Chapter 18

0 1 0
                                    

Maang akong tinitigan ng mga kasama ko sa bahay na ito. Hindi makapaniwala na maaga ako ngayong nandito at bihis na bihis.

Si Mama na kunot ang noo at parang iniisip kung ako nga ba si Yarra or hindi.

Si Azura at Quinn na parehong nakanganga at muntik nang mawalan ng balanse ang lalaki nang paluin siya ni Azura sa kaniyang likod. Mukhang sinadya talaga ni Quinn na gayahin ang hitsura ni Azura kaya nainis.

Tumikhim ako at tumayo mula sa pagkaka-upo ko mula sa upuan namin. Nakuha ko naman ang atensiyon nila at bumuka ang bibig nila upang magsalita.

"Anong nangyayari Yarra?"

"Ikaw ba talaga si Yarra?!"

"Bakit ka nakabihis ng ganiyan?"

"Lalayas ka na ba?!"

Magkakasunod-sunod nilang sabi ngunit ang panghuling tanong ang nagpatawa sa akin.

Like heck? Bakit naman ako lalayas?

"Gago ka Quinn, kapag lalayas ako ay mauuna ka munang lalabas sa bahay na ito bago ako!" Singhal ko sa kaniya.

Lumapit naman sa akin si Mama at sinipat ako mula ulo hanggang paa.

"Where are you going Yarra?" May pagkaseryoso na ang boses niya.

So unlikely to her usual sweet mood.

"I... uhm... the prince asked me to accompany him in hunting, Mama." Mahinahon na sabi ko at tumungo.

Nahihiya akong mag-angat ng tingin sa kanila lalo na at tumawa lang si Azura at si Mama naman ay hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Care to tell me what is this all about Yarra?" She calmly said with sincere eyes like telling me that it is fine to talk about it.

Mama Alicia can be described as the sweetest mother in the world. She only thinks of one's safety before putting her plans into actions. I always admired how she brings out the good side of any creature. She is that kind of sweet that you can never get tired of feeling it again and again.

Ngumiti ako ng maliit.

"Mama... there's nothing going on, okay? To be clear, I got in this form because of him. And I thought that it would be ungrateful of mine to not return his kindness." Muntik na akong natawa sa pagbigkas ko ng salitang kindness.

Her eyes widened in surprise. Hindi pa kasi nila alam na siya ang dahilan kung bakit nakuha ko ang ganitong anyo.

Maging si Azura ay napatigil din at mistulang naging estatwa.

Tumango-tango naman si Mama at naunawaan din ang punto ko.

"Okay, okay... now, come on. Les eat breakfast first before you go out." Aniya at tumalikod na papunta sa kusina. Tinanggihan ko siya dahil tapos na ako kanina pero ipaghahanda raw niya ako ng baon namin.

Papanhik na sana kami roon, pero halos sabay-sabay kaming tatlong sumigaw nang makita namin si Quinn na nilalamutak na ang agahan na inihanda ko!

"QUINN!"

***

"Kalma lang Yarra... kalma... he is your master okay? Ano naman kung hindi pa siya gising? Hindi naman niya nakalimutan ata ang pinag-usapan niyo. Baka napuyat lang siya kaya kumalma ka."

Kinakausap ko na ang aking sarili dahil muntik ko ng mabato ang ungas na natutulog pa lang sa kaniyang kama. Ang himbing nga ng tulog eh... sarap daganan ng unan ang mukha hanggang sa magising.

Huminga ako ng malalim dahil mukhang hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili ko nung marinig kong humihilik pa siya ng mahina.

Lumapit ako sa kaniya. Nang gumalaw siya ng bahagya ay napataas ang kilay ko dahil ang akala ko ay magigising na siya. Pero ang punyeta tumagilid lang pala ng higa!

Real Dynasty (On Going)Where stories live. Discover now