Kabanata 25

22 5 1
                                    

Napaunat ako nang maramdaman ko ang sinag ng araw sa aking balat. Nakapikit ako habang kinapkap ang aking cellphone sa ibabaw ng lamesa sa gilid ng aking higaan pero hindi ko iyon makapa kaya't minulat ko ang aking mata.

Sinalubong ako nang mapanuring titig ni Aiko sa akin. Bigla akong napabangon.

"What the heck!" bulalas ko biglang nagising ang aking diwa.

"You're phone keeps on ringing that wakes me up" nginuso niya iyon na nasa ibabaw ng lamesa.

Tiningnan ko siya ng masama. Siguro ay pinagmamasdan niya ako kanina habang kinakapa ang aking cellphone at sinadya niya itong ilayo.

Agad ko iyong dinampot at binuksan ang mga mensahe. I was expecting a call from sir Mendell but all i can see in the call history is Elvin's name. I missed ten of his calls and other text.

From Elvin:

Hey baby! Good morning.

From Elvin:

Wake up Sleepy head!

Bigla akong kinilig kung di lang dahil sa babaeng nakatayo pa rin sa harapan ko ay namilipit na siguro ako sa kilig.

"Elvin is his name?" tanong niya. Hindi ko na naituloy ang pagbasa ko ng iba pang text ni Elvin.

"Nakikibasa ka ng text message ko?" Akusa ko sa kanya

"Well.. I have my eyes kaya nabasa ko" i rolled my eyes, she's good at explaining huh!

"You don't have work?" kunwaring tanong ko pero ang totoo ay gusto ko lang talaga siyang ipagtabuyan

"Rest day" maikling tugon niya at umupo sa kanyang kama.

Napakunot noo ako, hindi ko na masundan kung kelan ang rest day naming dalawa. Nalilito na ako sa petsa dahil sa dami kong ginagawa.

"How about you?" umiling lang ako sa tanong niya

"Wala kang date?" Curiousity is obvious on her face. Naalala ko tuloy si Leny sa kanya, may pagka chismosa minsan.

Napatingin siya sa aking cellphone nang tumunog ito. I saw Elvin's name on the screen at alam kong nakita rin iyon ni Aiko dahil sa naniningkit niyang tingin. Sinubukan kong lumayo sa kanya pero sumunod siya sa akin.

"What?" Saway ko at lumabas ng kwarto

"Hello?" sagot ko sabay upo sa sofa

"Are you at work?"

"Nasa bahay"

"Why are you not answering my calls?"

"I just woke up a while ago" medyo hininaan ko pa ang boses ko dahil lumabas si Aiko sa kwarto.

Inirapan ko siya. Chismosa talaga!

"Okay rest baby, i have to go.. Bye!" Hindi na ako nakapagsalita dahil agad niyang pinatay ang tawag.

Mukhang nasasanay na siya sa kakatawag sa'kin ng baby, well inever it feels good to hear until he called me in that way.

'Ehh..kinikilig ako, shit!'

Hindi ko siya pinansin, binuksan ko ang ref kung anong pwede naming makain. Parehas kaming dalawa na hindi mahilig sa hotdog at iba pang frozen goods. We're both into veggies and sometimes meat kaya hindi kami nagtatalo sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay binuksan ko ang aking laptop dahil may pinagawa si sir Mendell sa akin. Mga write ups iyon mula sa mga bagong company writer na kailangan kong i-edit.

Sa buong linggo ay ganun lang ang aking ginagawa. Sa loob ng dalawang buwan na subsob ako sa trabaho ay nakabawi rin ako sa pahinga. Minsan ay pumupunta ako sa opisina pero madalas ay dito lang din ako sa bahay. Madalas ding nagtitext si Elvin sa akin at kapag naka break sa shooting ay tumatawag siya sa akin. Hindi na ako makapaghintay na matapos ang project namin.

Maybe It's GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon