Kabanata 16

29 10 2
                                    

Nararamdaman kong umaga na ngunit ayoko pang bumangon. Pano ko haharapin si Elvin? Si tita Cynthia lalo na si Leny? Napabalikwas ako nang bangon nang maramdaman ko ang titig ni Leny.

"Ano?" Nguso ko sa kanya

Madaldal ang babaeng to at alam kong hindi niya ako tatantanan dahil sa titig nito.

"Pano mo naging fiancee si Elvin?" puno ng pagkamangha ang mga mata nito

"Akala ko pa naman kayo ni sir Justine"
nakasimangot pang sabi niya

"Pero ako na rin naman si Elvin bagay kayo"

Napairap na lang ako dahil sa mga sinasabi niya.

"Hindi ko fiancee si Elvin, magkakilala lang kami nung high school"

"Ehh??"

Bago pa siya makapagtanong ulit ay lumabas na ako. Naabutan ko pa sa kusina si tita Cynthia. Naiilang ako dahil sa tingin niya.

"Tita pasensiya na po, hindi totoo ang sinasabi ni Elvin" tumingin lang siya sakin.

"Alam ko ang totoo" Blangko akong napatingin sa kanya.

Anong totoo? Pinili ko na lang na tumahimik at tinulungan siya sa pagluluto.

Maging sa pagkain ay tahimik ako. Magkatabi kami ni Elvin at nakatitig si tita Cynthia at Leny sa amin. Hindi na ako umalma ng nilagyan niya ng kanin at ulam ang plato ko.

"Wala kang pasok ngayon?" Tanong ni tita Cynthia sa kanya.

"Rest day" maikling sagot niya.

Pagtapos naming kumain ay umalis na si tita Cynthia papunta sa shop niya. Buti na lang nandito si Leny at hindi ko alam kung paano ko haharapin mag-isa ang lalaking ito.

"Hindi ba naging kayo ni Elvin?" Nag-umpisa nang magtanong si Leny. Nagkunwari akong abala sa cellphone.

"Hindi nga naging kami"

"Eh bat ganun siya umasta sayo?"

Bago pa ako sumagot ay may kumatok sa pinto. Kumalabog ang buong sistema ko. Nagkatinginan kaming dalawa ni Leny. Wala nang ibang kakatok dahil tatlo lang naman kami ang tao dito sa bahay.

"Buksan mo na" pinandilatan niya ako kaya wala akong magawa kundi harapin ito.

Hindi siya nagsalita ng buksan ko ang pinto. Basta na lang niya akong hinila papunta sa kwarto.

"Elvin.." Hindi na ako nakapagprotesta at pinaupo niya ako sa kama.

Umupo rin siya at humarap sakin.

"Hindi totoong ikakasal ako" iniwas ko ang tingin sa kaniya.

Dahil sikat siya alam niya na nababasa ko rin at napapanuod ang balita tungkol sa kanya.

'Eh ano kung hindi ka ikakasal? Hindi ako nagtatanong'

"Bakit mo hinubad ang kwintas?"

Nahihirapan na nga akong kausapin siya mas lalo pa akong nahihirapan dahil sa lapit namin sa isa't isa.

"Kausapin mo ako" may halong pagkairita na ang boses niya.

Tumingin ako sa kanya.

"Aalis na ako sa susunod na linggo, ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko sa New York" malayo ang sagot ko sa tanong niya pero umaasa ako na maiintindihan niya ako at hindi na siya magtanong pa.

"Alam ko, sagutin mo ang tanong ko" napayuko ako. Hindi ko alam ang isasagot.

"Hindi na natin pwedeng ituloy ang deal na iyon.. Walang dahilan, matagal na iyon"

Maybe It's GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon