Chapter 43

286 14 0
                                    

My boyfriend is dying.

How come siya yung lalaking naghihingalo kanina. Bakit kailangang siya pa ang anak ni Dr. Francis.

"Sky" napalingon ako sa nagsalita. Si Dean, I mean mommy ni Zero.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Dad?" Napatingin ako sa nagsalita. The girl who's bothering me was Zero's sister. Kaya ba sabi niya sa akin noon na layuan ko na si Zero.

"Set him free habang maaga pa, don't make it hard for him. Since childhood he devoted his life to you. He face everything even his greatest fear. So please let him go" Sabi pa niya noon sa akin ito ba ang ibig niyang sabihin?

Nagulat siya sa presensya ko. Lumapit nadin siya sa amin.

"Let's talk" sabi niya sa akin.

Parang akong hanging nakasunod sa ate ni Zero. Iyak parin ako ng iyak, parang sasabog na yung puso ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"Tell me hindi totoo ang mga nakikita ko" hagulhol kong sabi sa kanya. Umiiyak na din siya sa harap ko.
"Please tell me this is just a joke, that all of you are just lying, please"

"I'm sorry" tanging sagot niya.

"Hindi ko na alam gagawin ko, hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. Did Zero approach me dahil naguguilty siya sa ginawa ng Dad niyo sa ate ko? Mahal ba talaga ako ni Zero, o malapit lang loob niya sa akin dahil dala dala niya ang puso ng ate ko. Please sumagot ka."

"In the first place alam ni Zero na kapatid ka ni Cloud, kaya ka niya hinanap. But it doesn't mean hindi ka niya mahal." Sagot nito.

"Then why did you tell me to stay away from him?" Tanong ko.

"Because he's suffering. He loves you pero alam niyang masasaktan karin pag namalan mo ang totoo. That's why he decided not to have his second transplant. Umalis siya ng hospital para lang puntahan ka dito kasi nawawala ka raw. Z mamatay si Zero pag hindi siya nag pa transplant uli. Matagal na pala siyang naghihirap sa puso niya pero wala siyang sinabihan dahil baka malaman mo at natatakot siya na baka hindi maging successful ang operation at maiwan ka lang bigla."

"My brother loves you more than himself. Ilang beses ko na siyang pinagalitan pero at the end ikaw parin lagi niyang inu-una, ikaw parin ang pinipili niya"

"Matagal ng hiwalay si Mom at Dad kaya hindi dala dala ni Zero ang surname ni Dad at matagal naring hindi kinakausap ni Zero si Dad. Ni ayaw nga niyang tingnan si Dad hanggang ngayon.

"Alam kong isang malaking kasalanan ang ginawa ni Dad sa ate mo, and Dad is willing to go in jail."

"I know it's too much but can you please let my brother go. He's not going to leave unless you let him." Sabi nito, naaala ko tuloy yung sabi ni Zero sa akin na hindi raw niya ako iiwan unless ako na mismo tumaboy sa kanya.

"Kailan ba dapat Operation ni Zero?" Tanong ko dito.

"December 15" sagot niya. Today is 10 our anniversary. Zero I'm sorry.

"Don't tell him na alam ko na, ipalabas niyo na nagkalagnat lang siya pupunta ako dito bukas." Kahit masakit kailangan ko tung gawin.

"Oo, thank you Z" niyakap niya ako, I didn't hug her back.

"After makaalis ni Zero sa Pilipinas dapat sumuko na Dad mo" huling sabi ko bago ako umalis.

***
Nadatnan ko sila Mom sa sala mukhang ako ang hinintay nila kasi tumayo agad sila pagdating ko.

Nilapitan ako ni Mom.

"I'm sorry, I want to be alone" mahina kung sabi. Susunod pa sana si Kuya Light pero pinigilan siya ni Dad. Si Kuya Slight wala pa, siguro naman alam na niya.

Hindi na ako nagbihis dahil humiga na agad ako sa kama at umiyak. Binuksan ko yung phone ko, ni isang text wala akong natanggap. Nalilito na ako, what should I say to him?

Galit ba ako kay Zero? Siguro, dahil nagsinungaling siya sa akin, pero mahal ko yun eh sobrang mahal.

Tiningnan ko ang oras 12 midnight na pala hindi parin ako makatulog. Lumabas ako ng kwarto at bumaba, hindi pa pala ako kumain. Nadatnan ko si Kuya Light nag luluto.

"Finally you're here" sabi niya. Tiningnan ko ang lababo ang daming pagkain.

"Kuya bat mo yan tinatapon?" Tanong ko siya kanya at tinuro ang mga pagkain.

"Kanina ko pa kasi yan iniinit, kanina padin kita hinihintay. Tamang tama nagluto ulit ako, upo ka na" sabi niya. Napaiyak ako sa ginawa niya, ang swerte ko talaga sa pamilya ko. Nilapitan ko si Kuya at niyakap.

"Thank you Kuya" sabi ko.

"You're welcome, Princess kung nahihirapan ka na talaga makikinig ang Kuya. Pwede mo akong kausapin ilabas mo lahat ng sakit sa akin" sabi niya. Mas lalo tuloy akong umiyak.

"Kuya nahihirapan na ako, nag aagaw buhay si Zero kailangan niya ulit ng transplant. Gusto ng ate niya itaboy ko siya para umalis na siya dito. Pero Kuya hindi ko alam anong sasabihin ko sa kanya" sabi ko dito.

"I'll help you" sabi ni Kuya. Niyakap niya pa ako hanggang sa niyaya na niya akong kumain. Pagkatapos kung kumain ay hinatid niya ako sa kwarto ko. Pagbukas ko ay nadatnan kong may nakaupo sa kama ko.

Nagdadalawang isip pa ako kung lalapit ba ako pero siya na kusang lumapit sa akin at niyakap ako. Humahagulhol siya sa iyak.

"I'm sorry" sabi ko dito.

"No Queen it's okay" sabi nito. Pinaupo niya ako sa sofa at humarap aiya sa akin.

"Kuya in first place alam niyo na diba?" Tanong ko dito, tumango siya.

"Bakit di mo sinabi sa akin?" Tanong ko ulit.

"Kasi alam kong masaya ka sa kanya" sagot niya.

"Pero nahihirapan ka kapag nakikita siya?" Natigilan siya sa tanong ko.

"Oo, pagnakikita ko siya naninikip yung dibdib ko, at bumabalik lahat ng sakit" sabi nito, so all this time ako yung dahilan kung bakit nasasaktan parin si Kuya.

"I'm sorry Kuya"

"No it's okay, alam ko namang mahal ka ni Zero" huling sabi ni Kuya bago siya lumabas sa aking silid.


Pag alis ni Kuya tumulo na naman uli yung luha ko. Pano ba to mababawasan yung sakit?


Kung buhay pa ba si Ate ma me-meet ko ba si Zero?


Officially His Property [COMPLETED]Where stories live. Discover now