Lutang akong pumasok sa bahay, napaupo ako sa sofa mabuti naman at wala na sila Kuya mukhang inaantok na sila. Nagtatampo na naman si Zero sa akin. Ang laki na talaga ng kasalanan ko sa kanya. Ano ba kasing reply ni Aliasa? Bat naman kasi niya binura, wala naman kaming ginagawang masama.
Pinagpasyahan kong pumasok nalang sa kwarto upang matawagan ko na rin siya.
Nakailang ring pa bago niya sinagot, si Zero kahit nagtatampo yan sinasagot niya parin ang tawag ko."Val" malambing kong sabi.
"Oohh" rinig kong sagot niya.
"Are you mad?" Tanong ko.
"No I know your mad, I'm sorry" dagdag ko. Natagalan pa bago siya makasagot."Gaano ba siya ka importante?" napakagat lagi ako sa tanong niya. Talagang galit siya.
"He's not important, pero yung reply niya oo" mahina kong sagot. Totoo naman talagang importante yung reply niya, para hindi na ako maguluhan pa.
"Okay" tipid niyang sagot. Pano ba tuh? Hindi parin siya satisfied sa sagot ko.
"Val sorry na, hindi naman kami close nun sadyang may gusto lang akong itanong sa kanya." Sabi ko.
"Baba mo na may gagawin pa ako" medyu nasaktan ako sa sinabi niya. Naiiyak na tuloy ako.
"Val I'm sorry" paghingi ko ulit ng tawad. Hanggang sa binabaan na niya ako. Never pa akong binabaan ni Zero noon, talagang galit siya.
Naka received ako ng text galing kay Zero.
***
"Magkita tayo sa Park ng subdivision niyo" Yan yung reply ni Camiro.
***
Napatayo ako sa nabasa ko. Nagtataka akong lumabas ng kwarto. Naguguluhan ako, talaga bang galit sa akin si Zero? Bat niya sinasabi sa akin yung reply ni Aliasa?
Agad akong lumabas ng bahay, alam kong gabi na pero sandali lang naman ako malapit lang naman yung Park sa amin.
Napayakap ako sa sarili ko sa sobrang lamig, nakalimutan kong magdala ng jacket. Bahala na sandali lang naman.
Palapit ng palapit na ako sa Park at may nakita akong lalaking nakatalikod habang nakaupo. Bakit parang hindi si Aliasa tuh. Mukhang napansin niyang may tao dahil napalingon siya. Nagulat ako sa nakita ko. Kaya pala pamilyar."Nagulat ka ba dahil hindi si Camiro ang nakita mo?" Seryoso niyang tanong.
"He's not important? Really?" sarkastikong tanong niya. I can't believe him."Val mag usap tayo, I'll explain everything" mahinahon kong sabi.
"No, napipilitan ka lang" napalapit ako lalo sa sinabi niya.
"Val please pakinggan mo muna ako" pagmamakaawa ko. Kunti nalang talaga at maiiyak na ako.
"I text you awhile ago then after 5 minutes andito kana, siya ba yung di importante?" Sabi na naman niya. Napapikit na ako, alam kong mali pero bakit hindi niya ako maintindihan. Huminahon muna ako bago magsalita. Galit siya kaya dapat kalmado lang ako para hindi na lumaki yung away namin.
"Val listen, jusk like what I've said he's not important. But I really want to know the truth. So please wag kang magselos nagkataon lang siya ang may alam. Alam mong ayaw ko sa kanya, I hate him for no exact reason but still I have to talk to him." paliwanag ko.
"I'm not jealous" nagulat ako sa sinabi niya.
"No, you are" sagot ko.
" I said no, I'm just mad." mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya.
"Kaya ka galit kasi nagseselos ka diba?" tanong ko.
"Antagal na nating magkasama at yan ba ang tingin mo sa akin. Ang babaw naman ata ng iniisip mo. I'm not jealous of that guy, why would I? I'm just worried." sabi niya, alam kong pinipigilan niya yung sarili niyang wag akong sigawan.
"Worried for what?" Tanong ko. Kumunot yung noo niya.
"This, sinabi ko lang na magkita kayo sa Park wala pang 10 minutes nandito ka na, ang lamig lamig ng panahon tapos nakalimutan mo pang magdala ng jacket. Gabing gabi na tapos naisipan mo pang lumabas" galit niyang sabi, kahit pilit kong pinapakalma yung sarili ko sadyang diko na talaga mapigilan.
"Talaga bang nag aalala ka? Ikaw yung may pakana kung bakit ako nandito, kung may mangyari mang masama sa akin kasalaan mo yun." pasigaw kong sabi. Naiiyak na talaga ako. Hindi ko talaga siya maintindihan.
"Alam kong may mali ako, oo na ako na ang may kasalanan kasi may hindi ako sinasabi sayo pero Zero maling magsinungaling kang dito kami magkikita kasi pinagmumukha mo akong tanga." Walang tigil yung pagpatak ng luha ko. Sobra akong nasaktan sa ginawa niya.
"I can't believe you" tinalikuran ko na siya at nagsimula na akong naglakad pabalik sa bahay."Aalis ka na? Di mo lang ba hahabulin si Camiro? Hindi pa yun nakakalayo" rinig kong sigaw niya, napahinto ako. Nagulat ako ng sinuotan niya ako jacket. Hinawakan niya yung dalawang balikat ko , gusto kong lumingon pero ayaw niya.
"Hindi na kita maintindihan, pero sige lang. Sa susunod na tayo mag usap pag nasagot na lahat ni Camiro lahat ng mga katanungan mo." hindi ako makagalaw sa sinabi niya. Lalo tuloy akong naiyak.
Binitiwan na ako ni Zero at nagsimula na siyang maglakad. Kaya agad ko siyang hinawakan, napalingon siya sa ginawa ko. Parang tinutusok ng karayom yung puso ko habang nakikita kong umiiyak si Zero. Pinaiyak ko na naman siya.
"Val I'm so.." hindi niya ako pinatapos
"Magpalamig muna tayo" sabi niya habang inaalis yung kamay kong nakahawak sa kanya.
Palayo na ng palayo si Zero sa akin. Anong magpalamig? Cool off ba yung ibig niyang sabihin?
Mugto yung mata ko pagkagising sa umaga, halos buong gabi akong umiiyak. Nakakapanibago lang dahil ni isang reply ni Zero wala akong natanggap, talagang sigurado siya sa sinabi niya kagabe. Lalo tuloy akong nalungkot.
Mabuti naman at walang nakapansin sa mata ko, nagmamadali na kasi silang umalis lahat.
"Bye Baby" hinalikan ako ni Dad sa noo "bilisan mo na diyan kanina pa naghihintay si Zero sa labas" muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya.
"Tinawagan ko kasi siya para may maghatid sayo, isasama ko kasi Manong" dagdag niya.Tumango nalang ako sa sinabi ni Dad. Nagdadalawang isip akong lumabas ng bahay, pero malapit na akong malate kaya bahala na.
Usually pag sinusundo niya ako ay sa labas siya ng kotse naghihintay pero ngayon nasa drivers seat siya. Hindi pa nga niya ako kayang tingnan.
Agad akong pumasok sa kotse, walang imik niyang pinaandar ang kotse.
"sorry ha, nadisturbo pa tuloy kita si Dad kasi" paghingi ko ng tawad sa kanya. Seryoso parin siyang nagmamaneho.
"It's okay, girlfriend pa din naman kita. Besides wala namang alam yung Dad mo sa cool off natin" diko tuloy mapigilan yung luha ko sa sinabi niya.
"I'm sorry" napahinto siya sa sinabi ko at agad na napalingon sa akin.
"I'm sorry" iyak parin ako ng iyak.Napansin kong lumuwag yung seatbelt lumapit si Zero sa akin at niyakap ako. Lalo tuloy lumakas yung iyak ko.
"Sino ba kasing nag simulang magpauso ng cool off na yan, hindi naman pala nakakatulong" natawa tuloy ako sa sinabi niya. Humiwalay siya ng yakap.
"I'm sorry" paghingi niya ng tawad at pinahiran yung mga luha ko."Wag mo na akong iwasan, hindi ko kaya ang sakit nga nung hindi mo ako kayang tingnan at pagbuksan ng pinto ng kotse" parang batang sabi ko, napangiti si Zero.
Aakmang bubuksan na sana ni Zero yung pinto ng pinigilan ko siya.
"San ka pupunta?" nagtatakang tanong ko.
"Lumabas ka, pagbubuksan na ulit kita" sabi niya.
"Tanga wag na" natatawang sabi ko.
"I love you" natigilan ako sa sinabi niya.
Lumapit siya sa akin at maglalapat na sana yung mga labi namin ng may bumusinang sasakyan. Nagulat kaming dalawa at sabay na nagtawanan. Nakalimutan naming nasa ginta pala kami ng daan."I love you Val"
YOU ARE READING
Officially His Property [COMPLETED]
Fiksi RemajaTama bang umibig o magkaroon ng jowa ng patago.?? well for me, their's nothing wrong about it.. I'm Sky Zian Morrell , secretly taken for more than 2 years, yes 2 years no joke.. He's my first crush , first boyfriend , my first love , my first...