Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni Scott, ganyan ba mga lalaki dito. Pa iba iba yung trip. Ay ewan basta wala akong planong sagotin yung tanong niya. I'm here for work.
Naalala ko tuloy sila Eon, pinutol ko na din kasi yung ugnayan ko sa kanila simula yung wala na kami ni Zero. Kasi alam kong mas mahihirapan ako kung lagi ko pa sila makikita. Galit kaya sila sa akin? Baka siguro nagkita sa sila ulit ni Zero. Good for them.
Diko namalayan na tumulo na pala yung luha ko. Bat ako ganto? Ang tagal na nun pero minsan namimiss ko sila lalo na siya.
****
Nasa airport kami ngayon ni Scott susunduin kasi namin si Tita Ferlie, kanina pa kami walang imik ni Scott. Ang awkward ng atmosphere, mawawala lang siguro to pag dumating na si Tita kaya nga excited na ako.Nakita ko na si tita Ferlie sa malayo nakangiti ito. Tumakbo siya papunta sa amin. Akala ko kay Scott siya pupunta sa akin pala. Niyakap niya ako.
"Mas lalo kang gumanda anak" Sabi niya, nakalimotan ko half Filipina pala si tita kaya marunong siyang mag tagalog.
"Here comes your alien language" reklamo ni Scott, sabay kinuha ang mga gamit ni Tita at pinasok sa kotse.
"By the way I want you to meet Engineer" lumingon pa si Tita para hanapin yung kasama niya ata. Napalingon na din ako, nakamask yung lalaki at nakahood na itim pero kahit nasa malayo ito alam ko kung sino ito.
"This is Engineer Zero Swertel" yes wlang iba kundi si Zero, tumingin siya sa akin sandali tapos umiwas na agad ng tingin. Halos hindi ako makagalaw sa tinatayuan ko, yung taong matagal ko ng gustong makita nasa harapan ko na ngayon. Pero parang may nagbago sa kanya.
Nilagpasan niya lang ako ng nilagay niya yung malita niya sa likod ng kotse at sumakay na agad siya sa kotse.
"Don't worry anak ganyan talaga yan si Engineer snob masasanay din tayo" sabi ni tita, tas sumakay nadin kami sa likod nasa harapan kasi nakaupo si Zero. Nagbago na nga siya.
Mabuti naman at hindi kilala ni tita si Zero. Malabo naman sigurong magka amnesia si Zero, pero baka naaalala niya ako pero naka move on na siya. Seems like he's here for work, kaya hindi ko nalang siya aabalahin.
Kanina pa ako hindi mapalagay sa kotse, hindi ko na nga maintindihan lahat ng mga sinasabi ni tita.
Pagkarating namin sa mansion ay pumasok na agad ako sa room ko. At yung luhang kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan ng tumulo. Hindi ko ma explain bat ako umiiyak, dahil ba sa namimiss ko siya? Dahil ba hindi niya ako pinansin? o dahil naalala ko naman yung nakaraan?
Diko namalayan na naka tulog na pala ako kakaiyak nagising nalang ako ng ginising ako ni Tita.
"Kumain ka na anak, aalis muna ako" paalam niya sa akin. Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako nagugutom na din kasi ako.
Babalik na sana ako sa taas ng makita kung si Zero lang yung kumakain. Pero nakita na niya ako, para naman akong tanga nun. Bat naman ako iiwas. Mabuti naman at malaki yung lamesa nila kaya malayo lang kami ni Zero sa isa't isa.
Muntik na akong mabilaukan ng biglang sumulpot si Scoot.
"Good morning Sunshine" ngiting sabi nito.
"I'm still waiting for your answer" he added and winked at me. Nakita kong nakatingin si Zero sa amin at umiwas na din agad ito. Diko feel yung kinakain ko dahil kaba na nararamdam ko, tas dumagdag pa tong si Scott."By the way sweetheart, I'm not going with you later. Can you give him a tour of our resort?" Tanong nito, tumingin muna ako kay Zero bago ako tumango.
Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa taas. Hindi ako mapakali, ilang minuto nalang kasi aalis na kami ni Zero. Feel ko na agad yung awkwardness. Narinig kong may kumatok sa pinto kay pinagbuksan ko. Blangkong expression agad yung nakita ko.
"Let's go" sabi nito, tumango nalang ako. Nasa likod lang niya ako, dati ayaw niyang nahuhuli ako pag magkasama kaming naglalakad. Muntik na akong mabunggo sa kanya ng bigla siyang huminto. Lumingon siya sa akin.
"Mauna ka" mahinang sabi niya. Siguro dahil alam ko yung daan palabas sa mansion nato. Binigay pala ni Scott yung susi sa kotseng gagamitin namin ngayon kay Zero. Sa likod sana ako sasakay pero nakalock kaya no choice tumabi nalang ako sa kanya.
"How are you?" Diko alam san ko nakuha yung lakas ng loob ko ngayon bat ko siya tinanong.
"Malayo pa ba?" Tanong niya, he's ignoring my question.
"Oo" sagot ko.
"I'm only here for work, sana ikaw din" sagot niya. Siguro kong hindi siya nakatingin sa daan ngayon makikita niyang nasasaktan ako sa sinabi niya. Sa labas nalang ako tumingin at pa simpleng pinahiran yung luha ko.
Pagkarating namin ay agad niyang tinignan yung buong area. Hinayaan ko nalang siya at umupo nalang ako sa sofa. Tiningnan ko na din yung mga naumpisahan ko ng gawin dati about sa new decorations na gagawin namin.
"Please tell your Tita na matatapos na to within 4 months. I don't like staying here." Sabi nito. Tumango lang ako. I've noticed malakas yung hangin sa labas at uulan ata. Tinignan ko yung weather forecast, then I find out na may bagyo pala. Bat hindi kami sinabihan ni Scott. Speaking of Scott, he's calling me right now.
"I'm sorry, I forgot to tell you about the typhoon. Are you still there?" He said.
"Yes but I think he's done looking, so we're leaving now," I said.
"That's good to hear, I'm hanging up. Be careful, I will wait for you here. Bye," he said.
Hinanap ko si Zero, nasa likod ko lang pala.
"Are you done?" I asked him.
"Not yet, why did you miss him already?" He sarcastically asks me.
"What?" Tinalikuran na niya ako. Problema niya? Nakikinig pala siya sa usapan namin kanina ni Scott.
"Can you make it fast?" Sabi ko ulit dito.
"You know what, you should be professional. Wag puro landi" sabi nito, nasaktan ako sa sinabi niya, sarap niyang sampalin.
"Hello hindi ako malandi, akin na yung susi uuwi na ako. Bahala ka sa buhay mo." Sigaw ko dito. Pero hindi niya padin ako pinapansin.
"Ano ba Zero parang kang bata, bilisan mo na nga diyan kasi may bagyong paparating. Kung gusto mong mabagyohan sa daan wag mo kong damayin." Sigaw ko ulit dito.
"Zero" mahina niyang sabi pero narinig ko parin.
"Wag na tayong umuwi, aabotan parin tayo sa daan niyan." Pa simpleng sabi niya.
"No, uuwi ako" matigas kong sabi.
"Pwede namang sabihing namimiss mo siya, wag mong dinadahilan yung bagyo" sabi nito.
"What's your problem?" Sabi ko.
"I'm jealous"
YOU ARE READING
Officially His Property [COMPLETED]
Teen FictionTama bang umibig o magkaroon ng jowa ng patago.?? well for me, their's nothing wrong about it.. I'm Sky Zian Morrell , secretly taken for more than 2 years, yes 2 years no joke.. He's my first crush , first boyfriend , my first love , my first...