Sobrang pag-aalala ng pamilya ko matapos malaman nila ang nangyari sa akin kagabe. Dahil sa nasira na yung tube ko, napilitan akong umuwi agad mabuti naman at pinayagan ako. At si Eon na yung pumalit sa akin. Sa pagkakaalam ko si Liam yung nanalo sa lalaki at hindi ko naman kilala yung sa babae.
Pagkatapos kong maghilamos ay bumaba na ako at uminom ng tubig sa kusina. Muntik ko ng maibuga yung tubig ng magsalita bigla si Zero.
"Good morning" masayang bati niya sa akin. Tiningnan ko yung oras, ang aga naman ata niya. Sa pagkakaalam ko bukas pa yung lakad namin. Ngumiti nalang ako sa kanya.
"Mabuti at gising na kayong dawala" sabi ni Mom.
"Po?" Takang tanong ko.
"Oo nga pala hindi mo alam na dito natulog si Zero kagabe" hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mom.
Dahil napagod ako kagabe at kinabahan ay nauna na akong matulog sa kanila, kaya siguro hindi ko alam na dito si Zero natulog. Sa tanang buhay ko yun ang unang beses na may nambastos sa akin.
"Taga san ba yung lalaki?" sabay na tanong ni Kuya Slight at Light. Kambal nga talaga sila. Nandito kasi kami ngayon sa hapag kainan.
"Hindi namin alam" sagot ni Zero.
"Anong hindi dapat tinanong niyo" galit na sabi ni Kuya Slight.
"Kuya tama na, nag sorry na naman yung tao at isa pa kawawa naman kung ipakukulong natin siya" sagot ko. Napakamot silang pareho habang si Mom at Dad ay tahimik lang.
"Yan ang problema sayo Princess ang bait bait mo" sabi ni Kuya Light. Hindi na ako nagsalita pa.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na si Zero. At hindi ko kinalimutang ipalala sa kanya ang lakad namin bukas. Sana naman masagot na yung lahat ng mga katanungan ko.
Huminga ako ng malalim at lumabas ng terrace. Parang gusto ko ngayong tumingin sa kalangitan kaya napag-isipan kong pumunta sa rooftop. Pakanta pakanta ako habang hinihintay kong bumukas yung elavator. Nakalabas na ako ng may narinig akong nag uusap sa unahan. Mukhang sila Kuya, mukhang ang seryoso ng pinag-uusapan nila.
"Eh kung wag nalang kaya natin siya payagang pumunta bukas dun" sabi ni Kuya Light. Sino bang pinag-uusapan nila.
"Ano namang idadahilan natin?" tanong ni Kuya Slight.
"Ah basta wag natin siyang payagan." sabi ni Kuya Light. Dahil sa naguguluhan na ako kong sino ang tinutukoy nila, napag desisyonan ko ng magsalita.
"Sinong di niyo papayagan Kuya?" gulat na gulat silang lumingon sa akin. Nagdalawang isip sila kung ang sasagot sa tanong ko. Napakamot si Kuya Light .
"Ano kasi Princess, wag nalang kaya kayong umalis bukas ni Zero" sambit ni Kuya Light. Nagtaka akong tumingin sa kanila. Ano ba kasing meron?
"Bakit po" takang tanong ko. This time pinipigilan na ni Kuya Slight na magsalita si Kuya Light.
"Tomorrow is family time" sagot ni Kuya Slight.
"Pero Kuya pumayag naman sila Mom, at isa pa sandali lang naman kami dun" pagmamakaawa ko. Lumapit ako sa kanilang dalawa at nag pout. Sana naman bumenta.
"Please" dagdag ko."Okay, basta uwi agad" sukong sabi nilang dalawa. Ngumiti ako at hinalikan ko silang pareho sa pisngi. Sabay nila akong inakbayan.
"Ano palang sadya mo dito Princess?" Tanong ni Kuya Light.
"Ang ganda kasing pagmasdan yung kalangitan ang daming star" masayang sagot ko sabay na tiningnan ang mga stars.
"Parang kang bata" sabi ni Kuya Slight at ginulo yung buhok ko. Nakahiga kaming nakatingin sa taas, si Kuya Slight panay kanta. Maganda naman kasi ang boses ng kambal ako lang ata ang patapon sa pamilyang to. Siguro kong hindi ko sila kapatid baka isa ako sa mga magkakagusto sa kanila ang gwagwapo kasi at ang babait pa.
YOU ARE READING
Officially His Property [COMPLETED]
Teen FictionTama bang umibig o magkaroon ng jowa ng patago.?? well for me, their's nothing wrong about it.. I'm Sky Zian Morrell , secretly taken for more than 2 years, yes 2 years no joke.. He's my first crush , first boyfriend , my first love , my first...