Chapter 40

322 18 2
                                    

Ilang beses ko ng tinawagan si Zero pero walang sumasagot. I need him right now. Kanina pa akong naglalakad dito palabas ng sub division habang umiiyak. Kaya si Kuya Slight nalang yung tinawagan ko.

"Kuya" parang batang tawag ko sa kanya habang humihikbi.

"What happened? Nasan ka?" matapos kung sabihin yung address ay pinatay na agad niya ang tawag. Napagod narin ako sa kakalakad kaya umupo nalang ako gilid ng daan, wala akong pake kung madumihan yung suot ko. Para na nga akong hangin na naglalakad. I was wondering kung alam din ba ni Kuya to, magagalit din ba siya pag nalaman niya ang lahat. Magagalit ba ako kung wala lang to sa kanya?

Napatingala ako ng may umabot ng kamay sa akin.

"Tara" sabi nito, nagtataka ako dahil imbes na si Kuya ang hinihintay ko ay si Aliasa ang dumating. Halatang kakaligo pa nito basang basa pa kasi yung buhok niya.

"Why are you here?" Tanong ko.
Napakamot siya sa noo niya.

"You ask me to come here" sagot niya, tiningnan ko agad yung recent call. Siya nga yung natawagan ko.

"Let's go" tinulungan niya akong tumayo at inabotan ako ng panyo. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

"San mo ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman kasi dito ang daan papunta sa amin.
"Sa bahay mo ako dalhin" sabi ko pero mukhang hindi niya ako naririnig.
"Please" pumiyok na yung boses ko dahil sa kakaiyak.

"No, masasaktan ka lang ulit pag umuwi ka dun" sabi niya.

"Wala kang alam!" Sigaw ko sa kanya.
"Bababa ako, itabi mo" ayaw niya paring makinig. Tinanggal ko yung seatbelt, kaya napahinto siya.

"Z, listen alam ko, ramdam kita." Sabi niya.

"No you don't! Hindi ikaw ang kailangan ko" mahina kong sabi.

"Alam ko pero, alam mo ring wala kang pupuntahan. Alam kong naguguluhan ka kung alam ba to ng Kuya mo na dating ex ng ate mo. Z alam niya, alam ng buong pamilya mo na pinatay ang ate mo" para akong nabingi sa sinabi niya.
"Pero Z wala silang ginawa, ni isa sa kanila walang nagreklamo." napasigaw na ako sa sinabi niya, iyak lang ako ng iyak.

"B-bakit? BAKIT NILA NAGAWA TO?!" ang sakit lang sorbang sakit na parang bibiyak yung puso ko. Bakit wala silang ginawa bakit parang wala lang to kay Kuya. Diko namalayan na yakap yakap na pala ako ni Aliasa ngayon.

"I'm sorry hindi ko sinabi sayo" paghingi niya ng tawad.
"Nahihiya kasi akong lumapit sayo kasi alam kong hindi na tayo tulad ng dati, wala ka ngang naaalala na magkaibigan tayo noon" dagdag pa niya.

"Pwede ko bang malaman kong bakit walang ginawa si Kuya nung nalaman niya ang pagkamatay ni Ate" tanong ko dito.

"You have the right, pero hindi mo dapat sa akin marinig. You ask them" sagot niya.

Tulad ng sabi niya hindi ko pa kayang harapin ngayon ang pamilya ko. Kaya hindi na muna ako uuwi sa bahay. Hinatid niya ako sa hotel upang dun na muna magpahinga. Napagod narin ako sa kakaiyak, namamaga na nga yung mata ko.

"Rest, good night" sabi niya bago siya umalis.

"Thank you" mahinang sabi ko pero alam kong narinig niya ito.

Humiga na agad ako sa kama. Tiningnan ko ang phone ko andaming missed calls nila Kuya. Pero ni isang message o missed call man lang galing ka Zero ay wala akong natanggap. Kaya I decided to turn off my phone at pinikit ang aking mata. Sana pag gising ko panaginip lang ang lahat.

"Val gising"

"Val"

"Val"

"Z" nagising ako ng tinawag ako ni Aliasa. Bat siya nandito? Pano siya nakapasok?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dito?

"I'm sorry, nag aalala lang ako dahil kanina pa ako doorbell ng doorbell pero walang sumasagot baka kung ano ng ginawa mo." Paliwanag niya. Babangon sana ako ng maramdaman kung parang bibiyak yung ulo ko sa sakit. Ouch.

"What's wrong?" Tanong niya at hinawakan yung noo ko.
"May lagnat ka" sabi niya, kaya siguro ang init ng katawan ko akala ko walang aircon.

"Stay there, kukuha ako ng gamot mo" sabi niya sa akin. Tiningnan ko lang siyang tumatakbo palabas ng pinto. Bakit kaya wala akong maalala na kaibigan ko siya noon?

9 na pala ngayon malapit na yung anniversary namin ni Zero sobrang unfair ko naman sa kanya kung di kami mag ce-celebrate niyan dahil malungkot ako. Di ko nalng muna sasabihin sa kanya na alam ko na ang lahat. Hindi ko ipapakita sa kanya na malungkot ako. Saka kuna hahanapin ang yung Doctor na yun pagkatapos ng anniversary namin.

Diko namalayan na tumulo na pala yung luha ko. I miss him. Di kasi ako sanay na wala siya, araw araw niya kasi akong kinukulit kahit pa hindi kami mag kasama. Nakakamiss lang, ganon ba ka importante ang pinuntahan niya kahit simpleng hi di niya magawa? Sorbnag busy ba niya?

"Z inumin mo na yan" natauhan ako ng magsalita si Aliasa, inabutan na pala niya ako ng gamot at tubig di ko man lang namalayan. Sobrang lutang ko talaga. 

"Napadaan ako sa bahay niyo, kahapon ka pa nila hinahanap" sabi niya sa akin.

"Hayaan mo na sila, matutulog muna ako. Salamat" sabi bago bumalik sa pag kakahiga.

"Hindi ka kakain?" Tanong niya.

"Mamaya na"

Nagising ako ng may naramdaman akong malamig sa noo ko.

"I'm sorry, nagising ka tuloy. Ang init mo kasi" sabi niya. Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan nalang siya. Pinikit ko nalang ulit yung mata ko.

"Kain ka na muna" sabi niya. Wala akong ganang kumain pero alam kong kailangan ko ito. Kaya bumangon nalang ako. As usual walang lasa yung kinain ko.

"Thank you" sabi ko sa kanya. Ngumiti lang ito sa akin.

Kinuha ko yung phone at binuksan ito. Ang daming missed calls. Bubuksan ko sana yung message nila kuya ng may biglang tumawag. Unknown number.

"Where are you?" mahinang sabi ng lalaki, familiar yung boses pero bat ang tamlay ng boses.

"Who are you?" Tanong ko dito.

"Val nasan ka?" This time alam ko na kung sino ang tumawag.

Sinabi ko sa kanya kung nasan ako. Hindi na umabot ng isang oras ay nasa harapan ko na agad siya.

"Val" tawag ko sa kanya at niyakap siya. Dun na ako umiyak ulit. Hinihimas niya lang yung buhok ko.

"I'm so worried" mahina niyang sabi.
"I thought I won't be able to see you" dagdag niya. Bat ang tamlay ng boses niya.

"Kahapon pa kita kailangan bat ngayon ka lang" hikbi kong sabi.

"I'm sorry" pinaupo niya ako sa kama lumuhod siya sa harapan ko para mag level kami. Hinawakan niya yung kamay ko. May nahagilad ako puting bagay sa kamay niya, napansin niyang nakita ko yun kaya agad niyang binaba ang kamay niya.

"Ano yun?" Tanong ko dito.

"Napagtripan ako ng bata kanina sa plane nilagyan niya ng band aid" sagot niya.
"Bakit hindi ka umuwi sa inyu" tanong niya. Mukhang nag sumbong sila Kuya sa kanya kaya siya nandito.

"Alam ko na" nagulat siya sa sagot ko.

"Ang alin?" Tanong niya.

"Kung bakit namatay yung ate ko"

Officially His Property [COMPLETED]Where stories live. Discover now