Hindi makasagot si Zero sa tanong ko, kaya hinayaan nalang niya ako na pumunta kami sa kulungan. Wala siyang imik na nagmamaneho.
"Nandito na tayo" mahina niyang sabi, kaya agad akong lumabas.
"Wait for me" dali dali siyang lumabas.Habang papasok na kami sa loob ay nagulat nalang kami ng may sumalubong sa aming pulis.
"Ikaw ba si Sky Zian Morrell?" Tanong nung pulis, kaya agad akong tumango.
"Anong kailangan niyo sa kanya?" Tanong ni Zero.
"May warrant kami sa kanya" sabi nung pulis.
"What? Anong bang ginawa niya?" galit na sabi ni Zero.
"Tumawag nalang po kayo ng lawyer para makatulong kayo, eh posas niyo na siya"
Zero's POV,
"Val wait for me, I'll call my lawyer" sigaw ko sa kanya at tumango lang siya.
Ano ba kasing ginawa niya?"What's the matter Zero?" Tanong nung lawyer.
"Bat ba ang tagal mo, tara na" reklamo ko.
"Where's my girlfriend?" Tanong ko sa mga pulis. May tinuro silang room kaya agad akong pumasok dun. Baka kung umiiyak na yun dun sa takot.
"Val" binuksan ko tung pinto, sobra akong nagulat ng may pumutok.
"Surprise, Happy Monthsary Val" sigaw ni Sky at agad akong niyakap. Hindi ako makagalaw, what just happened? It was all a prank.
"Sa lahat lugar na pwede mo akong eh surprise bat sa kulungan pa?" natatawa kong sabi.
"You don't like my surprise?" Parang batang tanong ni Sky.
"No I like it" masaya kong sabi. First time kasing siya yung nag surprise sa akin. Lagi nalang kasing ako ang nag e-effort pag Monthsary namin.
"Thank you Val" sabi ko at niyakap ko siya. Nawala na yung kaba ko, akala ko talaga totoo na.Sky's POV,
Huminga ako ng malalim, salamat naman at successful. Akala ko talaga kanina makakatikim ng suntok yung mga pulis na kumuha sa akin, mabuti nalang at nakapag timpi si Zero. Muntikan na talaga akong tumawa kanina.
"Hoy bro bawal umiyak dito" saway nila Eon.
"Kayo siguro nag isip ng surprise nato" sabi ni Zero.
"Hoy hindi ako si Vance at si Liam" reklamo ni Eon.
"Mamaya kayo sa akin" mahinang sabi ni Zero pero narinig ko.
"Lagot na" sabi ni Vance.
"Val tama na yan" awat ko sa kanya.
Alam nila Mom monthsary namin ni Zero ngayon kaya pinayagan nila akong mamaya na umuwi. Nandito kasi kaming lahat sa condo ni Zero. Pag monthsary kasi namin ni Zero o kaya anniversary ay lagi silang present. Never pa talaga kaming nag celebrate lang ng kami lang. But I like it, mas masaya kasi pag nandyan sila. Mas tumibay din kasi lalo yung relasyon namin ni Zero dahil sa kanila.
"Tayo kayo Skynie" utos ni Eon. Nagtaka ako sa sinabi niya, bakit kaya. Tiningnan ko si Zero, bat kaya siya namumutla. No
Pinaupo nila kami sa isang upuan na nakatayo sila sa harapan namin.
"Anong gagawin niyo?" Tanong ko.
"We all prepared a speech for you" sabi ni Vance. Speech? Para saan?
"Isipin niyo nalang na kasal niyo ngayon at isa isa kaming magbibigay ng speech sa inyu" sabi naman ni Aston.
"Kris mauna ka na, alam naman naming hindi mahaba ang sasabihin mo" natatawang sabi ni Eon. Tulad ni Zero namumutla din si Kris, halatang ayaw niya ng mga gantong pakulo.
Tumikhim siya bago nagsalita.
"Zup Happy monthsary for the both of you, I hope you'll end up husband and wife soon for us to give our actual speech. This may sounds gay but I wish all your happiness in this world, I would be willing to be a babysitter in your future twelve children." natawa silang lahat sa sinabi ni Kris. Bat naman twelve?
"Don't get me wrong it was his idea, he wants to have twelve children with you" sabi pa ni Kris. Tumawa lang silang lahat except sa akin. Alam ko kasing namumula na ako ngayon.
"Don't worry Val hindi pa naman natin gagawin ngayon kaya ngumiti ka naman diyan" bulong ni Zero sa akin. Kinurot ko siya.
"Pero kung gusto mong ngayon na okay lang sa akin" this time sinapak ko na siya."Tama na muna yang lambingan niyo" awat ni Liam sa amin.
"Grabe bro ang swerte mo, himala at may tumagal sayo. Di joke lang. Skynie I know hindi mo siya iiwan kaya bro si Skynie nalang kaya iwan mo. Just kidding. Ito seryoso na, bro pag si Skynie iniwan mo at sinaktan mo ng tudo aagawin ko talaga siya sayo." nagtawan kaming lahat.
"It's not funny, bro I'm dead serious" dagdag niya."Noted bro" sagot ni Zero.
This time si Aston na naman ang magsasalita."Siguro naman pre hindi mo na ako kailangang utosan pa para sundan o ihatid si Skynie palagi alam na naman ng lahat na kayo. Kasi pare habang ginagawa ko yun, I've realized that maybe it's time for me to find my girl yung katulad sana ni Skynie." naiyak ako sa sinabi Aston.
"Dre thank you for letting us meet her. Salamat dahil nagagawa ko yung mga bagay na hindi ko magawa sa kapatid ko." nilapitan ko si Aston at niyakap. Ramdam ko siya, alam kong miss na miss na niya yung kapatid niya."Bat si Aston may yakap kami wala" reklamo ni Liam.
"Oo nga kami din" sabi naman ni Eon.
Niyakap nila ako except kay Zero at Kris as usual. Mga KJ, sarap ipang untog.
"Tama na yan baka hindi makahinga yung girlfriend ko" awat ni Zero.
"Ako naman" sabi ni Vance.
"Isa lang ang masasabi ko sa Monthsary niyo. SANAOL MAY JOWA!" sigaw ni Vance. Lahat kami natawa.
"Okay ako na naman" sabi ni Eon.
"Hoyy hindi pa ako tapos" sabi ni Vance. Ayan naman sila.
"Sabi mo, "Isa lang ang masasabi ko sa Monthsary niyo. SANAOL MAY JOWA!" Panggagaya ni Eon kay Vance. Nasapak tuloy siya ni Kris sa sobrang lakas ng boses niya. Nabingi ata si Kris.
"Aray Dude, sige na Vance ako na. Tudo na to" yan tuloy sinapak na naman siya ni Kris. May gana pa kasing gayahin si Rufa Mae.
"Bakla ka ata Pre" sabi ni Liam.
"Hoy hindi no" sabi ni Eon.
"Tumahimik na nga kayo ako na yung magsasalita. TODO NA TO" this time nakailag na siya sa sapak ni Kris. Ang kulit talaga ni Eon. Ang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa."Skynie pwede bang wag na kayong mag away sa susunod. Nakaka trauma kasi yung ginawa nila sa akin noon. Hanggang ngayon parang may make up pang natira sa mukha ko. Pero wag ka, ang ganda ko dun" pagmamalaki niya sa sarili.
"Bakla nga ata siya bro" rinig kong bulong ni Liam kay Kris. Pero tiningnan lang siya ni Kris ng walang emosyon.
"Sabi ko na sana sayo ko nalang sinabi Vance, ewan ko sayo Kris kaya nga siguro wala ka pang jowa ngayon." Sabi pa niya."Bakit bro may jowa ka?" tanong ni Aston.
"Okay sabi ng tatahimik na ako. Bilisan mo na Eon." sabi ni Liam.
"Bro pag kayo nagkatuluyan ni Skynie ako ng bahala sa catering" sabi niya.
"Wala na akong masabi sinabi na kasi nilang lahat." Sabi niya."Dre tayo na" sabi ni Aston. Tiningnan ko si Zero. Ang putla na naman niya.
"Val are you okay?" Tanong ko.
"Wag niyo akong idamay sa mga pakulo niyo" sabi ni Zero.
"Hala bawal KJ" sabi ni Eon.
"Sige na dude wag mong pag antayin ni Skynie" sabi ni Liam.
"What? No" umiwas siya ng tingin sa akin.
"Di ba Skynie ayaw mo ng ganun?" Sabi ni Eon.
"Oo, sige na Val"
YOU ARE READING
Officially His Property [COMPLETED]
Teen FictionTama bang umibig o magkaroon ng jowa ng patago.?? well for me, their's nothing wrong about it.. I'm Sky Zian Morrell , secretly taken for more than 2 years, yes 2 years no joke.. He's my first crush , first boyfriend , my first love , my first...