Chapter 23

470 20 0
                                    

"What's wrong sweetie, you don't like the food?" natauhan ako sa tanong ni Mom. Napansin kong nakatingin silang lahat sa akin hinihintay yung sagot ko.

"No Mom, busog lang talaga ako" sagot ko.
"Akyat na ako sa kwarto ko" paalam ko sa kanila. Nag alangan silang tumango.

"Mag sabi ka lang mamaya pag nagugutom ka na, dadalhan kita sa kwarto mo" rinig kong sabi ni Kuya Light, kaya tumango nalang ako.

Gustong gusto ko na silang tanungin tungkol sa nakita ko pero hindi pa ako handa sa isasagot nila. Pano kung tama yung hinala ko. Napag isipan kong eh chat si Aliasa upang sa kanya nalang ako magtanong pero ni seen wala. Bat di nalang kasi niya sabihin sa akin ang lahat. Yan tuloy naguguluhan na ako.

"Princess" tawag ni Kuya Light sa akin.

"Come in" mahina kong sabi. Tumabi siya sa akin sa sofa. Tiningnan niya ako na para bang andami niyang gusto itanong sa akin.

"I ask Zero, hindi naman pala kayo nag away. Do you have a problem?" Tanong niya sa akin. Umiwas ako ng tingin.

"Kuya may kababata ba ako dati?" Tanong ko sa kanya. Mukhang nagulat siya sa tanong ko, agad din naman siya natawa

"No you don't have. Ang arte mo kaya noon hanggang ngayon. Ni isang kaklase mo noon wala kang kinausap." sabi ni Kuya.
"Bat mo natanong?" tanong naman niya sa akin.

"May nakita kasi akong litrato na may kasama akong batang lalaki" sa wakas nasabi ko rin.

"Lalaki? Sigurado ka? Baka hindi ikaw yung babae" sabi niya.
"Yan ba yung dahilan bat ang ilap mo? Forget it Princess I'm sure hindi ikaw yun" dagdag niya. Inakbayan ako ni Kuya .

"I'm sorry Kuya, nag alala pa tuloy kayo" paghingi ko ng tawad. Hinaplos ni Liya yung buhok ko.

"No it's fine, tara sa baba ipagluluto kita" yaya niya sa akin, tumango nalang ako.
Hindi ko alam pero parang may bumabagabag parin sa akin. Hindi ko nalang ipapahalata sa kanila para hindi na sila mag alala pa.

Pagkababa namin, nakita kong nasa sofa sila Dad at Mom. Kaya agad akong tumakbo papunta sa kanila at isa isa ko silang niyakap, humingi narin ako ng tawad. Sayang wala si Kuya Slight may shoot kasi sila ngayon.

****
"Mom pupunta raw si Zero mamaya" paghingi ko ng pahintulot kay Mom. Siya palang kasi ang nandito sa bahay, mamaya pa siguro sila Dad dadating.

"That's great, tulungan mo akong magluto" masayang sabi ni Mom. Nagpaalam muna ako kay Mom at tatawagan ko pa sila Dad.

"Yes baby" rinig kong sabi niya sa kabilang linya. Ang sweet talaga ng Dad ko.

"Dad pupunta raw mamaya dito sa bahay si Zero, okay lang ba?" mahinahon kong tanong. Narinig kong natawa siya.

"To be honest, nanghingi na siya ng pahintulot kahapon pa Baby." sagot ni Dad. Kahapon? Ang advance naman ata ni Zero.

"Okay Dad, uwi ka na agad. I love you" sabi ko.

"Yes Baby. I love you more" napangiti ako sa sagot ni Dad.

"Take care Dad" pagkatapos kong sabihin yun ay pinatay ko na ang tawag, agad din akong pumunta sa kitchen.

Gusto ko pa ngang tawagan sila kuya pero nasabihan na raw ni Mom kanina pa. Nagmamadali nga si Kuya Light na umuwi para matulungan niya kami sa pagluluto. Habang si Kuya Slight naman ay may dinaanan pa raw.

Natigilan kami ni Mom sa paghahanda ng pagkain ng tumunog yung door bell.

"Go sweetie ikaw ng bumukas" sabi ni Mom kaya agad na akong lumabas.

Isang napakalaking ngiti ang bumungad sa akin kaya napangiti narin tuloy ako.

"Hai" sabi ni Zero.

"Hello, pasok ka na" napansin kong ang dami niyang dala.

"Wala pa ba sila Tito?" tanong niya sa akin.

"Wala pa, pero parating na yun" sagot ko. Sabay kaming napalingon nung narinig naming bumukas yung pinto. Agad din akong tumakbo at niyakap si Kuya Light.

"I'm sorry I'm late Princess" malungkot niyang sabi.

"No its fine" sagot ko.

"Hey bro" he tap Zero's shoulder at ngumiti lang si Zero. Tinulungan ni Kuya si Zero sa dalahin at sabay kaming pumunta sa kitchen.

"Mom I'm sorry" paghingi naman ng tawad ni Kuya at hinalikan si Mom sa pisngi. Ngumiti si Mom.

"Don't mind it, ngayon pa nga lang ako nakapagluto dahil di mo ako pinapayagang magluto" masayang sabi ni Mom.
"Oohh Zero your here"

"Good evening Tita" sabi ni Zero.

"Good evening" masayang sagot ni Mom.

"Mom tulungan na kita diyan" sabi ko sabay kuha sa mga pinggan.

"No, dun nalang kayo sa sala." reklamo ni Mom at kinuha yung pinggan na kinuha ko.

"Mom was right Princess, ako nang tutulong kay Mom." Sabi naman ni Kuya Light.

Kaya agad naman kaming pumunta ni Zero sa sala. Ilang minuto pa ang lumipas hanggang dumating na sila Dad at Kuya Slight. Tinawag na agad kami ni Mom para kumain na.

Habang kumakain masaya kaming nag kwewentuhan at parang parte na talaga ng pamilya namin si Zero. Sobrang close nadin nila Dad, ewan ko kung bakit.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na agad si Dad, halata kasing pagod si Dad. Iniwan na din kami ni Mom dahil may panunuorin pa raw siya.
Kaya kaming apat nalang ang naiwan sa sala.

Abala si Kuya Light sa paghahanap ng magandang pelikula hanggang sa nauwi sa panonood ng NBA. Dahil sa tatlo silang lalaki ay wala akong magawa. Kaya nanuod nalang din ako ng mga MV ng Exo sa phone ko. Ang gwapo talaga nila walang kakupas kupas at walang katulad. My legendary Exo.

"Anong pinapanood mo?" nagulat ako sa tanong ni Zero. Kaya agad kong hinarap yung phone ko sa kanya. Naalarma siya sa nakita niya at agad na kinuha yung phone ko.
"Sino ba tuh?" kunot noong tanong niya.

"My Exo" masaya kong sagot.

"Exo?" Tanong niya.

"Oo they're kpop, no I mean the legendary kpop group" sagot ko naman mas lalong kumunot yung noo niya.
Kinuha ko na agad yung phone ko. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy na siyang manuod ng NBA. Hanggang sa nagpaalam na siya at uuwi na raw. Kaya hinatid ko na siya labas.

"Sino yun?" Mahina niyang tanong.

"Yun? Alin dun? Exo?" Tanong ko naman.

"Hindi yung video na pinapanuod mo, yung nag chat sayo" mahina na naman niyang sabi. Naguluhan ako sa sinabi niya. Kaya agad kong binuksan yung inbox ko.

"Wala naman ahh" sabi ko.

"Binura ko na" sabi niya.
"Aliasa Camiro, sino ba siya?" Tanong niya.

" What? Siya yung nag chat?" Tanong ko naman.
"Anong sabi niya, bat mo binura?" dagdag ko. Tinitigan niya ako at umiwas din.

"Ganon pa ka importante ang reply niya para mataranta ka ng ganyan?" malungkot niyang tanong. Natigilan ako, anong ibig sabihin niya?

"Oo kasi.." hindi na niya ako pinatapos.


"I'm leaving"

Officially His Property [COMPLETED]Where stories live. Discover now