Chapter 42

294 18 0
                                    

Maaga akong gumising dahil may pasok pa kami. Marami pa kaming gagawin ni Eon for the preparation sa Year End party. Si Kuya Slight ang naghatid sa akin sa school. Si Zero hindi parin nag paparamdam, nasan ba kasi siya?

Nakakapanibago lang dapat kasi kaninang 12 tinawagan na niya ako para eh greet ako. Hello it's our anniversary tapos wala siyang paramdam.
Hindi naman siguro niya malilimutan ang anniversary namin.

Should I ask her Mom? Ayy wag nalang. Nakasalubong ko si Eon sa hallway pero mukhang hindi niya ako napansin.

Hinayaan ko nalang siya baka busy lang yung tao. Dahil tapos na ang final exam wala na kaming masyadong gagawin kaya dumeretso na ako sa office naming at naabutan ko dun si Kyla busy sa kakaorganize ng kakailangain namin sa meeting ngayon. Wala pa ang ibang officers, I checked the time 5 minutes nalang bago magsimula ang meeting namin.

“Pres hahabol raw si Eon may pinuntahan pa kasi siya” sabi ni Kyla, bat hindi siya nag text sa akin. Nagsidatingan na ang mga officers pati ang mga President every department. We decided to celebrate our Year End party in Boracay mabuti naman at pumayag ang lahat besides malaki naman ang pera na naipon namin at mayayaman naman lahat ng students dito kaya afford lang nila ang Boracay.

Natapos na ang meeting hindi parin dumadating si Eon. Nagpaalam na silang lahat kaya ako nalang ang naiwan dito sa office. I tried calling Zero pero not available parin. Pati sila Eon hindi ko ma contact, nasan na ba kasi sila.

Lumabas na ako ng office at nadatnan ko si Aliasa nasa labas naghihintay sa akin.

“may sasabihin ka?” tanong ko ditto. Huminga na muna siya bago nag salita.

“Nandito siya sa Pilipinas” sabi nito, nagtaka ako sa sinabi niya, sinong nandito?

“sino?” tanong ko ulit.

“Dr. Francis Collin” sabi nito, agad akong natigilan. Ang kapal ng mukha niyang magpakita dito.

“tell me nasan siya ngayon?” tanong ko.

“nasa hospital siya ngayon sa hospital niyo, sigurado ka bang pupunta ka dun?” sabi nito, tumango lang ako. Wala na akong sinayang na oras at pumunta na agad ako dun. Baka sa susunod hindi ko na siya mahanap. Pagbabayaran pa niya ginawa niya sa ate ko.

Sasamahan pa sana ako ni Aliasa pero hindi na ako pumayag. Daladala ko ngayon ang litarato niya, alam ko namang makikilala ko siya personal, ilang beses ko kaya tung tinitigan.

Sa sobrang laki ng Hospital namin hindi ko alam kong san ko siya hahanapin. Nagkakagulo ang Hospital may nagtatakbuhan na mga nurse at pati narin doctor. May emergency ata.

Sa malayo may natanaw akong lalaki umiiyak naka suit ito, diko pa masyadong mahagilap yung mukha niya kaya lumapit ako dun.

Confirmed it was Dr. Francis.

Napatingala siya sa akin at sobra siyang nagulat. Hinawakan niya ang kamay ko.

“Cloud please wag mo na munang kunin ang anak ko” nagmamakaawang sabi niya.

“Pangakong pagbabayaran ko ang lahat ng ginawa ko sayo nun, please” dagdag nito, napaluhod na siya sa kakaiyak.

“Hindi ako si Cloud” sabi ko dito. Natigilan siya sa sinabi ko.

“Z, I’m sorry for what I’ve done to your sister” paghingi na naman niya ng tawad. Nanginginig ang aking kamay, hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong naduwag di ba dapat galit ako, bakit parang naaawa ako sa kanya. Hindi ko na kayang tingnan siya kaya umalis nalang ako dun. Nandito ako ngayon sa rooftop umiiyak.

"Ate hindi ko na alam ang gagawin ko"

Pinahiran ko ang aking luha, nag vibrate yung phone ko kaya tiningnan ko kung sino ang nag text.

Napatayo ako ng si Zero ang nagtext sa akin.

“Val Happy Anniversary. Iloveyou"

Tapos nag vibrate naman yung yung phone ko.

"I'm sorry" sabi ng huling text niya sa akin. Nag so-sorry ba siya dahil ngayon lang siya nag greet sa akin?

Sinubukan kong tawagan siya pero not available na. Pinagtritripan ba niya ako, ano bang trip niya.

Ngayon alam ko na kung ano ang gagawin ko. Haharapin ko na muna si Dr. Francis pagkatapos nito mag ce-celebrate na kami ni Zero ng Anniversary.

Tama nga. Kaya ko to, hingang malalim.

Tiningnan ko kanina kung nasan siya umiiyak pero wala na siya dun. May narinig ako nagkakagulo. Kaya pumunta ako dun.

"Get the defibrillator" sigaw ng doctor.
"200 joules" utos nito.

"Yes Doc" sabi ng nurse.

"Shock"

"Hang on, please anak lumaban ka" I found him, umiiyak na naman siya. Nag aagaw buhay nga ang anak niya.

"Doc he's back" sabi ng nurse.

"Good, move back. Let's transfer him in the ICU" sabi ng Doctor.

"Please save him" pagmamakaawa niya.

"We'll do our best" sagot ng Doctor.

Dumaan sila sa harap ko kaya tiningnan ko ang lalaking muntikan ng mamatay kanina.

I don't know what to say. Dapat ba akong matuwa dahil nakikita ko siya ngayong nahihirapan, na karma na niya ngayon o dapat ba akong maawa dahil naghihingalo na ang anak niya.

Namanhid ang aking tuhod kaya na napaupo ako. Naninikip ang aking dibdib. Why do I have to see this happening.
Bakit to nangyayari sa akin.

I'm speechless, knowing that the one who's been revived awhile ago is his son




and sadly it was my boyfriend.


Zero is dying.

Officially His Property [COMPLETED]Where stories live. Discover now