Elvin's POV
Year 2012
Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin. This is the first time i dress like this, all of me screams wealth. It's my 18th birthday but there's no sign of gladness. My mom is absent. Malinaw pa sa akin ang lahat.
"No. Hindi mo makukuha sa akin si Elvin" umiiyak si mama habang pinipigilan si papa.
Hawak niya ako sa kaniyang kaliwang kamay at sa kanan ay ang kaniyang bag na may lamang mga damit. At the age of four i witnessed how they end up everything. What can i do? Umiiyak lang ako at hindi alam kung anong gagawin.
"Ako ang magpapalaki sa kaniya at magbibigay ng magandang kinabukasan" sa wakas ay nagtagumpay si papa na kunin ako sa pagkakahawak ni mama.
Labag man sa akin ay wala akong magawa sa hila niya. Nilingon ko si mama na tumakbo sa loob nang bahay.
Paglabas namin sa pintuan ay tumakbo siya at humabol sa amin.
"Pagsisisihan mo ang araw na ito" natigil ang paghakbang ni papa at lumingon kay mama.
Hawak nito ang kutsilyo at itinutok sa kanyang tiyan.
"Napakadamot mo. Iiwan mo ako at kukunin mo sa akin ang aking anak. Wala nang silbi ang aking buhay" lalong akong humagulgol sa pag-iyak nang makitang dumudugo na ang kaniyang tiyan.
Inubos ko ang aking lakas upang makawala sa hawak ni papa at saka tumakbo papunta kay mama. Inagaw ko sa kanya ang kutsilyo at niyakap niya ako nang mahigpit.
"Huwag mo akong iwan anak, wag kang sumama sa papa mo" hinarap niya ako sa kaniya at hinaplos ang aking mukha. Parehas kaming luhaan. Tumango lang ako.
Hindi ko man naiintindihan ang lahat pero isa lang ang sigurado. It's hard to be broken family.
Nanumbalik ang aking kamalayan nang tumawag si Justine mula sa pinto.
"Hinahanap ka na ni tito Warren" tumango lang ako at huminga nang malalim.
I was drowned with the crowd, nakakabingi ang ingay ng kanilang halakhakan. All visitors are from the business world. I laugh at my mind with the thought that it's just business. Hindi naman talaga para sa akin ang party na ito.
Umupo ako sa table katabi ng kinaroroonan ng pamilya ni Kim. Sa unang sulyap pa lang ay malalaman mong mayaman ang kaniyang pamilya.
"Thank you everyone for coming.." Tumingin ako sa harapan. Naroon si papa at ang kaniyang bagong asawa.
Pano niya nakuhang maging masaya? Samantalang si mama ay naghihirap pa rin hanggang ngayon. Nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi simula nang maghiwalay sila ni papa. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ni papa at hindi rin siya nagkukwento sa akin.
"I have an important announcement and this is not just my son's birthday because this is a double celebration" matiim akong napatitig kay papa.
Masama ang kutob ko sa kaniyang sinabi.
"This is to officially announced the engagement of my son Elvin and Kimberlyn the daughter of Mr. and Mrs. Razon" nagtiim bagang lang ako.
Alam kong gusto ni papa na magpakasal ako sa anak ng kaniyang kasosyo sa negosyo pero hindi ko akalaing gagawin niya talaga. How can he do this to me for the sake of money?
'Tama nga si mama. Madamot ka!'
Kimberlyn is smiling from the ear. I wonder kung gusto niya ba ito or is it just for a show. Panay ang bati ng mga tao sa akin. Panay din ang bati ng mga bisita kay papa at sa kaniyang asawa.
BINABASA MO ANG
Maybe It's Goodbye
RomanceHigh school love indeed the sweetest. Stolen glances with your crush is a fierce feeling. What's best when your crush also had a crush for you. It's a cliche but for Shenna Mae it's extraordinary. She's a great writer and dream to become a director...