Kabanata 24

25 7 1
                                    

Nauna akong nagising kinabukasan. Tulog pa si Kim sa kama kaya pumasok muna ako sa banyo at naligo. Pagkalabas ko ay naroon na si Elvin at nakaupo sa sofa na ikinagulat ko.

'What the heck!'

Napatingin silang dalawa sa akin habang hawak hawak ko ang tuwalyang nakatapis sa aking katawan. Dahil sa pagkataranta ko ay muli akong pumasok sa banyo. Bakit ba pumunta na naman siya dito?

'What should i do now?

Dapat pala ay dinala ko na lang dito sa loob ng banyo ang damit na susuotin ko. Napatingin ako sa damit na hinubad ko, kinuha ko iyon at inamoy. Napangiwi ako, wala naman masyadong amoy ito kaya't wala akong choice kundi isuot na lang ulit.

Nakatingin pa rin si Elvin sa akin pagkalabas ko ng banyo.

"I'll go take a shower" paalam ni Kim sa kanya pero hindi man lang niya iyon tinapunan ng tingin.

Patay malisya akong nagligpit ng mga gamit ko at inilagay iyon sa loob ng aking bag. Bigla pa akong nataranta ng bigla siyang tumayo, halos matuod ako na hindi ako makakilos.

"Magbihis ka na ihahatid kita pauwi aantayin kita sa parking lot" sabi niya at lumabas na ng kwarto.

Akala ko ay lalapitan niya ako but i was wrong. Nakakainis 'tong puso ko na bigla bigla na lang kumakabog nang walang dahilan.

Tulad ng sinabi niya ay nagbihis na ako. Hindi ko na hinintay pa si Kim at bumaba na papuntang parking lot. Nakapagpaalam naman na ako kay sir Mendell kaya itetext ko na lang siya na umuwi na ako.

Hinanap ko ang sasakyan ni Elvin pero nahirapan akong makita iyon. Sana lang ay hindi siya nagbibiro sa sinabi niyang maghihintay siya sa parking.

Nakarinig ako ng busina sa di kalayuan at nakita kong nakabukas ang ilaw kaya nilapitan ko ito. Medyo tinted iyon kaya hindi maaninag kung sino ang nasa loob. Sinilip ko iyon at nang bumukas ang bintana ay bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Elvin.

'Gosh, bakit ba ang gwapo niya?'

Bahagya kong ipiniling ang ulo ko dahil sa aking iniisip. Walang panahon para makipaglandi kang utak ka!

Binuksan ko na ang pinto at pumasok sa kanyang kotse. Agad kong nalanghap ang amoy niya. Ang bango niya na bigla akong naconcious sa aking amoy. I'm not a perfume lover dahil laging umiinit ang ilong ko at agad akong sinisipon, wala naman akong allergy sa pabango pero hindi lang talaga ako mahilig. But i love his scent!

Tahimik niyang pinaandar ang kanyang kotse habang ako naman ay abala sa pagsinghot ng kanyang amoy pero hindi ko lang pinapahalata.

"Did you talk with Lexi?" tanong niya habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe.

"Yeah" maikling sagot ko

"What did you two talk about?" muling tanong niya

"wala lang..just, random stuff" gusto ko sanang sabihin sa kanya na mukhang mahal na mahal siya ni Kim pero hindi ko na itinuloy. Ayokong mapalapit pa si Kim sa kanya.

Napatingin ako sa kanya nang mapansing kong parang ibang daan ang tinatahak namin pero hinayaan ko lang muna siya. Baka nag alternate route lang siya.

"Hey..where are we going?" hindi ko na mapigilan ang pagtataka ko dahil malayo na kami sa daan papunta sa bahay.

Hindi naman pwedeng maligaw kami dahil alam niya kung nasaan ako nakatira. Sinalakay ako ng kakaibang kaba. Hindi iyon kaba dahil natatakot ako sa gagawin niya sa akin, kaba iyon dahil siya ang kasama ko.

"sagutin mo ako" bahagya kong hinila ang kanyang braso dahil hindi niya ako pinapansin.

Is he going to kidnap me?

Maybe It's GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon