PROLOGUE

424 126 108
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!





Naglalakad ako papunta sa clubroom namin kasama ang kaibigan ko na si Kiara na tutok na tutok sa cellphone niya, ewan ko kung anong pinagdidiskitahan nitong babaeng 'to.

"Phia! Tingnan mo! Ang pogi!!" sigaw niya sa'kin na ikinagulat ko.

"Nakakagulat ka naman! Ano ba kase 'yan?!" singhal ko sabay hampas sa balikat niya.

Gulatin ba naman ako eh.

Hindi niya naman ako pinansin at muling nagsalita. "Tingnan mo nga kasi! Ang pogi nito! Trending siya ngayon sa socmed! Ayiieeee!" kinikilig na sambit niya sa akin.

Ipinakita niya naman sa'kin ang litrato na sinasabi niyang pogi raw, tinignan ko naman ito at totoo nga may itsura ang isang ito! Pwedeng-pwede! Kaso, mukang masyadong bata pa ito para sa mga katulad namin.

"Hay nako, Kiara. Tumigil ka! Ang bata pa n'yan. Hindi 'yan pwede sayo!" komento ko.

"Ha? Bakit naman? Bata pa naman ako ha?" sambit niya habang nagpapa-cute sa harap ko.

'Yan na naman siya sa feeling-era niya.

"Tigilan mo na nga ako sa ganyan mo, Kiara. Di naman effective." saad ko at nauna na maglakad. Narinig ko pa siyang sinisigaw ang pangalan ko mula sa malayo ngunit hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Bahala ka diyan, ma-attitude ako.

Nang makarating ako sa club room ay agad akong dumiretso sa locker ko. Binuksan ko naman ito at bumungad sa akin ang isang papel na para bang isang love letter dahil sa nakadikit na puso sa harapan nito at may kasama pa itong fruit salad?

Luh? Love letter?? Tyaka may pa-fruit salad pa talaga? Sinong Ponsyo Pilato naman ang nagbigay nito?

Sinubukan ko ng buksan ang letter at binasa ang nakasulat dito.....

Dear Phoebe,

I don't know how to start but Hi! I hope you'll like the fruit salad. Huwag kang magpapagutom, stay healthy ;)

- $m¡|inG |3€@®


"S-mi-ling Bear?!" dahan-dahang basa ko.

At diyan na nagsisimula ang paghahanap ko kung sino talaga ang admirer/ stalker ko.....

Pero bago ang lahat, simulan muna natin sa pinaka-umpisa.....


As in, umpisa talaga.




_______________________________________

Sorry for the wrong grammars and typos!

Love Lots!

===Revised & Edited===

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now