TB Chapter 3: ENCOUNTER

240 108 153
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!


Chapter 3

Phia's POV

Sabay-sabay silang napalingon sa akin matapos kong sumigaw. Nagtataka naman ang mga mukha nila habang nakatingin sa akin.

"Sinisigaw mo dyan?" kunot-noong tanong ni Kiara.

"May naisip kase akong pangalan para sa magiging club natin!" excited na sabi ko habang abot-langit ang ngiti.

Excited na excited si anek.

"You mean, Variant?" singit ni Grace at napangiti naman ako lalo.

"Mismo!" pagsang-ayon ko. "Imagine? VARIANT JAMMERS CLUB. Oh pak!" dagdag ko pa at itinaas pa ang kamay para isa-isahin ang mga salita.

"Hmm....pwede na." bulong ni Lucas habang nakahawak sa babà niya.

"Angas mo ah! Nakaisip ka na agad?" di makapaniwalang sambit ni Kiara at bilib sa sarili naman akong tumango.

"I agree with that. I like it." saad din ni Grace.

"Edi okay na? Approve na ba sa lahat?" excited na tanong ko sa kanila at sabay-sabay naman silang nagsitango.

"Shot na yann!" sigaw ng babaita at nakipagcheers naman ang lahat sa baso niya. Coke lang naman iniinom namin.

"Teka, bakit pala Variant Jammers naisip mong pangalan?" biglang tanong ni Lucas.

"Diba ang name ng university natin ay V. Ariano University?" panimula ko. "Pinagsama ko lang yun tapos inayos ko lang ng kaunti para mas maganda pakinggan." dagdag ko pa.

"Tyaka napansin ko rin na iba't-ibang members from different colleges ang bumuo sa club na ito kaya perfect match talaga ang Variant na name for this club." paliwanag ko pa bago uminom ng coke, kapagod magpaliwanag ah.

"And the word Jammers?" tanong naman ni elevator boy, aba feeling close kung makapagtanong, choz.

At ito na nga ang chismis. "Nakuha ko 'yon sa dating name ng isang club sa school natin." panimula ko.

"Huh? Baka sabihin ginaya natin yung name ng club nila." angal ng babaita.

"Teka lang kasi diba? Di pa tapos magsalita." inis na saad ko.

"Eto na nga, ang balita ko dati rin siyang band club at sobrang sikat nila dati. Kaso..." napatigil ako saglit.

"Kaso?" pagpapatuloy nila, makikinig talaga pag chismis noh.

"Kaso may problema raw na nangyari kaya hindi na pinagpatuloy yung club at ayon na nga, hindi na natin naabutan ngayon." pagtatapos ko ng chika.

Napatango-tango naman sila. "Ano raw ba nangyari? Bakit di na natuloy?" takang tanong ni Lucas.

"Yan ang di ko alam." agad ko namang sagot.

"Ano ba naman yan? Magke-kwento pero di kumpleto." angal ng babaita.

"Ayon lang nasagap ko eh. Buti nga, chinika ko pa sa inyo." inis na sambit ko naman.

"Edi ang pangalan nung club na 'yon dati ay Jammers Club?" pagkumpirma naman ni Lucas at tumango naman ako.

"It's kind of familiar." narinig kong bulong ni Grace.

Bigla naman may nag-ring at nakitang selpon pala ni Grace 'yon. Sinagot niya naman ito sa labas dahil maingay dito sa loob.

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now