Tulala lang akong nakatingin sa harapan habang nagsasalita si ma'am. Hindi rin naman nagpo-proseso ang utak ko sa sinasabi niya.
"Earth to Shenna.."
Napatuwid ako sa pagkakaupo nang pumalakpak ang buong klase. Napatingin naman ako kay Ehra dahil sa pagkalabit niya sa akin, napansin ko rin ang ngiting-ngiting titig ni ma'am sa akin."Are you not happy?" Hindi sinasadyang napaawang ang bibig ko sa tanong niya.
'Oh my god! Anong sinasabi ni ma'am?'
Dahil isa akong dakilang tulala napatingin ako sa mga kaklase ko na nakatingin din sa akin. Bakas sa pagmumukha nila na natatawa sila.
"Wala, tulala na naman siya" rinig kong sabi ng isa naming kaklse.
"Ano po yun m'am?"
"Okey lang daw ba sa 'yo kung ililipat si Elvin sa atin?" Napalingon ako kay Ronan sabay tiningnan ng masama. Tatawa-tawa lang ang walang hiya kong kaibigan kaya tumawa na rin ang mga kaklase ko. Ang galing niya talaga mang-asar.
"Ang entry mo ang nanalo sa gaganaping film project kaya ikaw ang in-charge sa gaganaping film project ngayong taon"
"Sure na sure yan ma'am"
Napatitig ako kay ma'am at napangiti.
"Of course ma'am, i'm happy!"--it's just, may iniisip lang ako.
Wala na akong magagawa dahil di pa ako nakapag-desisyon sinang-ayunan na ng mga kaklase ko. Nagpalakpakan ang buong klase ng tumango ako. It is one of my passion.
Pagkatapos ng maikling usapan ay tinulungan ako ng mga kaklase kong magdikit ng announcement para sa audition ng mga sasali. Isa ito sa nakasanayan ng aming school ang gumawa ng film project before the school year ends. Simula first year pa lang ako kasali na ako sa film project at last year ako ang nag-direk. At ngayon ako ang in-charge.
After lunch ay nag-umpisa nang mag-audition sa kanya-kanyang role na gustong gampanan ng mga students. May nakuha na kaming ibang mga cast pero wala pang main role.
Bandang alas cinco ng hapon natapos ang audition ngunit wala pang naglakas loob na mag-audition sa leading man at leading lady.
"Ashvie ikaw na lang kaya ang gumanap bilang leading lady." Suhestiyon ko sa kalagitnaan ng meeting namin. Tumango-tango naman ang mga teachers na narito at ang ibang nakuhang part ng production.
"What? Are you kidding me? Nag-audtion na ako for supporting character tapos ngayon sasabihin mong magiging leading lady ako?"
I sighed. Magaling talaga umarte si Ashvie pero nagsisi na ako na tinanggap ko agad siya sa role na gusto niya."Pwedi nating baguhin, total mas maraming mag-audition sa role na gusto mo. We can give other a chance" pangungumbinsi ko pa sa kanya.
"But this is the character i want"
"Sige na naman ashvie oh, pagbigyan mo na ako."
"We have more days to go Shen, wag kang magmadali. Baka naman may mag-audition na bukas" napaisip ako sa saglit sa sinabi ng adviser namin.
"Yeah Shen, galingan mo sa pagpili ng gwapo at baka sakaling magbago isip ko." Napahalakhak ang mga kasamahan namin. Napailing na lang ako, kahit kelan talaga puro kalokohan si Ashvie.
"Hey, why don't you try to convince Elvin?" Nag-ingay ang ang lahat sa sinabi ni Ereca kasalungat ng nararamdaman ko. Natahimik ako, naisip ko yun. Siya ang perfect na naisip kong gaganap dahil siya naman talaga ang portrayer ng leading man ko noong sinulat ko ang entry. Dati yun noong okay pa kami. But hell, sa awkward ng sitwaston namin ngayon hinding-hindi ko gugustuhing makasama siya sa project na 'to.
BINABASA MO ANG
Maybe It's Goodbye
RomanceHigh school love indeed the sweetest. Stolen glances with your crush is a fierce feeling. What's best when your crush also had a crush for you. It's a cliche but for Shenna Mae it's extraordinary. She's a great writer and dream to become a director...