TB Chapter 20: Muntik na!

51 23 20
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!








Chapter 20

Phia's PoV

Tinanggal na ni Josh ang piring niya sa mata at napansin kong medyo nagulat pa siya ngunit napalitan din kaagad ito ng ngiti.

"Wow." biglang lumabas sa bibig niya. Hangang-hanga siya sa nakikita at sinipot-sipot pa ang bawat sulok ng garahe.

"Sobrang linis dito ah!" hangang sabi niya. "Sino naglinis?" tanong niya pa.

"Pinalinis namin 'yan habang wala kayo." sabi naman ni Ian.

Papasok na sana siya sa loob ngunit pinigilan agad namin siya. "Oh? Bakit?" takang tanong niya naman.

"Mamaya na. May gugupitin ka pa oh." sabi naman ni Allan sa kanya at may iniabot na gunting.

Pinapwesto namin siya sa harap ng ribbon na nakatali ang dulong bahagi sa magkabilang dingding.

"Go na!" sigaw namin at kasabay ng paggupit niya ay may ilaw na nag-flash sa amin.

Kinuha niya ang ribbon at nagpicture naman kami sa harap ng garahe bago pumasok sa loob.

Pagkapasok namin, nadatnan namin ang isang lamesa ng mga pagkain na nakahanda.

Nagningning naman ang mga mata namin at nagtatatakbong lumapit sa pagkain.

"Oooopppppss!" sigaw ko dahilan para matuon ang atensyon nila sa akin.

Nagtaka naman ang mga mukha nila. "Bago kumain, dasal muna." sabi ko naman.

"Josh, lead the prayer!" sigaw ni Levor.

"Ayoko! Kayo na!" pagtanggi niya at nagsi-angal naman ang mga kupal.

"Bilis na, Josh!"

"Nagugutom na kami!"

"Di ko na kayang tiisin toh!"

Napilitan tuloy na mag-lead ng prayer si Josh dahil sa mga angal nila.

"In the name of the father, the son and the holy spirit.....amen." pagsisimula niya at ginawa naman namin ang sign of the cross.

"Lord, maraming salamat sa biyaya na binigay mo sa amin.....sa akin. Maraming salamat din dahil ipinakilala mo sila sa akin, hindi ako magiging ganito kasaya kung hindi ko sila nakilala."

"Iyon lamang at maraming salamat." pagdarasal niya ngunit nakatingin siya sa'kin habang sinasabi iyon. Bakit parang kakaiba yung tingin niya??

Siguro nagpapasalamat lang talaga siya kaya ganon.......

Wag kang ano dyan, Phia.....

"Kainan na!" sigaw ng kung sino dahilan para mabalik ako sa reyalidad.

"Kain na, Phia!" alok sa'kin ni Allan at iniabot sa'kin ang plato.

"Salamat." sabi ko at nakigulo na rin sa kanila sa pagkuha ng pagkain.

-------

Nasa bahay na ako ngayon, medyo late na akong dumating sa bahay kaya naman kinakabahan ako kay Mama.

Baka ratratin na naman ako.....

Kung nakamamatay lang ang sermon, matagal na akong pinaglalamayan.

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now