Chapter 17

6 2 0
                                    

Regrets can only happen in the end. In my case, I am regretting now even though I'm not doing anything to stay away.

Believing in what others say makes me confuse as hell. But I know that what the first prince said was only for our good. He only said that because he is thinking about Harrith's safety and mine.

"O-of course. I'll never forget it." Nauutal ako hindi dahil sa sinabi kong katotohanan kundi ang nasa isipan kong balak ko siyang iwasan.

He just smiled, believing what I said and looked at me with gentle look on his face.

"I'll hold on to that, Yarra."

***

After the talk with his highness, the prince, I still cannot decide whether I will stay away from him or stay close to him.

May parte sa isipan ko na ayaw kong layuan siya kasi nagsisimula na akong magkagusto kay ungas. At may parte rin sa isipan ko na layuan siya kasi pareho lamang kaming mapapahamak na dalawa.

Hindi ako makatulog at hawak ko ngayon ang itlog. Nakaupo ako at nasa kandungan ko ang lumalaking itlog at mukhang malapit ng mapisa.

Gabi-gabi ko kasi itong sinasalinan ng mana at mukhang epektibo naman ang ginagawa ko.

I fell my back on the bed while I look at the ceiling with no particular reason. I am starting to think what should I do. To stay or to stay away?

But instead of choosing, I just focused my mind on the egg and I started to release mana unto it.

Nagliliwanag ang kamay ko at ang itlog. Dahil nasa hustong anyo na ako ay madali para sa akin na maglabas ng mana sa katawan nang hindi madalas mapagod.

Nakakain naman ako kanina ng hapunan namin nila Mama at may sapat na enerhiya ako para magawa ko ng papisain ang itlog na ito.

Nakakatawa na ngayon ko lang din naalala ang itlog na ito. Nawala sa isipan ko sa dami ng problema.

Excited, I watched the cracks of the egg slowly getting bigger. My hands glowed more and the egg starts to shake a bit.

I put more power on it until I heard a crack.

Ibinaba ko ang kamay ko at hinintay ang mangyayari sa itlog. Tumigil na rin ako sa pagbibigay ng mana rito.

Ang tunog ng pagkapisa ng shell nito ay nasundan ng isa at nagsunod-sunod na.

"What...?" Nasabi ko na lang dahil hindi pa ito tuluyang napisa.

Inilapit ko ang mukha ko rito at tinitigan ng mabuti ang itlog. Kumunot ang noo ko nang makita ko ito ng malapitan. Bakit parang walang huni ng kung anumang hayop?

Hahawakan ko na sana ngunit nagulat na lang ako nang tumalon ito at lumipat sa lapag. Sa paglapag nito sa baba ay tumalsik ang ibang mga shell nito sa iba't ibang bahagi ng kuwarto ko.

Sinilip ko ang laman nito ngunit wala akong makita. Nagtataka kong linapitan ang napisang itlog.

Taena? Sayang ang mana ko kung wala naman palang laman ang punyawang itlog na iyon!

Naiinis kong kinamot ang anit ko at hinila ang buhok ko. Padabog akong humiga sa kama at ipinikit ko na lang ang aking mga mata.

Bukas na lang ako maglilinis ng pesteng shell ng itlog na iyon.

***

Malambot. Iyan ang naramdaman ko sa aking pisngi nang magising ako.

Naka-unan pala ako pero may napansin ang mga mata ko. May ilaw sa kuwarto ko pero sinulyapan ko ang relo na nasa kuwarto ko at nakitang mag-a-alas kuwatro pa ng madaling araw. Bakit may liwanag?

Real Dynasty (On Going)Where stories live. Discover now