Chapter 21

7 1 0
                                    

"You look good in that dress as I expected." Pagkatapos ay saglit siyang lumapit upang haplusin ang ilang hibla ng buhok ko.

"Beautiful, even." He commented.

Ngayon ko lang napansin na siya na pala ang nagpalit sa damit ko.

I am wearing a turtle neck crimson dress. The neckline is rimmed, fitted sleeves from my shoulders up to my elbows which ended with a loose long half cut lace that reached my knuckles connecting to my skirts.The base of the dress is not bulky and it is not heavy. I just noticed that there are darker thin straight lines that flows down from my waist to my ankles.

It's beautiful and regal.

Magmumukha pa akong Royalty sa suot na ito.

Pero ang problema ay ang buhok ko. Suot ko parin ang hair net na kapares ng uniporme kong pangkatulong kanina.

Mukha akong ewan. Kaya tumalikod muna ako at ginamit ang kapangyarihan ko para i-angat ang buhok ko.

I put my hair loose and put a red rose pendant clip on the left side of my hair. I did not put any other style because my hair is naturally wavy.

Humarap ako sa kaniya at nakita ko siyang pinaglalaruan ang pang-ibabang labi gamit ang hinlalaki niya. Nakahalukipkip ang isang kamay niya habang naka-angat naman ang isa.

Taas noo akong naglakad palapit sa kaniya at inunahan na siya sa paglalakad. Pero iilang hakbang palang ang nagagawa ko nang hapitin niya ang bewang ko palapit sa kaniya at dumikit ang mga katawan namin.

Hindi ko siya tinapunan ng tingin kahit nahihiya na talaga ako sa pinaggagawa ng prinsipe na ito.

Ayokong mahulog ng malalim. Baka hindi na ako maka-ahon kung sakali. Sapat na iyong gusto ko siya... hindi puwedeng mahulog ako sa kaniya.

"We won't make it if we choose to walk to our destination." Just then he made a portal on the ground.

I turned to him pero hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at itinulak ako roon.

I screamed. I was falling to wherever places he chose. But then I realized that my scream would never do anything, kaya nagpahulog na lang ako. I let my arms fall beside me and closed my eyes.

Imumulat ko na sana nang makaramdam ako ng sakit sa sentido ko. Nanunuot ang sakit nito pero may mga hindi malinaw na alaala ang nakikita ko. Red... falling...

Nang mawala na ang sakit ay iminulat ko ulit ang mga mata ko at nakita ko sa prinsipe Harrith na bumubulusok pababa... papunta sa akin.

When he is near me, he held out his hand and I held it without second thoughts.

We were falling, but managed to put his arm around my waist and the other on my back. Caressing it like he was comforting me. My hair is ruffled and it danced with the strong current of the wind, while he looked so gorgeous with his black hair being brushed up by the wind.

Nagkatinginan kami. Mata sa mata. Ang labi niya ay unti-unting ngumisi. Ang ngisi na hindi ko gusto noon pero hinahalina na ako ngayon.

"Missed me?" He joked.

Napatawa ako ng mahina. Ang kapal talaga! Paano ko mamimiss ang gagong tumulak sa'kin dito sa portal pababa.

"Gago." Bulong ko na lang. Nang tumapak siya sa lupa ay parang kumot lang na naalis at nawala ang portal na kinalalaglagan namin.

Umayos ako ng tayo at inayos ko rin ang damit ko. Pag-angat ko ng tingin ay napa-awang ang labi ko.

Nasa harapan kami ng malaking tarangkahan na gawa sa metal na may nagliliwanag sa paligid nito. Meron ding simbolo ng isang uri ng dragon at may liwanag din na dumadaloy sa mga espasyo ng pagkaka-ukit nito.

Real Dynasty (On Going)Where stories live. Discover now