Hindi ko alam kung nakatulog ba talaga ako kagabe. Sobrang maga na yung mata ko kaya nag lagay nalang ako ng light make up para naman magmukha akong tao. Para hindi rin halata na umiyak ako. Huminga pa ako ng malalim bago ko binuksan yung pinto kanina pa kasi kumakatok si Kuya Light.
"Are you ready?" tanong niya, tumango nalang ako.
Hindi pa ako nakasakay sa kotse ay may natanggap akong text galing ate ni Zero.
"Nawawala si Zero sa hospital mukhang diyan siya pupunta, " text ng ate ni Zero. Kahit kailan talaga ang tigas ng ulo ni Zero.
"Val" rinig kong sigaw niya sa labas ng gate.
"Ako na" sabi ni Kuya Light. Pinigilan ko si Kuya pero sabi niya pag katiwalaan ko raw siya.
Binuksan ni Kuya ang pinto. Pinigilan kong wag tumulo yung luha ko.
"Val I'm sorry" sabi niya.
"Sorry lang? Alam mo bang nag ayos pa si Princess kahapon dahil anniversary niyo hindi ka man lang pumunta dito sa bahay" umpisa ni Kuya, akala ko si Kuya Slight lang ang artista dito sa bahay si Kiya Light din pala.
"I'm..."
"No you don't have to explain" hindi ko na siya pinatapos.
"Hindi ko alam kong maniniwala ba ako sa reason mo, Zero anniversary natin yun tapos birthday mo pa pero hindi ka nagpakita sa akin. Tanging text mo lang yung natanggap ko. Ano ba ako sayo?" Sabi ko habang umiiyak, pero alam kung iba ang dahilan bat ako umiiyak ngayon. Alam ko kasing ito na ang huling pagkikita namin, at alam kong nasasaktan siya sa sinasabi ko."I'm sorry" umiiyak narin si Zero, halatang nahihirapan na siyang huminga.
"Zero let's break up, thank you for the memories" nahihirapan kong sabi, sininyasan ako ni Kuya na pumasok na sa loob kaya humakbang na ako papasok pero tumakbo si Zero sa akin at niyakap ako.
"Please no, don't leave me. I love you" sabi niya sa akin, mahina ko siyang tinulak at pingilan siya Kuya dahil hahawakan pa sana niya ako.
"Bro wag mo ng pilitin yung kapatid ko" sabi ni Kuya sa kanya. Hindi ako makatingin sa kanya dahil parang tinutusok yung puso ko sa sobrang sakit.
Pumasok na ako sa loob, panay parin sa pag awat si Kuya kay Zero. Pilit niyang binubuksan yung gate.
"Val, Val I love you" sigaw niya, nagmamadali akong pumasok sa bahay. Sigaw parin siya ng sigaw. Tiningnan ko yung CCTV namin, dumating na yung ate niya iyak parin ng iyak si Zero. Nakaluhod siya sa harapan ni Kuya at pilit naman siyang pinapatayo ng ate niya.
"Please let me talk to her, bro mahal ko yung kapatid mo, sorry sa nagawa ko" paulit ulit na sabi ni Zero. Napatayo ako ng biglang natumba si Zero, pigil na yung hininga niya. Nagsilabasan na yung mga nurse na kanina pa pala nagtatago sa kotse. Nilagyan si Zero ng oxygen pero inaalis niya dahil panay tawag parin siya pangalan ko.
Ang sakit sakit tingnan yung nakikita mong nahihirapan yung taong mahal mo lalo na kung ikaw yung dahilan bat siya nasasaktan.
Lumabas ako ng bahay bahala na alam kong ako ang kailangan ni Zero.
"Princess don't" bungad ni Kuya pag bukas ko sa pinto, mukhang alam ni kuya na hindi ko kayang matiis si Zero.
"Kuya kailangan niya ako" sabi ko habang pilit na makawala kay Kuya, pinipigalan kasi ako ni Kuya.
"No Princess treatment yung kailangan niya ngayon" napaupo ako sa sinabi ni Kuya, para akong batang umiiyak ngayon.
"Sana man lang sinabi ko sa kanya na mahal ko siya na belated happy birthday, natatakot ako baka hindi ko na siya makita pa. Kuya pano kung tuluyan na siyang mawala" hikbi kong sabi, nakita kong nakaalis na sila Zero.
"No Princess babalik siya, babalikan ka niya" sabi ni Kuya habang yakap yakap ako.
"Stable na ngayon ni Zero, pwede na siyang mag travel bukas para sa operation niya.. Thank you Z" text ng ate ni Zero sa akin. Hindi na ako nag reply pa. Mabuti naman at walang nangyaring masama sa kanya.
*****
After that day I decided to distance myself with everyone. Thankful ako kasi Christmas break kaya pwede akong pumunta kahit saan. Panay parin ng update yung ate ni Zero sa akin pero hindi ko binubuksan yung message niya. I'm now in a process of healing.
"Queen tapos ka na ba diyan?" Tanong ni Kuya Slight sa akin, aalis kasi kami ngayon. We will celebrate our Christmas in Japan. Uuwi kami dito sa 29 para dito kami mag New Year.
"Tara na" agad namang kinuha ni Kuya yung laggage ko.
For the past few days nasabi ko sa sarili ko na what if si Zero lang yung naging way para lumabas yung katotohanan sa nangyari sa ate ko? What if hindi talaga kami ang para sa isa't isa?
Sa what if palang nasasaktan na ako, pero handa naman ako sa mangyayari kung hindi talaga kami, okay lang at least na experience ko, at least naging part din ako ng buhay niya.
Ang drama ko, pinigilan ko nalang na wag tumulo yung luha ko baka mapansin nila Kuya.
Pero honestly I miss him.
YOU ARE READING
Officially His Property [COMPLETED]
Teen FictionTama bang umibig o magkaroon ng jowa ng patago.?? well for me, their's nothing wrong about it.. I'm Sky Zian Morrell , secretly taken for more than 2 years, yes 2 years no joke.. He's my first crush , first boyfriend , my first love , my first...