TB Chapter 32: Gathering

31 6 0
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!






Chapter 32

Phia's PoV

Natuon ang aming atensyon sa stage nang magsimula nang magsalita ang emcee. "A pleasant evening to everyone! We're glad to see you all here and we thank you for sparing your time to celebrate Caisy's birthday with us." panimula niya at nagpalakpakan naman kaming lahat.

"Hindi ko na ito patatagalin pa. Let's all welcome our celebrant, Ms. Caisy Valdueza!" dagdag pa nung emcee at umakyat naman ng stage si Caisy bago kunin ang mic sa kanya.

"Good evening, everyone---" rinig kong panimula ni Caisy ngunit hindi ko na napagtuunan ng atensyon nang mapabaling ang tingin ko kay Kuya.

Nadatnan ko siyang nananatiling nakatingin sa direksyon ni Caisy habang nagsasalita ito at ramdam ko ang kagustuhan niyang makasamang muli ang babaeng mahal niya kahit na ito pa ang nanakit sa kaniya.

Edi ikaw na, martir.

Nabalik na muli ang atensyon ko sa stage at napansin kong tapos ng magsalita si Caisy. Nakita ko naman ang mga bisita na ibinibigay na kay Caisy ang kanilang mga regalo.

Akmang tatayo na sana ako nang biglang may kamay na humarang sa harapan ko dahilan upang mapatigil ako. Tiningnan ko naman kung kaninong kamay iyon at nakita si Kuya na inaalok akong sumama sa kanya.

"Tsk. Come on." inip na sambit niya kaya naman wala akong choice kundi tanggapin ang kamay niya bago tumayo.

"Saan mo ba ako dadalhin?" takang tanong ko sa kanya habang tumitingin-tingin sa paligid dahil napapansin kong sa amin na naman nakatingin ang mga tsismosa.

"We're going to give our gift." maikling sagot niya naman at napansin kong papunta nga kami sa direksyon ni Caisy.

Ba't parang kinakabahan ako?

Napahinto ako sa harap ni Caisy dahilan upang matuon ang kanyang atensyon sa amin. "Phia, I'm so glad you attend the party!" natutuwang sambit ni Caisy nang makita ako.

Nginitian ko naman siya at iniabot ang regalo namin sa kanya. "Oh, thank you!" may halong tuwa na sabi niya naman pagkatapos tanggapin ang regalo.

"Regalo namin para sa'yo, sana magustuhan mo." saad ko naman at agad siyang sumagot.

"Of course!" tugon niya at napansin ko namang napatingin siya sa kasama ko. Nabaling din ang tingin ko kay Kuya at nakitang tulala siyang nakatingin kay Caisy. Kinalabit ko naman siya dahil doon.

"A-ahh. H-happy Birthday." singhal niya nang mabalik siya sa reyalidad. Ano bang iniisip nito ni Kuya? Ba't parang lutang siya?

"A-ahm. We gotta go." biglang paalam ni Kuya at hinila ako sa dance floor.

"Huy, ano bang ginagawa mo? Nasa wisyo ka pa ba?" may halong inis na tanong ko sa kanya.

Napabuntong-hininga naman siya. "I'm sorry. I'm just a little nervous. Don't mind it, let's dance." tulo-tuloy na sabi niya at inaya akong sumayaw.

Pota, hindi ako marunong!

"H-hindi ako marunong." pabulong na sabi ko at hinawakan niya naman ang kamay ko bago ilagay sa kanyang balikat.

"Just follow my lead." tugon niya at humawak sa aking beywang bago sinimulang mag-slow dance.

Sinusundan ko lang ang bawat gewang ng mga galaw niya ngunit medyo nahihirapan pa rin ako. Oo na huwag niyo na akong husgahan, tanggap ko ng matigas talaga ang katawan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now