Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!Chapter 23
Phia's PoV
Pasukan na naman at panibagong kalokohan na naman ang nag-aantay sa'kin sa eskwelahan. Mas maganda pala kung good mood ka kahit walang dahilan.
Kasalukuyan akong naglalakad habang todo ang ngiti kahit na may mga tsismosa na nakapaligid sa'kin, iniisip ko na lang na mga ligaw na hayop lang sila.
Napatingin ako kay Kiara nang sumabay ito sa akin sa paglalakad. "Oh, bakit nakasibangot ka?" tanong ko nang mapansin kong matamlay ang itsura niya.
"Nakakainis kase eh!" biglang angal niya at inis na napakagat labi. Napatingin naman samin ang ibang estudyante dahil sa sigaw niya.
Hindi naman namin 'yon pinansin at pinagpatuloy niya ang pagsasalita. "Gusto kase nila Dad na i-arrange marriage ako sa anak ng business partner nila at syempre umangal ako noh!" pagkekwento niya. "Alam ko namang barumbado ako pero gusto kong ikasal ako sa taong gusto ko at mahal ko, hindi yung sa batugan at walang kwentang anak nung business partner nila!" dagdag niya pa at mahahalata sa itsura niya ang inis.
Matagal na rin kaming magkaibigan ni Kiara at minsan lang siya nagke-kwento sa'kin ng tungkol sa nangyayari sa loob ng pamilya nila. Ayon sa mga naikwento niya sa'kin noon, kung gaano sila kayaman ay ganoon kagulo ang pamilya nila.
May ganon pala......
"Anong sabi ni Tito nung hindi ka pumayag?" tanong ko naman at lalo namang sumimangot ang mukha niya.
"Eh ano pa ba? Syempre, sinermonan niya na naman ako.....kung ano-ano na naman pinagsusumbat." inis na sabi niya naman. Sa totoo lang, hindi ko masyadong kilala ang mga magulang ni Kiara.
Lagi ko silang nakikita noon sa tuwing pinapatawag ang mga magulang namin dahil sa mga kalokohang ginawa namin nung highschool pero ni minsan ay hindi ko sila nakausap.
Binabase ko na lang sa mga kwento niya ang ugali ng mga magulang niya. Siguro, hindi ko na gugustuhing makilala sila.
Natigil ang usapan namin nang biglang sumulpot si Lucas sa harap namin. "Bakit parang gulat kayo nang makita ako? May problema ba?" tanong niya at napansin kong inirapan siya ni Kiara tyaka tuloy-tuloy na naglakad paalis.
May nangyari ba? Parang ako lang ata ang walang alam....
"Anyare don?" curious kong tanong kay Lucas at nagkibit-balikat naman siya.
-----
Natapos ang klase at dali-dali akong lumabas ng classroom, nakasalubong ko naman si Kiara.
Nakasimangot pa rin ang mukha niya kagaya kanina. Ayaw niya talaga siguro ng walang kwentang kasal na 'yon. Oo, para sakin walang kwenta 'yon kahit ako maiinis kung pipilitin akong ipakasal nang dahil lang sa business plus sa taong hindi ko naman gusto o mahal. Tyaka bilang kaibigan niya, syempre mas gugustuhin kong ikasal siya sa taong mahal niya at higit sa lahat sa taong alam kong magpapasaya sa kanya.
Suportado ko siya, kung ano man ang magiging desisyon niya.....
Pero syempre yung sa tingin ko ay tamang desisyon niya....
Nabalik ako sa reyalidad nang may tumapik sa'kin at nakita kong si Kiara pala 'yon. "Huy, nandito na tayo pumasok ka na." sabi niya at napansin kong nasa harap na pala ako ng pinto ng club at siya nama'y nasa loob na.
Dali-dali naman akong pumasok at sinara ang pinto. Naabutan ko naman ang mga kupal na kumpleto rito sa loob kahit na sa ibang club talaga sila.
Naririnig ko ang usapan nila habang naglalakad papunta sa sofa. Saktong pagkaupo ko ay narinig ko si Allan na may parang binibidang kung ano. "Bro, may bagong bukas na perya don sa dating tinatambayan ko.....punta tayo mamaya." pagbibida niya kay Josh.
YOU ARE READING
HIDDEN SEVEN
Teen Fiction∆∆∆ !UNDER EDITING! ∆∆∆ ∆∆ MAJOR CHANGES ALERT! ∆∆ ∆∆∆ !HIATUS! ∆∆∆ Some parts are UNDER EDITING!!! Ongoing...... [Superrr slow update] Phia Salvador, a girl that is forced to build her own club because if she don't...