Chapter 37

396 18 1
                                    

Minsan akala natin normal na ang lahat, akala natin wala ng darating na problema pero akala lang pala natin yun.  Araw araw pilit kong wag alamin ang nangyari sa ate ko pero laging may tunutulak na gawin ko yun. Kaya nandito ako ngayon sa presinto para kausapin yung pumatay sa ate ko.

Alam ni Zero na may pupuntahan ako pero hindi niya alam kung saan. Hindi ko alam pero kapag kasi nalaman niya kung saan ako pupunta talagang hindi yun papayag.

Nagulat ako ng makasalubong ko si Aliasa, halatang hindi niya ako nakita dahil nakayuko siya parang umiyak ata galing. Ano kayang ginagawa niya rito?

"Ikaw ba ang kapatid ni Cloud?" Tanong nung pumatay sa ate ko. Tumango lang ako, kung wala lang sanang pulis sa likuran niya kanina ko pa to nasapak. Ang lakas ng loob niyang kausapin ako ng parang wala siyang kasalanan.

"Alam kong galit ka sa amin pero, hindi ko na kayang makitang nahihirap yung kaibigan ko dito sa kulungan kahit alam naman naming wala kaming ginagawang masama. Wala akong pake kung ayaw mong maniwala pero sana naman maawa ka sa kaibigan ko may sakit siya at kunti nalang at mamatay na siya. Ang gusto niya lang gawin ay makasama yung kapatid sa huling pagkakataon. May pangako kasi siya nun pero hindi niya natupad" hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya o hindi. Kung hindi sila ang pumatay sa ate ko idi sino?

"Kung hindi kayo ang gumawa nun idi sino? Bat kayo sumuko?" Tanong ko.

"Hindi namin alam ang pangalan pero tandang tanda ko pa ang mukha niya at sigurado akong doctor ito. Kami ang umako sa nangyari kapalit ang isang napakalaking halaga." Napaiyak ako sa sinabi niya, kung ganon hindi aksidente ang nangyari sinadyang patayin yung ate ko, pero bakit?

"Tutulungan ko kayong linisin ang pangalan niyo bastat tutulungan niyo rin akong alamin kung sino ang doctor na tinutukoy niyo." Sabi ko, tumango lang ito at nagpasalamat.

Sobra kung lutang habang naglalakad. Tinawagan ko si Zero na pupunta ako sa condo niya. Kailangan ko siya ngayon kailangan ko ng karamay. Ayaw ko kasing umuwi muna sa bahay natatakot akong malaman ni Kuya Slight, baka mas masaktan pa siya.

Pano kaya kung buhay pa si ate, siguro may pamangkin na ako. Ngumiti ako ng mapakla habang iniisip yun. Makikilala ko ba si Zero kung ganon?

"Val" nag aaalang bungad ni Zero sa akin, agad ko kasi siyang niyakap matapos niyang binuksan yung pinto. Sinara niya ang pinto at hinarap ako. Pinunasan niya yung luha ko. Alam kong marami siyang gustong itanong sa akin pero hindi niya ako tinatanong. Pinaupo niya ako sa sofa at kumuha siya ng tubig.

"Val I'm scared" bulong ko.

"Psshhh everything will be alright" sabi niya.

"Pano kung hindi ko kakayanin yung malalaman ko." Sabi ko. Naguluhan siya sa akin.

"Tungkol na naman ba to sa ate mo?" Tanong niya, tumango lang ako.

"Ano pa ba kasi ang gusto mong malaman? Diba nakulong naman ang pumatay sa kanya" dagdag niya.

"Hindi raw sila ang pumatay" matapos kung sabihin yun ay namutla si Zero.

"P-pano nangyari yun?" Utal niyang tanong.

"Kaya nga gusto ko pang alamin, kaya please Val wag mong sabihin ito kina Mommy" paghingi ko ng pabor sa kanya.

"Okay basta lagi mong sasabihin sa akin kung saan ka pupunta" napangiti ako sa sagot niya. Niyakap ko siya uli. Kaya mahal na mahal ko ang lalaking to.

Matapos kong mag drama ay hinatid na ako ni Zero sa bahay at dun narin siya kumain. Welcome na welcome na talaga siya sa bahay.

****
Kinabukasan abala ang lahat para sa Final exam. Lahat ata ng students ay nasa Library nag aaral. Habang ako nanenermon kina Vance kasi ayaw nilang mag aral. Laro lang laro.

"Ano Skynie okay ka pa?" Panunukso ni Eon sa akin. Ewan ko pero hindi kasi sanay na hindi pinapansin ni Zero. Nag aaral kasi siya, tapos hindi naman niya ako naririnig dahil naka earphones hindi kasi siya nakakaintindi kung walang music. Mamaya pa yan matatapos, ang boring naman nito.  Tapos na kasi akong mag aral, ayaw ko kasing inuulit ulit yung lesson kung alam ko na baka kasi malito lang ako.

Tatayo na sana ako para pumuta sa cafeteria nang hilain ako ni Zero.

" Dito ka lang" halos sigaw na sabi niya, natawa silang lahat. Ang lakas naman kasi ng boses niya.

"Ge lang bro ipagsigawan mo pa na ikaw lang may girlfriend dito, na ikaw lang may kasamang mag study." Biro ni Eon. Tinanggal ni Zero ang earphones niya.

"Where are you going?" Tanong niya.

"Bibili ng pagkain" sagot ko.

"Dito ka lang si Liam na ang bibili libre ko" sabi niya, agad namang nagliwanag yung mukha nilang lahat, parang hindi mayayaman ahh.

"Okay"

Imbes na si Liam lang yung bibili ay silang lahat yung umalis kaya kami nalang ni Zero ang naiwan.

Nakasimangot akong nakatingin kay Zero. Ayan na naman siya, naka earphones na naman.

"What's wrong?" sigaw na naman niya. Inirapan ko siya. Nagtaka siya kaya tinanggal niya yung earphones niya.

"Hey what's wrong? Are you mad?" Tanong niya.

"Hindi mo ako pinapansin" parang batang sabi ko.

"Nag aaral ako Val, malapit na akong matapos." Sabi niya.

"Bakit kasi naka earphones ka" reklamo ko. Napakamot siya sa noo niya.

"Ayan ka naman Val, pag ako talaga nag aaral nagtatampo ka" sabi niya.

"Ewan diko talaga mapigilang magtampo, hindi kasi ako sanay na di mo pinapansin." Sagot ko.

"Tayo ka" nagtaka ako sa sinabi niya.
"Dali tayo ka" ulit niya, kaya tumayo nalang ako.

"Anong ginagawa mo?" Taranta kong tanong, nakakandong na kasi ako sa kanya habang hawak niya ang libro, parang back hug lang. Namula ako.

"Wag kang malikot para matapos na agad ako dito." Sabi niya.

Hindi ba siya nabibigatan sa akin? Humarap ako ng kunti sa kanya, ang lapit ng mukha namin. Ang gwapo niya talaga. Pinisil ko yung ilong niya. Napatingin tuloy siya sa akin.

"Ooopps sorry" sabi ko.

"Ang kulit" bulong niya. Nakikiliti ako habang nagsasalita siya.

Ang sama ko namang girlfriend nito, disturbo ako sa pag aaral niya. Titigan ko nalang siya. Aray ko ang sakit na ng liig ko. Napansin ata ni Zero na sumasakit na yung liig ko kaya tiningnan niya ako.

"Stop staring, kanina pa ako nagtitimpi dito na halikan ka"  reklamo niya.
Sinapak ko agad siya at umayos ng upo. Hindi na ako titingin sa kanya.

Dahan dahan akong tumayo upang umalis sa pagkakandong sa kanya. Pero pinaupo niya ako.

"Tatabi na....." Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil hinalikan na niya ako sa labi.

"Sabi ko na wag na muna tayong pumasok" nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Eon, kaya pilit kong tinulak si Zero pero ang lakas niya. Hinahalikan niya parin ako. Nakakahiya nandyan yung mga kaibigan niya.

"Balik lang kami mamaya" sabi ni Vance.


Sa wakas naitulak ko na rin siya.

"Mag-aral ka na nga" utos ko sa kanya. Tumayo na ako at tumabi sa kanya.

"Tapos na kanina palang, dimo nakita nakasarado na yung libro titig ka kasi ng titig sa akin" panunukso niya sa akin.


"So kanina mo pa pala ako niloloko" sagot ko. Tumawa lang siya.

"Mag-aral ka pa, aralin mo narin yung subject ko ang dami mong time" sarkastiko kong sabi.


"Val tapos na nga. Halika ka na dito bebe time na naman" natatawang sabi ni Zero.

"Bebe time mo mukha mo" sabi ko.
"Bahala ka diyan"











Officially His Property [COMPLETED]Where stories live. Discover now