Wakas

58 3 4
                                    

Pagkatapos ng reunion ay balik na sa dating gawi ang mga ka-batch ko pati ang mga kaibigan ko. Umiingay ang gc dahil sa mga kwentuhang hindi matapos tapos. Napuno rin ang news feeds ko ng mga post nila tungkol sa reunion.

Napatigil ako sa isang post ni Ashvie na nakatag sa akin. Iyon ang last nigh namin habang nag-iinuman kami.

'First time uminom ni Shenna at nagalit ang kanyang love of my life' that's her caption.

Napanganga ako sa alaalang biglang pumasok sa aking isipan. He was there i know, i remember it. Napatayo ako at nameywang habang hinihilot ang aking sentido. Iyon lang ang naalala ko. What's really happened? Pabalik balik ako sa paglalakad habang pilit na inaalala ang nangyari.

I tried to call Ashvie and she did not answer it. Hinanap ko ang numero ni Ehra at isang ring lang ay agad niya iyong sinagot.

"Yes bestfriend?" Bungad niya

"Ehra..tell me what really happened?"

"Ha? Saan?"

"Sa reunion" nanginig ang aking boses. I remembered something pero hindi ako sigurado kung totoo ba iyon o panaginip lang.

"Can you get to the point? Because too many things happened there"

"Sa amin ni E-elvin?" Nag-aalangan pa akong banggitin ang kanyang pangalan.

"You two already talk, why are you asking me? I had no idea"

"Pasensiya ka na" napabuntong hiniga siya sa kabilang linya

"You know what you should talk to her again"

Napaupo ako pagkatapos nang tawag. Ehra is right i should talk to her, kailangan kong alamin ang dahilan kung bakit niya ako iniwan sa airport. He told me that was just a misunderstanding. Natigilan ako sa huling naisip.

'Hindi nga kita iniwan. I'm sorry! You misunderstood everything'

That night, we talk that night... He said he love me! I can clearly remember what happened that night.

Kinapa ko ang aking dibdib. Halos maiyak ako na hinubad ko na iyon. No, hindi maari. He can't just give up. Damn! Bigla kong pinagsisihan ang ginawa kong paghubad ng kwintas.

Paano ko siya hahabulin? Hindi ko alam kung nasaan siya. Nanginginig ako nang dinampot ko ang cellphone at tinawagan ang mga kaklase namin at ipinagtanong kung nasaan siya.

"Abby alam mo ba kung nasaan si Elvin?" siya ang una kong tinawagan.

"Ang alam ko ay nakabalik na siya nang Maynila" nanlumo ako sa narinig sa kanya.

I should go to Manila. Pupuntahan ko siya kahit anong mangyari.

Ipinagtaka ni mama at papa ang biglaan kong desisyon na kumuha ng ticket papuntang Maynila. Bukas pa ako makakabiyahe pero hindi na ako makapaghintay at gusto ko nang liparin papunta roon sa kanya.

"Kakauwi mo lang galing US, tapos ngayon aalis ka pa" malungkot na sabi ni mama sa akin

"Ma, may pupuntahan lang ako babalik din naman ako agad"

"Baka after 10 years ka pang babalik niyan" segunda ni papa kay mama.

"Ma, pa.. Promise hindi ako magtatagal ng isang linggo roon. Uuwi rin ako agad"

Sa biyahe ay panay ang text at tawag ko sa kanya pero hindi siya nagrereply sa akin. Hindi ko rin makontact ang number niya. Hindi ko na alam kung paano siya haharapin simula ng iniwan niya ako sa airport. I was mad at him without knowing his side pero mas lalo lang ako nagalit nang iwasan niya ako sa Boracay. But this time is different, i will talk to him no matter what happened.

Maybe It's GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon