Chapter 20

5 1 0
                                    

Making everything so easy is very hard. Ironic right? We make choices that makes something easy or complicated.

Ganun ang sitwasyon ko ngayon kay Harrith. Gusto kong sagutin ang sinabi niya kaninang huwag ko siyang itulak palayo sa akin. Gusto kong angkinin rin ang oras niya... pero hindi.

I've chosen the decision that will make everything easier. But that decision is very difficult to do when he keeps on doing things that will lead to a more complicated problem.

"I can't promise." Sabi ko sa mahina ngunit malamig na boses. Pinilit kong huwag magpakita ng anumang ekspresyon sa mukha ko pero hindi siya natinag.

Mas lumapit pa ang mukha niya hanggang sa naramdaman ko ang labi niya sa kaliwang pisngi ko. Isang halik na maaaring mangwasak sa desisyon ko.

I felt him smiled against my skin when he felt my surprise.

"Don't say that. Just obey what I said, alright?" He said that with finality and I can't help but to nod.

Lumayo siya sa'kin at naramdaman kong humalo siya sa hangin at sa isang kisap-mata ay nasa ilalim na kami ng puno. Sumandal siya roon at pumikit. Habang ako naman ay nakakulong parin sa mga bisig niya.

This is a once in a lifetime opportunity for me. To get this close with him. I kept those bad thoughts away and leaned my cheek on his chest. Hearing his heartbeat.

"Fast..." I mumbled when I heard his heartbeat. I felt his chest vibrated when he spoke.

"That's because you are near Yarra."

Tumawa ako ng pilit. Hindi nakakatuwa Harrith... huwag mo akong harutin ng ganyan. Masama akong harutin.

Tinignan ko siya ng seryoso. Siya naman ay nangunot ang noo niya nang makita ang ekspresyon ko.

"What?" He said like a kid who doesn't want any attention.

Nagsusungit na naman ang asungot.

"Nothing." I said coldly. Mukhang naapektuhan na naman siya sa naging sagot ko at kinamot niya ang batok niya. Naiinis na siya.

I grinned when a silly thought came into my mind.

Dumukwang ako palapit sa kaniya at nagnakaw ng halik. I kissed him on his left cheek which caught him unguarded.

Lumuwag ang pagkakahawak niya sa'kin at tumakbo ako palayo sa kaniya. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon at nagtago ako sa likod ng isang malaking bato.

Ngayon ko lang napansin na dinala niya ako sa Heuma. Ang ilog na malapit lamang sa palasyo ng Bewitched.

May narinig akong mga yabag malapit lamang sa pinagtataguan ko kaya gumamit ako ng mana upang hindi ako makita. Pigil din ang hininga ko dahil nakita kong sumilip dito si prinsipe Harrith.

Nang wala siyang makita ay umalis siya para hanapin ako sa ibang pwesto. Natawa ako dahil mukha siyang tangang naghahanap sa wala. Pero napatigil ako nang mapagtanto ko na medyo napalakas ang tawa ko.

Ang tanga mo Yarra!

Napatili ako nang may yumakap sa akin mula sa likuran.

"Found yah!" He said like a kid, then he chuckled merrily. Like he got his best present on his birthday.

Namula ako ng kaunti pero natawa rin sa inasta niya. Para kaming naging bata ulit. Yung dalawang batang walang pinoproblema at malaya lang na naglalaro at nagtatawanan sa hardin ng palasyo.

*****

It's been three days since the hunting session with prince Harrith. Nandito ako ngayon sa kuwarto niya at nagliligpit ng mga bagay na ginamit niya kanina sa pag-e-ensayo at mga papel na kailangan niyang basahin dahil kabilang siya sa mga konseho ng palasyo na ito.

Real Dynasty (On Going)Where stories live. Discover now