Pagkatapos ang pagdating ng bisita namin kagabi ay hindi na ako mapalagay.
Andito ako ngayon sa labas kasama si Azura na kasalukuyang nagme-meditate at kumukuha ng mana mula sa kalikasan.
Her powers is connected with nature, that's why.
While me? I still don't know yet. Hindi pa kasi ako umaabot sa aking ikalabing-walong kaarawan ko.
Basically, Azura is one year ahead of me. At hindi niya gustong tawagin ko siyang ate.
"Azura, paano mo nalaman kung ano ang kapangyarihan mo?" pambabasag ko sa katahimikan.
Kumunot naman ang noo niya na tila sinasabihan akong tumahimik muna.
Pagkatapos ng ilang sandali ay natapos rin siya.
"Hindi ko rin alam. Basta nung nakakita ako ng mga halaman o kahit na anong may koneksyon sa kalikasan ay pakiramdam ko nadadagdagan ang mana sa katawan ko. Ikaw? Wala pa ba?"
Malungkot akong umiling sa kanya. Niyakap niya ako at tinapik-tapik ang likod ko.
"That's okay. Ganun rin naman ako dati pero hindi ako pinanghinaan ng loob. Meron kang kakayahan, kapangyarihan, at angking lakas na hindi mo pa natutuklasan kaya wag kang sumuko hmm?" Pagpapagaan niya sa loob ko.
Kumalas ako sa yakap niya at tiningnan ko siya. At dahil magkasing-tangkad sila ni Mama ay kailangan kong tumingala.
Ugh, I hate being small.
"May nararamdaman ka bang kakaiba sa bisita natin?" tanong ko sa kanya.
"Bakit naman? Hindi mo ba siya nakausap?" takang tanong naman niya.
Umiling ako. Hindi ko nais makausap ang isang istranghero na bigla na lang dumating sa bahay namin.
"Kung ganun, siya ang tanungin mo at hindi ako." pagkasabi niya iyon ay nag-teleport na siya kasi bigla na lang nawala.
Inayos ko ang sarili ko at papanhik na sana sa bahay nang may naagsalita sa aking likod.
"Ano ba ang iyong nais itanong sa akin munting binibini?"
Gulat akong napalingon sa kanya.
Quinn or Mr. Visitor is smiling behind me while he raise one of his eyebrows.
I was stunned for a bit.
"W-wala naman po..." I managed to say the words. I stuttered though.
"Pero iba ang aking narinig." May halong pagkawili ang kanyang tono.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Kung ganoon ay marahil may deperensiya ka sa parteng iyon at wala na akong pakialam.""Always like your..." He was about to add his words but merely shook his head. "Nakakamangha na marunong kang umastang ganyan nang hindi mo man lang alintana ang iyong kalagayan."
My eyes flared with annoyance.
Is he talking about my height? At may gana pa siyang ngitian ako ng ganyan? What a bastard!
"If you are referring about my height, I accepted my fate long ago. At huwag mo akong pinagbibiro ng ganyan dahil kaya kitang kalabanin hanggang sa makakaya ko." I spat. I turned on my heels but I felt him following me kaya marahas muli akong lumingon sa kanya.
"Do not follow me around kung aasarin mo lang ako!" I shouted at him.
One of the corner of his lips tugged upward as if he was amused of what I shouted. "I am not going to follow you little miss. But I am starving since last night so..." he trailed off and he pout his lips on the door that leads to the kitchen.
YOU ARE READING
Real Dynasty (On Going)
FantasyA kingdom full of truths, lies and magic. Can you distinguish truths from lies by only using magic? First Story! I hope that you'll bear with me in every chapters. I'm a turtle when it comes to updating. *shrugs* Thank you in advanced! Language: T...