"Shenna bilisan mo na nasa baba na si Ronan" napalingon ako kay mama nang magsalita siya sa likuran ko."Ang aga aga" reklamo ko pero hindi naman nag react si mama.
Di pa nga ako nakakaligo andito na agad siya? Dinaig pa niya ang boyfriend ko, kaso wala nga talaga akong boyfriend.
Dali dali akong pumasok sa banyo at mabilis na naligo. Bitbit ko ang bag ko at nakalagay ang suklay sa magulo kong buhok. Sinimangutan ko si Ronan dahil sa lapad ng ngiting isinalubong niya sa akin pagkapasok ko.
"PMS?" di ako sumagot sa kanya at umupo sa tabi niya habang nagsusuklay ng buhok.
"Ba't ang aga mo?" Tanong ko sa kanya. Nagtataka talaga ako sa lapad ng mga ngiti niya.
I know Ronan, he is my bestfriend for almost how many years? Yeah, since first year. He has this charming smile. Yung tipong nakakaloko kong ngumiti yung para bang pag ngumiti siya sayo kakabahan ka na feeling mo may nagawa kang kababalaghan. That is my opinion about his smile nakakakilabot, pero siyempre some girls might find it cute and 'nakakalaglag panty smile' tsk!
"Wala lang na miss lang kita!" Sabi niya habang titig na titig na nakangiti sa akin. May iba talaga sa ngiti niya eh. Sabagay lagi ko namang binibigyan ng ibang interpretations ang ngiti niya kahit wala naman.
"Tigilan mo nga ako sa pangiti ngiti mo diyan. Para kang sira ulo"
"Grabe ka ah, ikaw na nga 'tong namimiss ikaw pa 'tong nagtataray." May pagtatampong sabi niya.
"Pakialam ko sayo eh, lagi kong nakikita yang pagmumukha mo"
Napatingin ako sa kanya ng ismiran niya ako.
"Huu..alam ko hindi mo talaga ako mamimiss kasi si elvin lang lagi namimiss mo" nahampas ko siya dahil sa sinabi niya.
"Sira ka ba? Tumigil ka na nga ha"
Sa halip na tumigil siya mas lalo pa niya akong inasar. Tsk, panu napunta kay Elvin ang usapan? Kunyari lang hindi ako halata sa panunukso niya. Mamaya nalang ako magsesenti.
Tumigil lang siya sa pang-aasar sakin ng magsidatingan na ang iba kong barkada. Napatingin ako sa kanya dahil sa pananahimik niya at napansin kong nakatingin siya kay charlene. Okey, what's going on? I smell something fishy here. Is it my turn now to smile? No..i want to laugh just this time please! Agad akong napangiti ng pagka lapad lapad ng tumingin siya sakin. Mas malapad pa yung ngiti ko keysa sa ngiti niya kani-kanina lang. Huh! Ano ka ngayon, kala mo ikaw lang ha. Napansin ko ang pagkunot ng kanyang noo kaya di ko na napigil ang pagtawa dahilan para tumingin silang lahat sakin.
"Baliw" sinikap kong itigil ang pagtawa ng marinig ang komento ni riza.
Tsk, wala kayong pakialam kong tatawa man ako o hindi.
"Inspired eh!" Sabi naman ni ashvie. Tiningnan ko sila isa isa ng mapansin kong sila naman yung ngumiti. Dumako ang tingin ko kay ashvie at ereca na nagbubulungan.
"What?" Tanong ko. "Ba't niyo ako tinatawanan?"
"Secret!" Sabi naman ni ehra.
"Tss. Ewan ko sa inyo"
After a minute, we walk to school. Kaya naman pala ganun yung ngiti ni Ronan kanina sa akin. Sinagot na pala siya ni Charlene yun nga lang through phone lang. Tama pala ako sa hinala ko na parang ang awkward nila kanina. I glance at them at the back while talking. Tsk, walking while talking ang peg nila. Sinadya nilang magpahuli talaga para makapag-usap. Sila ashvie at ehra at yung iba nasa unahan din habang nagkukulitan. Ako naman nasa unahan nila Ronan kasabay ko si ereca. Hindi ko naman naririnig ang usapan ng dalawa sa likod at nakakahiya din namang makinig sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Maybe It's Goodbye
RomanceHigh school love indeed the sweetest. Stolen glances with your crush is a fierce feeling. What's best when your crush also had a crush for you. It's a cliche but for Shenna Mae it's extraordinary. She's a great writer and dream to become a director...