Lutang akong pumasok sa school, hindi na nga ako sumabay kay Zero. Gustong gusto ko na talagang makausap si Aliasa ngayon.
Ako na ata ang pinaka maagang studyante ang nandito. Baka nga tulog pa ngayon si Zero.
"Val" nagulat ako sa sigaw ni Zero. Bat nandito na siya? Naligo naman siya pero mukhang inaantok pa, ang gulo din ng buhok niya.
Hindi ako nagsalita hinintay ko lang na lumapit siya sa akin.
"Diba sabi ko hintayin mo ako" sabi niya, sa naalala ko wala siyang sinabing ganon.
"Di mo siguro binasa yung text ko sayo" sabi pa niya. Yung lang, sa sobrang lutang ko diko na mapansin na andami na pala niyang text sa akin."sorry" paghingi ko ng tawad. Naguguluhan siyang tumingin sa akin.
"okay ka lang? " tanong niya.
"may sakit ka ba?" hinawakan niya yung noo ko."No I'm fine" sagot ko. Nakokonsensya na tuloy ako sa kanya. Wala naman kasi siyang kinalaman sa nakita ko.
"No I think your not, ganito pala kalamig pag maaga kang papasok just like how cold you are right now" malungkot niyang sabi.
"May kasalanan ba ako?" tanong niya. Napalunok ako, ewan ko kung bakit wala ako sa mood ngayon na makipag usap even him."wala, may iniisip lang kasi ako" sagot ko pero di ko kayang tumingin sa kanya, kasi alam kong malalaman niyang nagsisinungaling lang ako.
"Mind to share your thoughts" sabi niya. Kahit di ako nakatingin sa kanya alam kong ang lungkot lungkot niya. I'm sorry Val, I promise to tell you everything but not now.
Imbes na sagotin ko yung sinabi niya ay hinila ko nalang siya papunta sa cafeteria alam ko kasing di pa siya kumain. Walang imik ko siyang pinaupo, inayos ko rin yung buhok niya. Pati siya hindi nagsasalita nakatitig lang siya sa akin na puno ng pagtataka.
"Kain ka na" yaya ko sa kanya.
"Val" malungkot niyanng tawag sa akin.
"Val just don't mind me, walang kang kasalanan its just that I can't tell you right now but I promise to explain everything" tumango lang siya sa akin at nagsimula na siyang kumain. Pero lungkot niya parin. Umiwas ako ng tingin dahil nakokonsensya na talaga ako.
Napatayo ako bigla ng makita ko si Aliasa napahinto si Zero sa pagkain.
"what's wrong?" tanong niya.
"I'm sorry Val, I have to go. Finish your food" paalam ko sa kanya. Tinalikuran ko na siya pero dahil sa nakokonsensya na ako ay bumalik ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
"I love you" bulong ko.Agad akong lumabas ng cafeteria at hinanap si Aliasa. Nilabas ko yung notebook niya. Mabuti naman at naabotan ko pa siya.
"Mr. Camilo" napalingon siya sa sigaw ko. Huminto siya at hinantay na makalapit ako sa kanya.
"call me Yasa not Mr. Camilo, your hurting me" pabiro niyang sabi, pero wala ako ngayon sa mood na sumabay sa biro niya.
Kaya hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at hinarap ko sa kanya ang notebook."sayo to diba" sabi ko.
"Yes, mukhang nakita mo na ata yung laman niyan halata naman sa mukha mo" sabi niya.
"bat may litrato tayong magkasama?" tanong ko.
******
"Pres nakikinig ka ba?" nagulat ako sa tanong ni Eon sa akin. Pinag-uusapan kasi namin ngayon kung anong pakulo namin ngayong November."huh? Anong sabi mo?" tanong ko. Napakamot si Eon sa ulo niya.
"no forget it, bukas na natin to pag usapan ulit. Kyla ikaw ng bahalang magtanong sa mga studyante kung anong gusto nilang mangyari" sabi ni Eon. Salamat at alam niyang wala ako sa mood ngayon.
Kami nalang dalawa ang naiwan sa office.
"bro was right, talagang may iba kang iniisip kanina ka pa kasi lutang. Alam kong wala kang planong sabihin sa akin kung ano pero sana kahit kay Zero lang. Kanina pa rin kasi lutang si Zero, alam mong minsan lang nagagalit si Zero at palagi ka niyang iniintindi kaya sana wag mong kalimutang lagi siyang nandyan para sayo" sabi niya sa akin bago siya lumabas. Bumukas yung pinto kaya napatingin ako akala ko may naiwan si Eon kaya siya bumalik but I was wrong kasi si Zero yung pumasok.
Umupo siya sa sofa at sinandal yung ulo niya. Nakapikit siyang hinihilot yung ulo niya. Masakit ata yung ulo niya.
Lumapit ako sa kanya, napabuka siya sa paglapit ko.
"Masakit ba yung ulo mo?" inalis ko yung kamay niya, ako na yung nagmamasahe sa ulo niya. Nakatitig lang siya sa akin habang ginagawa ko yun.
Napahinto ako sa ginagawa ko ng hinawakan niya yung kamay ko. Mahina niya akong hinila palapit sa kanya kaya sobrang lapit na namin.
Tama nga si Eon, dapat galit na ngayon si Zero sa akin pero kalmado lang siya. Naiiyak na ako kaya niyakap ko siya.
"that's it Val, yan yung kailangan ko hindi yung masahe mo" naiyak tuloy ako sa sinabi niya.
"I"m sorry Val" sabi ko. Humiwalay ako sa yakap.
"stop crying, you don't have to tell me right now. I'll wait until your ready just don't be cold at me" sabi niya habang pinapahiran niya yung luha ko. Tumango ako.
"thank you Val, I love you" napangiti siya sa sinabi ko.
"kanina pa ako nagtatampo sayo pero nawawala rin lang dahil diyan sa I love mo" sabi niya. Mas lalo pa siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi.
"I love you too Val" sabi niya matapos yung halik.
"hatid na kita" yaya niya sa akin. Tumayo siya pero hinila ko siya pabalik sa sofa."dito na muna tayo" sabi ko. Gusto ko pang magtagal dito, diko pa kasi kayang umuwi at makita sila. Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko.
"okay" sagot niya. Sumandal ako sa balikat niya at pumikit. Hinaplos niya yung buhok ko. Kahit papano ay gumaan yung loob ko, si Zero lang talaga ang nakakagawa nito sa akin.
"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo, hindi lahat ng mahal mo totoo sayo ang iba sa kanila ay may tinatagong sekreto tungkol sa pagkatao mo. Hindi ka ba nagtataka kung bakit parang ang perpekto ng buhay mo? "
napabangon ako sa hinauupuan ko, pati pa naman sa panaginip nandun yung sinabi ni Aliasa sa akin kanina. Nakatulog pala ako.
"what's wrong? Nanaginip ka ba?" natatarantang tanong ni Zero sa akin.
"lagot anong oras na?" agad kong tinignan yung oras. 6:40. Siguradong nag aalala na sila sa akin ngayon.
"Hey Val relax alam na nila, sinabi kong nakatulog ka kaya medyu matatagalan kang umuwi ngayon. Sinabi kong napagod ka. Naiintindihan ka naman nila" sabi niya.
Hindi ako makasagot sa sinabi ni Zero. Tama si Aliasa, ngayon ko lang napansin bakit parang sorbang perpekto ng buhay ko ni isang bagay wala akong makitang mali. Pano kung sa likod ng isang perpekto kong buhay ay nakakubli ang lihim na matagal na nilang binaon sa lupa.
YOU ARE READING
Officially His Property [COMPLETED]
Teen FictionTama bang umibig o magkaroon ng jowa ng patago.?? well for me, their's nothing wrong about it.. I'm Sky Zian Morrell , secretly taken for more than 2 years, yes 2 years no joke.. He's my first crush , first boyfriend , my first love , my first...