Kabanata 7

33 15 2
                                    

"Hoy..ang lalantud naman nito maglakad" reklamo ni Ereca. Pano ba naman kasi nag-away na naman sila ni Alden kaya ayun masama ang mood niya.

Pangalawang linggo na ngayon ng pasukan at medyo marami-rami na din kaming ginagawa.

"Ba't kasi ang aga natin? maglilinis lang naman?" dagdag reklamo ni Ehra ang dakilang tamad.

"Wala ka kasing lovelife kaya di ka inspired"

"Anong konek?" natawa ako sa sinabi ni Ashvie.

"whoo..nagsalita siya oh. alam niyo ba yung good news?"

"ay. oo" sabay sabay pang sabi nila at tumili.

Napalingon ako sa kanila nang naghampasan na sila na parang kinikilig. Si Ehra nagtatalon talon pa pati si Ereca na nauna na kanina bumalik din para makitili din.

"mga baliw.." inirapan ko sila pero dinumog nila ako.

"ay..ay..ay anong merun?" natigil lang sila sa ginagawa nila ng bumungad si sir sa pintuan. Nasa labas na pala kami ng classroom ng di namin namalayan.

"What's so funny?" tanong pa ni sir na nakataas ang kilay. Medyo maarte pa ang tono ng boses niya kaya nagsitawanan ang mga kaklase namin sa loob bakla kasi siya eh.

"Late na kayo.." sabi ng isa naming kaklase.

"Hala..ang aga pa" bulong ni charlene na nakatingin pa sa wristwatch niya.

"Nagbago na ang schedule. Panu niyo malalaman eh anong oras na kayo pumupunta dito?"

"Sorry sir!" sabi kong naka peace sign.

"Ang cute ni Shenna.." rinig kong sabi ng isa kong kaklase na nakaupo malapit sa pinto.

"Dahil late kayo maglinis kayo sa labas. Bunutin niyo yung mga damo."

Natahimik kaming lahat pero nagpipilit ng ngiti. Yung ngiting napahiya.

"joke lang.." sabi ni sir at ngumiti sabay ininat yung pisngi ko kaya napa aray ako.

"ang cute..cute..cute mo talaga shenna.."

"aray.." saka lang binitawan ni sir ang mukha ko ng umaray na ako. Tumawa pa ang mga kaklase ko.

"Namumula na pisngi niya.." sabi ulit ng isa kong kaklase.

"Go inside!"

Dire-diretso kaming pumasok at umupo sa pwesto namin. Tumatawa pa si sir nang humarap sa amin at tumingin sakin.

"Ang cute mo talaga Shenna. Sarap mong iuwi sa bahay at i-display." napayuko na lang ako sa pamumuri ni sir sakin. Feeling ko mas lalong pumula yung pisngi ko.

"Okey enough na. Lumabas na kayo maglinis."

Nagtanong tanong na lang kami sa iba naming kaklase kong ano mga sinabi ni sir. Akala talaga namin nag-uumpisa na siyang mag leksyon. Lunes na lunes pa naman ngayon. Di pa nga pala tapos yung flag ceremony.

Panay ang kwentuhan ng mga kaklase ko sa nangyari kanina. Napapailing na lang ako sa tuwing binabanggit nilang pinagtripan na naman ako ni sir.

Natigil ako sa pagbubunot ng damo ng may humawak sa kamay ko at may inilagay siya dito. Napatingala naman ako at nakita ko si Ronan.

"Trip ka talaga ni sir no?" Nagbunot na din siya ng damo sa tabi ko.

"Ano 'to?" Alam ko sulat 'to. Kaya nilagay ko nalang sa bulsa ng palda ko.

"Tss..obvious bang sulat yan?" pamimilosopo niya sakin.

"ELVIN.."

"OH MY GOD! "

"ANG GWAPO-GWAPO MO LALO!"

Natigil ako sa aking ginagawa ng marinig ko ang mga boses na yun ng mga kaklase ko at ganun na lamang ang panlalaki ng aking mga mata ng makita ko siya.

"Elvin?"

Pakiramdam ko namumutla ako sa aking nakita. Bakit siya nandito? Ang alam ko tumigil na siya sa pag-aaral at noong nakaraang araw lang kausap ko siya sa cellphone, pero ngayon nandito na siya malapit sa akin at pinapalibutan ng mga kaklase namin at mga kaibigan ko.

'obvious naman sigurong dito siya mag-aaral di ba?'

Oo, nakita kong naka-uniporme siya. pero bakit? kahit ako di ko makuha ang gusto kong itanong sa sarili ko.

"Shenna"

Lalo akong kinabahan nang tawagin ako ni Ashvie dahilan para mapako ang paningin nilang lahat sa akin at nagtama ang paningin namin ni Elvin. Narinig ko pa ang bungisngis ni Ronan sa tabi ko kaya naplingon ako sa kanya. Nakatingin siya sakin at nakangiti, yung ngiting nanunukso.

"Na surprise ka ba?" di ko na siya nakasagot dahil naramdaman ko na ang paglapit ni Elvin sa amin.

"Hey! dude, miss her?" tanong ni ronan nang makalapit siya sa amin. Nakita ko pa ang pagtango niya pero nasa akin ang paningin niya.

"sobra dude!"

"alam niya ba na na miss mo siya?"

'sinong pinag-uusapan nila?' kunot ang noo kong nakatingin sa kanilang dalawa.

"obvious naman na hindi" may himig ng lungkot sa boses niya.

"aww" napako ang paningin niya sa daing ni Ronan na kunwaring nasaktan.

Gusto ko siyang kausapin pero sobrang awkward ng atmosphere naming dalawa at nakaramdam ako ng sobrang pagkailang sa usapan nila ni Ronan. Nag-iwas ako ng tingin at tumalikod sa kanila tsaka ko pinagpatuloy ang pagwawalis ko kanina.

"Hanggang ngayon balewala ka pa rin sa kanya" dinig ko pang sabi ni Ronan. Di ko na narinig ang boses nilang dalawa pero pinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa ko. siguro nga umalis na sila pero ko na nagawang lumingon.

"Di mo man lang ba ako bibigyan ng welcome hug?"

Biglang tumalon ang puso ko sa gulat nang magsalita siya. Hindi ko tuloy alam kung lilingon ba ako o tatakbo na lang.

'bakit ba ganito ang epekto niya sa akin? hindi ko gusto 'to'

"Dito na ako mag-aaral"

"buti naman!" sagot ko pero hindi pa rin ako nakatingin sa kanya.

"shenna?" napatingin ako sa kanya nang banggitin niya ang pangalan ko at doon ko nakita ang mukha niya.

Hindi ko alam pero parang ang daming gustong sabihin ang mga mata niya. Para bang lungkot na lungkot siya.

"Hmm..good for you!" Tanging nasambit ko na lang at narinig ko naman ang kanyang malalim na hininga.

Maybe It's GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon