Kabanata 8

37 15 3
                                    


"Oy, dalian niyo..patapos na ako" sabi ko at aktong tatayo nang hinila ako ni Ehra kaya napaupo ulit ako sa sahig.

"Tulungan mo naman ako" hindi na ako nagreklamo pa. Umiling na lang ako at tinulungan siya. Gumagawa kasi kami ng activity namin sa art.

"Ba naman 'to puro glitters" reklamo ko dahil punong-puno na ng glitters ang kamay ko. Tss

"Tumulong ka na lang." Sabi niyang nayayamot. Siya na nga nangangailangan ng tulong siya pa 'tong may ganang magalit.

"Psst..psst..umalis kayo diyan." Kunot-noo akong napalingon kay Ronan sa pagsitsit niya. Pansin kong umayos siya ng upo nang mapansin niyang napatingin ako sa kanya.

'Problema nito? Kanina pa 'to ah!'

Benalewala ko na lang 'yon at ipinagpatuloy ang ginagawa. Lumapit ang isa naming kaklase sa gawi namin at isa-isang may ibinulong sa mga kasama ko maliban sa 'kin.

"Sa'n kayo?" Tanong ko nang nakatingala. Sabay sabay kasi silang tumayo matapos bumulong ang kaklase namin.

"Pinapatawag kami ni ma'am Francisco" sagot ni Ashvie.

Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko nang umalis sila. Saktong tinatanggal ko ang nga glitters sa kamay ko nang may maramdaman akong mainit na kamay na humawak sa mga palad ko.

Nakaramdam ako ng pagkailang nang mapagtanto kong si John itong nasa harap ko. Hinigpitan niya lalo ang paghawak sa pulso ko nang subukan kong bawiin ang kamay ko. Tahimik lang siya at nakatingin lang sa mga palad ko habang banayad na tinatanggal ang mga glitters.

"John?" Pinagsisihan ko ang pagtawag sa kanya dahil ngayon nakatingin na siya sa mga mata ko.

Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko. Dati hindi ako naiilang sa kanya pero ngayong alam ko na ang mga dahilan ng lagi niyang paglapit sa akin ay nakakahiya na.

Nitong mga nagdaang araw ay panay ang panay ang pagbibigay niya ng sulat sa akin.

"Ahem, ahem..may nagseselos dito" nagulat ako sa pagsalita ni Ronan kaya agad kong binawi ang kamay ko sa kanya kahit mahigpit ang hawak niya dito. Sinabayan pa ng pagsipol ng mga kaklase kong lalaki na barkada rin ni John.

'This is akward!' At dahil sa pag-iwas ko ng tingin ay lalong naging awkward sa pakiramdam nang magtama ang paningin namin ni Elvin.

'Wow! Now this is great'

Hindi ko na kinaya ang sobrang hiya kaya't nagmartsa ako palabas bitbit ang artwork ni Ehra.

"Wala, mahina 'to pre"

Naririnig ko pa ang tawanan ng mga kaklase ko habang papalabas ako sa lugar na iyon.

Pagkatapos ng klase ay nilibang ko muna ang sarili ko sa library at pilit na kinalimutan ang nangyari kanina. Pumunta ako sa mga section ng mga novels para hanapin ang librong binasa ko noong nakaraang araw.

"Aist..nasaan na ba kasi yon?" gigil na sambit ko. Hindi ko pa naman alam ang title noon nagmamadali kasi akong isauli yun sa lagayan dahil muntik na akong ma-late sa pagkalibang. Napakamot na lang ako sa aking ulo habang patuloy sa paghahanap.

Ang problema sa library namin hindi maayos ang sistema. Dahil hindi ito pormal na library na katulad ng mga library sa ibang school. Pwedi ka ngang pumuslit ng libro dito at iuwi sa bahay dahil wala namang librarian. Library itong matatawag pero parang hindi dahil ginagawa lang itong tambayan ng mga teachers tuwing lunch break. Bilang lang din ang mga estudyanteng pumupunta rito.

Pinilit kong alalahanin ang title noon ngunit wala talaga akong maalala. The perks of having STM. Pinagpatuloy ko ang paghahanap ko at nagsiunahan sa pagbagsak ang mga libro dahil sa ginagawa kong paghalungkat.

Maybe It's GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon