TB Chapter 24: Penalty

15 12 5
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!



Chapter 24

Phia's PoV

Kasalukuyan kaming papunta ni Kiara ng canteen dahil sa MGA inutos ng mga depunggol sa club. Hindi naman talaga doon yung club ng iba kaso nakisabay sila sa utos nung talagang mga mag-uutos.

Matalinong kupal.

Punyemas kase eh, kung di sana ako nagtakbo-takbo kanina hindi sana kami ngayon ganito.

"Kainis! Ang daming pinapabili nung mga loko tapos yung isa nangutang pa punyeta!" inis na sabi ni Kiara at napapangiwi na lang ako dahil alam ko namang ako ang may kasalanan kung bakit kami nasa ganitong sitwasyon ngayon.

Mabuti na lang ay hindi makakapunta sina Grace at Dave dahil may thesis silang gagawin. Si Lucas naman, susunod na lang daw siya pero hindi naman sure kase busy rin. Pero mabuti na rin 'yon, nakakahiya naman kase sa kanila. Ako ang lumagpas sa linya kaya ako ang dapat sumalo ng responsibilidad.

Naaawa na lang ako kay Kiara, sinubukan ko na siyang pigilan ngunit tinulungan niya pa rin ako. Nakarating naman kami agad sa canteen at dumiretso sa pilahan. Hindi naman kami nagtagal pa roon, matapos makabili ay dumiretso kaagad kami pabalik sa club.

Nadatnan naman namin ang mga kupal na hayahay na nakahiga at nakaupo. Meron pang nakataas ang paa.

Sarap sapakin.....

Inilapag na namin sa lamesa nila ang mga pagkain at sinimulan naman nila itong lantakan. Pabagsak naman kaming napaupo ni Kiara sa sofa dahil sa hingal.

Ang dami kase nung binili namin plus ang layo pa ng building one sa canteen. Talagang sinusulit nila ang pag-uutos samin!

Wala na akong masabi, bonggang bonga yung mga utos nila!

Wala pang ilang minuto kaming nagpapahinga ay may inutos na naman sila.

"Phia, kunin mo nga yung envelope na brown kay Melissa sa Theatre Club. Chinat ko na siya." utos niya at napataas naman ako ng isang kilay.

Ayos makapag-utos, parang boss....

Hindi porket nautusan niya na ako kanina akala niya pwede niya na akong utos-utusan ulit. Pinagbigyan ko lang siya dahil inutos 'yon ng mga karapat-dapat na mag-uutos.

"Sino nagsabing susundin kita? Dito ba club mo?" mataray na sabi ko sa kanya at nagsumbong naman siya kay Neo.

"Neo, paki-utos nga sa kanya na gawin yung pinapakuha ko." parang batang sumbong niya kay Neo. Lokong toh, naghanap pa ng kakampi.

"Ate Phibbs, gawin mo na. Kinukulit ako eh." sambit niya habang ngumunguya pa.

Padabog naman akong napatayo at pabagsak na sinara ang pinto. Kapag nakuha ko yung bwisit na envelope na 'yon, isasampal ko talaga 'yon sa muka niya.

Agad naman akong nakarating sa Theatre Club dahil same lang naman ng building at floor.

Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok. Napatingin naman sa akin ang mga estudyanteng nasa loob at may lumapit naman sa akin na babae.

"What can I do for you?" tanong nito habang nakatingin sa akin.

"Ahm.....nasaan po si Melissa?" magalang kong tanong at napansin kong nakuha niya kaagad ang sinabi ko. Inaya niya akong pumasok pa sa pinakaloob at doon ko lang napagtanto na ang laki pala ng loob ng room nila.

Sana all!

Para talaga siyang theatre pero simple version lang at hindi rin naman siya sobrang laki yung tama lang.

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now