TB Chapter 13: Tsismosa

133 54 31
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!











Chapter 13

Phia's POV

"Saan ba tayo pupunta?!" inis na sigaw ko sa kanya habang tumatakbo kami at hila-hila niya pa rin ako.

"Sa room mo!" sigaw niya rin.

"Huh?! Bakit?!" takang tanong ko naman.

"Yung pitong siraulo, naroon!" sagot niya bago ibaling muli ang tingin sa daan.

Ha?! Yung pito? Sinong pito? Si Mang Pitong? Nandon 'yon sa probinsya namin, nagtatanim. Paano siya mapupunta rito? Eh ang layo-layo ng metro manila sa probinsya namin.

Tyaka, may edad na rin 'yon.

"Kung ang iniisip mo si Mang Pitong, nagkakamali ka. Buang! Yung sinasabi kong pito ay yung mga nasa club! Tyaka hindi ko tatawaging siraulo si Mang Pitong noh!" sigaw niya pa.

Kasasabi mo nga lang eh.

Palapit na kami sa room dahil natatanaw ko na ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa tapat ng room ko.

Binili ko yung room eh, bakit ba.

Yung pito na nasa club? Huh? Sinu-sino? Shuta, naalala ko na! Hays, kilala ko na rin sila kahit papaano kaya sigurado akong may kalokohan na namang gagawin yung mga 'yon.

Nakarating na kami sa tapat ng room ko at nagawa pa naming makipagsiksikan sa mga tsismosang estudyante upang makatsismis din.


"Ano kayang nangyari?" Aba, ewan ko.

"Bakit sila nandyan?" Ano ba ginagawa nila?

"Pogi sana kaso may saltik din pala." Hahaha buti nagising ka na sa pagpapantasya mo sa mga 'yan!

"Mga baliw." sinabi mo pa.

"Kawawa naman sila." huh? Anung nakakaawa roon?

"Oyy bigyan niyo na...namamalimos eh." watdapak! Namamalimos?!

Nang makarating kami sa harap, halos lumuwa ang dalawang mata ko kasabay ng pagbuka ng bibig ko dahil sa nakikita ko.

Alam niyo kung ano yung nakikita ko?

Malamang hindi.

Jusko, namamalimos lang naman yung mga kupal at lalo pa akong napangiwi nang makita ko ang taong hindi ko dapat makita riyan kasama nila.

Sina....? Dave? Gent? Ian?

Halos lahat sa kanila ay di ko expect na nandyan kasama nila. Kahit na sinabi ni Kiara kanina na pito sila, hindi ko talaga inaasahan kase matitino yung iba sa kanila.

Maliban na lang kung.....

Hinanap agad ng paningin ko si Josh at agad ko naman siyang nakita dahil nasa gitna siya nakapwesto. Bwisit na kolokoy 'to! Pati mga kasamahan niya dinadamay niya sa mga kalokohan niya.

Alam kong siya ang may pakana nito.

Natigilan ako sa pag-iisip nang bigla akong tawagin ni Josh upang lumapit sa kanila.

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now