Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!Chapter 6
Paula's POV (Phia's Mom)
Ano bang pinaggagagawa ng batang ito? Bakit parang ibang tao siya ngayon?
Tsk tsk tsk.
Sumang-ayon na lamang ako sa sinasabi niyang dula-dulaan nila bukas. Nakakatuwa naman dahil kahit papaano ay tumitino na itong si Phia at unti unti ng nagbabago, hindi katulad ng dati.
"S-sige na, Ma! Aakyat na ako, may gagawin pa akong assignment eh. Hihihi." pagpapaalam niya sa akin at dali-daling tumakbo sa itaas.
Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon bago bumalik sa aking ginagawa. Katatapos ko lamang magluto at kasalukuyang hinahanda ang hapunan, maya-maya lang ay narinig kong tumunog ang doorbell.
"Phia! May tao sa gate! Puntahan mo nga!" sigaw ko upang marinig niya.
Ilang minuto ang lumipas ngunit wala akong naririnig na yabag, hindi siguro ako narinig ng batang 'yon!
Naka earphone na naman siguro?
Iniwan ko muna saglit ang ginagawa ko bago lumabas ng bahay at pumunta sa may gate upang tingnan kung sino ang naroon.
Binuksan ko ang gate at bumungad sa akin ang isang binata at sa tingin ko ay malapit lang sa edad ni Phia. Napansin ko rin ang mga dala nitong paper bag.
"Sino ho sila?" takang tanong ko habang nakatingin sa kanya.
"Magandang gabi po, Tita Pau!" bati niya sa'kin at akmang lalapit nang bigla akong umiwas.
Sino itong batang ito, hindi ko naman kilala?
"Sino ka ba, iho?" tanong ko muli sa kanya at lalo namang lumapad ang ngiti ng binata.
"Hindi niyo na po ba ako kilala, Tita? It's me......" sambit niya.
-----
Nagtaka talaga ako sa binatang nakausap ko kanina sa gate at hindi ko akalaing pamangkin ko lang pala ang binatang iyon. Hindi ko siya kaagad nakilala dahil sa kakaibang itsura niya ngayon.
Dati'y isang batang mataba at gusgusin lang siya ngunit ngayon ay hinding hindi mo siya mamumukaan dahil sa kakaibang itsura niya ngayon kumpara sa dati.
Napaka-ayos na niya ngayon at medyo pumayat na rin siya o mas madaling sabihin na makisig na ang kanyang katawan, hindi tulad ng dati na puro katabaan.
Hinahanda ko ang kakainan habang siya nama'y nakaupo na. Nililibot ang kanyang mga mata sa paligid.
"Tita Pau." natigilan ako sa pag-iisip nang tawagin niya ako. May iniabot naman siya sa'kin na paper bag at kung titingnan, mapagkakamalan itong isang pasalubong.
"Bakit nag-abala ka pa, iho? Pero salamat!" pagpapasalamat ko naman at binuksan ang paper bag. May nakita akong mga damit at kahon na sa tingin ko ay mga alahas ang laman.
"Wow! Ang gaganda naman ng mga ito! Mukang mamahalin! Maraming salamat muli, iho!" sunod sunod na mga papuri ko.
"Ayos lang po! Malaki po ang utang na loob ko sa inyo! Kaya nararapat lang po na makatanggap kayo ng mga ganitong bagay mula sa akin. Kahit ano po ang gusto niyo, bibilhin ko." mahabang sambit niya naman.
YOU ARE READING
HIDDEN SEVEN
Ficção Adolescente∆∆∆ !UNDER EDITING! ∆∆∆ ∆∆ MAJOR CHANGES ALERT! ∆∆ ∆∆∆ !HIATUS! ∆∆∆ Some parts are UNDER EDITING!!! Ongoing...... [Superrr slow update] Phia Salvador, a girl that is forced to build her own club because if she don't...