TB Chapter 5: Bato-bato Pik!

195 104 59
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!










Chapter 5

Phia's POV

Nagsitahimik silang lahat nang sumigaw ako ngunit ilang minuto lamang ang lumipas ay bigla na naman silang nagsitawanan.

Mga siraulo talaga!

"Oh? Nagagalit na president ng club niyo. Kalma lang daw baka masilaw daw kayo sa kagwapuhan ko." sambit ni Josh habang natatawa dahilan upang mapangiwi kaming lahat.

Masyadong feeling.....

"Tsk! Dami niyo kaseng kayabangan, buti kung totoo eh!" giit ko habang nananatiling nakasimangot.

"Bakit di ba obvious??" kunwaring nagtatakang tanong niya habang nagpapapogi.

Jusko, nakakairita ang kumag.

"Wag niyo na nga pansinin 'yan si Phia, gutom lang 'yan! Next na! Para matapos na!" pagpigil ni Kiara sa amin at inis ko naman siyang inambahan ng hampas dahilan upang iharang niya ang kamay bilang pananggalang.

Naiinis talaga ako.....

"Ako na nga muna." bakat ang inis na sambit ni Lucas. "Good evening, I'm Lucas Santiago. I'm 18 years old. I'm also a Sophomore in section A. Proud Member of Musical Club. Diligent, Obedient and Smart. That's all!" pagpapakilala niya at yumuko pa. Ang alam ko may lahing hapon ito si Lucas kaya di niya maiiwasan magbow.

Edi ikaw na chinito.....

"Oh? Sino na sunod?" tanong naman ni Kiara matapos magsalita ni Lucas at nagturo pa. "Ikaw na!" sigaw ng babaita dun sa lalaking may hawak na libro.

"Sino? A-ako?" takang turo nito sa sarili.

Malamang, sino pa ba?

"Oo, ikaw! Bilis na! Bawal KJ dito!" pamimilit ni Kiara sa lalaki na mukang matalino. Siraulo talaga 'tong babaeng toh.

Akala mo close sila nung lalaki, kakahiya!

Tumayo naman yung lalaking tinuro ni Kiara at umayos ng tindig bago magsalita.

"H-hello. I'm Gent Raminero. I'm 19 years old. Junior, section A. I'm a president of Science Club and a role model in the university. I'm Smart that's all." mabilis na pagpapakilala niya at kaagad naman siyang umupo.

Atat siya.

"Grace." tawag ko sa kanya ngunit napansin kong mukang nag-aalinlangan pa siya kaya naman tinanguan ko siya upang iparating na ayos lang ang lahat at walang problema.

"H-hi, I'm G-grace M-mitchell. I-i'm 18 y-years old. Sophomore, s-section A. Member of Musical C-club. I'm Kind, patient and s-shy." utal na sambit niya, hindi siguro talaga siya komportable na magsalita sa harap ng maraming tao.

Pasensya na.....

Maiba nga, magkaklase pala sila ni Lucas?

"Dalawa na lang kayong hindi pa nagpapakilala! Ikaw na muna, Phia!" tawag naman ni Kiara sa akin dahilan upang mapasimangot ako.

Actually, kanina pa talaga ako ganito.....

"Mamaya na ako, siya muna!" giit ko at tinuro ang lalaki na hindi pa nagpapakilala.

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now