TB Chapter 14: Awkward

67 27 39
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!






Chapter 14

Phia's PoV

Nabibwisit ako ngayon. As in sobrang bwisit na bwisit na ako! Kanina pa kase nila kami inaasar ni Allan na may ginawa RAW kami kaya kami pawis na pawis.

Mga siraulo talaga.

"Tumigil na nga kayo! Wala nga kaming ginawa!" giit ko sa mga bintang nila.

"Wehh? Kung wala talaga kayong ginawa? Bakit kayo hinihingal tyaka pawis na pawis?" sunod-sunod na tanong ni Josh. Kanina pa ako binibwisit nito eh!

Pigilan niyo ko, sasampalin ko utak niyan.

"Eh kasi nga, may...." napatigil ako sandali sa pagsasalita at napatingin kay Allan. Ano ba 'yan? Bawal kase sabihin eh! Tsk! Nagawa ko pang sumenyas sa kanya kung sasabihin ko ba o hindi?

Napansin kong umiling siya bago sumenyas na 'kaya mo na yan' at muli ng bumalik sa kinakain. Bwisit na toh! Pagkatapos ko siyang bigyan ng mga pinamili ko tapos iiwan niya na lang ako sa ere?! Aba!

Binalik ko muli ang tingin ko sa kanila at naghihintay pa rin sila ng sagot ko.

Hayss, paano ko lulusutan toh?

"M-may ano kasi, may multo...oo 'yon, may multo kase kaming nakita doon malapit sa CR tapos tumakbo kami dahil sa takot kaya hingal na hingal kami nang makarating dito, nakakakilabot nga eh." pagpapalusot ko kasabay ng pagnginig na kunwari ay natakot.

Nagsitango lang silang lahat sa sagot ko bago bumalik sa pwesto nila na para bang walang nangyari.

Weird.

Gusto nilang sagutin ko ang mga tanong nila tapos gaganyanin nila ako? Sabagay, mabuti na rin 'yon kaysa bwisitin nila ako buong araw.

Pumunta na rin ako sa pwesto ko at kumuha muna ng mangunguya sa locker bago umupo.

Nagutom ako.

Habang kumakain ako, kukuha pa lang sana ako muli ng piraso ng chichirya ngunit may biglang humablot sa kinakain ko.

Pot*nginaa!

"Hoy! Akin na 'yan!" sigaw ko kay Neo. Loko-lokong bulingit 'yon.

Imbis na ibigay niya sa'kin ay dinilaan pa ako ng loko at dahil may dala siyang pagkain, dinumog siya ng mga kapwa niya kupal. Napairap na lang ako.

Kakakain lang nila, gutom na naman.

Hindi ko na sila pinansin at kumuha na lang ng panibagong chichirya. Bahala sila magdumugan dyan.

Ilang minuto lang ang lumipas ay naulit na naman ang nangyari kanina.

Deja vu.

"Ang lakas niyo talagang mang-trip noh?!" singhal ko at napatayo nang kunin na naman nila ang kinakain ko.

Kahit kailan talaga!

Nagtatawanan naman ang mga loko habang nilalamon yung pagkain KO. Nakitawa rin yung mga nasa club ko.

Mga peyk!

Hindi na ako ulit kumuha ng chichirya baka manakaw na naman ng mga talipandas.

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now