am here in my room, staring at the ceiling doing nothing.

It's my day-off so I can do whatever I want.

Nahagip ng mata ko ang itlog na ngayon ay may kaunting mga linya dahil malapit na itong mapisa. May naisip akong gawin kaya kinuha ko ito at ipinatong sa may kandungan ko.

"Hmm... ano kaya kung padaliin natin ang pagpisa mo ha?" Sabi ko sa itlog na para bang masasagot ako nito.

Huminga ako ng malalim bago ako nag-ipon ng mana at itinuon ang aking mga kamay sa itlog.

Umilaw ng kulay dilaw ang mga kamay ko at naramdaman ko ang pagbawas ng aking mana sa katawan.

Nakikita kong lumalaki na ang biyak ng itlog at unti-unti na ring nauubos ang lakas ko. Pero hindi ko talaga kinaya dahil sobrang mana na ang nailabas ng katawan ko.

Para akong tumakbo ng sampung kilometro nang walang hinto dahil sa pagod.

"You're tough... huh?" Hinihingal kong sabi pagkatapos ay binagsak ko ang aking katawan sa kama.

Real Dynasty (On Going)Where stories live. Discover now